-The Incident-

136 24 19
                                    

I was at the back, watching the program from afar. Nasa loob ng gymnasium ang lahat ng mga estudyante at mga guro para sa kulminasyon ng Career Guidance Week ng school, at kasalukuyang ginaganap ang Search for Mr. and Ms. Career Advocate kaya naman maingay sa loob ng gym dahil na rin sa mga hiyawan at palakpakan ng mga estudyante para sa kani-kanilang mga pambato.

"Yow! Mag-isa ka yata?"

Napalingon ako sa nagsalita. Si Ellah. Ngayon ko lang yata siya nakita. Ewan kung saan sya galing at ngayon lang niya naisipang magpakita.

"Pakialam mo," sagot ko saka ibinalik ang atensyon sa nagaganap na patimpalak.

"Tsk! Ang suplado mo na naman..."

Hindi ko na siya sinagot. Hindi na rin sya nagsalita pa. Tahimik lang siyang nanonood sa tabi ko. Saka ko siya pasimpleng tinitigan. Napako ang paningin ko sa mukha niya. Hanggang sa... bigla akong kinabahan.

Teka, ano 'tong nararamdaman ko?

"Levi?"

"H-Ha?" hindi ko magawang bawiin ang paningin ko sa kaniya.

"Hoy, anyare? Okay ka lang?"

I don't know. What 's happening?

"Hala! May dumi ba ako sa mukha? Saan? Nakaka-conscious ka naman kung makatingin..."

I don't know! I don't know! What's wrong?

"Hello?? Levi!"

What's happening?

"Oy, Levi!!!"

What's –

"Levi!!!"

"H-Hey..." Napakurap ako, dala ng pagakagulat.

"Hoy, napa'no ka? May problema ka ba? Are you sick?" sunod-sunod na tanong niya.

"H-Ha? Uhm, n-no..."

"Seryoso? O eh, ba't para ka yatang nawala sa sarili kanina?"

"A-Ako?"

"Oo, ikaw... alangan namang ako."

I don't know. Bakit nga ba ako natigilan? Bakit ako biglang kinabahan?

"Uhm, I don't... I –––"

"Levi..."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana dahil biglang dumating at lumapit sa amin si Sir Rudy, ang guidance counselor ng school.

"Sir Rudy, hello po."

"Oh Levi, mabuti at nakita kita. Ahh, may hihingin sana akong pabor..." sabi ni sir.

"Pabor po? Ano po 'yon, sir?"

"Ahh, eh... ganito kasi. Nagkaproblema ako sa isang intermission number. Wala 'yong estudyanteng kakanta sana dahil nilalagnat at hindi na pumasok. Ngayon, pagkatapos ng part na 'yan ng pagpapakita ng mga kalahok ng kanilang career outfits, kailangan ng isang intermission number habang tina-tabulate ang scores para sa magiging bahagi ng top 5 na sasagot sa Q and A portion..."

Ang daming sinasabi ni Sir Rudy. Ang haba ng intro niya. Pero alam ko na kung ano'ng gusto niyang sabihin. At hindi ko 'yon gusto.

"Sir..."

"Levi, please sing a song. Alam ko namang magaling kang kumanta. Wala na rin akong ibang kilalang estudyante na maaasahan kong magperform kung hindi ikaw lang..."

"Pero sir, hindi po ako nakapaghanda. Iba na lang po siguro. Marami naman dyan na mas marunong po sa akin kumanta," sabi ko. I do not want to do it.

"Levi, naghanap ako hanggang sa makita kita. You're God's answer sa ipinagdarasal ko na may makita akong papalit do'n sa estudyante ko. Ikaw na lang ang inaasahan ko. Isa pa, I'm sure the crowd will be entertained because after all, it's you Levi. Magugustuhan ng lahat na makita ka sa stage."

Here's the logic again. I sighed.

"Please, Levi. Isang kanta lang naman. You can leave after that..."

Napatingin ako kay Ellah. Gusto ko sanang tingnan kung ano'ng reaksyon niya pero nawala na siya sa tabi ko. Akala ko pa naman nasa tabi ko lang siya, pero umalis na pala ito. Napalingon-lingon naman ako. Saan kaya nagpunta 'yon?

Ayaw ko talaga. But –––

"O-Okay po, sir."

"Oh thank you, Levi! You saved me. Tara, do'n na tayo sa backstage para makapaghanda ka na."

Pilit kong hinanap si Ellah habang naglalakad ako papunta ng backstage, pero sa dami na rin ng tao sa loob nahirapan akong hanapin sya. Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero kailangan kong magperform. I said yes, at wala ng atrasan pa. Ugh! Bakit ba ako pumayag?

Pinili kong kantahin ang kantang Collide ni Howie Day. I love it. It's one of my favorites. But more importantly, parang may bumulong sa akin na 'yon ang kantahin ko. Para bang... I feel like singing it for someone.

Ilang minuto pay pinaghanda na ako ni Sir Rudy. Tatawagin na raw ako ng emcee. Napahugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. And when I heard my name, sinenyasan ako ni Sir Rudy na pumunta na ng stage.

Napakaingay sa loob ng gym. Mas maingay pa sa naging ingay kanina. May sumisigaw ng pangalan ko, and every girl in the crowd is shouting my name.

♪♪♪ The dawn is breaking

A light shining through

You're barely waking

And I'm tangled up in you

Yeah ♪♪♪

Sumisigaw ang lahat. Ang ingay-ingay nila. They're ruining the beauty of the song.

♪♪♪ I'm open, you're closed

Where I follow, you'll go

I worry I won't see your face

Light up again ♪♪♪

Saka namasyal ang mga mata ko. There is somebody I want to see. That somebody whom I want to hear me sing.

Hanggang sa nakita ko rin sya. Nahirapan akong hanapin siya but there she is; nakangiti na naman, at nakatingin lang sa akin.

♪♪♪ Even the best fall down sometimes

Even the stars refuse to shine

Out in the back you fall in time

I somehow find you and I... collide. ♪♪♪

Nakatingin lang ako sa kaniya. Kumakanta ako na siya lang ang tinitingnan ko. Saka ko napansin na sumasabay rin siya sa pag-awit ko.

Napakaraming tao but she is the only one I see. I do not know what's wrong with me. Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko?

Napakaingay ng paligid but it seems that I only hear my music... and her heartbeat with mine. Ahhh... she is really annoying. Really, really annoying.

Hanggang sa bigla na lang may tumulong mga luha mula sa mga mata ko. Why am I crying? Para saan ang mga luhang ito?

It's already 2:32 in the afternoon... no, it's actually 2:33.

Time Spent With YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang