-The Beginning-

159 25 28
                                    

"The Trial is a novel which tells the story of a man arrested and prosecuted by a remote, inaccessible authority, with the nature of his crime never revealed either to him or the reader. Who is the writer of this novel?"

It's English and the teacher is asking me, but I have no idea about her question. Pero mukhang hindi ako pauupuin ni Mrs. Guarda kung hindi ko masasagot ang tanong niya.

"Uhm, ano po... It's... It's..." pero wala akong makuhang sagot. Hindi ako nakapag-aral kagabi dahil maaga akong nakatulog. Shit!

Saka ko siya napansin. Si Ellah. She's sitting in front of me dahil absent 'yong kaklase ko na doon nakaupo. She's silently trying to tell me to look at her paper. May nakasulat – FRANZ KAFKA.

"Uhm, it's... it's Franz Kafka, ma'am."

"Alright, when was it published?" Mrs. Guarda asked me again.

I looked down for help. Saka niya isinulat ang sagot. "19...25. 1925 po," I answered.

"Very good! Sit down, please."

I did. Then she looked at me and smiled. Bigla rin akong napangiti pero agad ko namang binawi, realizing what I just did.

"Ang talino ko, noh?" bulong nya sa akin.

"Whatever!"

"Oy, magthank you ka naman. I just saved you from shame..."

"Thank you. Okay na?"

"Insincere! Again."

"Psh! Tigilan mo nga ako!"

She sighed.

"The most popular guy on the campus does not know Franz Kafka's The Trial. Makapag-update nga mamaya ng facebook status ko..."

Tinitigan ko siya nang matalim. "Talaga bang wala kang ibang alam gawin kundi ang bwesitin ako?"

"Woah, bwesitin? That's harsh! Tinulungan na nga kita, ako pa ngayon ang nambubwesit?" pagda-drama niya, na may pahawak-hawak pa sa dibdib.

"I said my thank you. Hindi pa ba 'yon sapat?"

Saka ko napansin na nakatingin na pala sa akin ang mga kaklase ko na malapit lang sa akin, so I whispered an apology. Naiistorbo ko na sila dahil sa aming dalawa. Well, it's her fault. She's annoying.

Saka siya natahimik. Mabuti na rin 'yon para tumahimik din ang mundo ko. But right after Mrs. Guarda dismissed the class, bigla na lang siyang tumakbo palabas ng classroom. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa kaniya; siguro naiihi lang o natatae. 

Hanggang sa nagsisimula na ang sumunod na klase, hindi pa siya bumabalik. I don't really care about her, but I suddenly want to look for her. Damn! Seryoso ba talaga ako?

Agad akong nagpaalam sa teacher na may pupuntahan lang ako, pagkatapos na pagkatapos kong sagutan ang quiz namin.

I hate what I'm doing, pero hinanap ko siya; ang kaso, hindi ko siya makita at hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Pero nagpatuloy lang ako sa paghahanap hanggang sa nakita ko siya sa may Science Garden. Nakaupo. Nakayuko. Tahimik.

"Oi, are you okay?" I asked. Bigla kasing nag-iba ang aura nya.

Nagulat siya nang makita ako. Saka ko napansin, she's pale.

"O-Okay ka lang?" tanong ko, kinakabahan.

Pero ngumiti lang siya sabay sabing, "Yes."

But it seems that she's not.

"Sure ka? You don't look... okay."

"Then don't look at me."

"Huh?"

Ngumiti ulit siya.

"Did you cry?" I asked. This time, I'm next to her.

"Nah, I did not."

I smirked. "Liar."

She gave me that smile again. "I know..."

It took me a while bago siya sagutin.

"Okay. So you cried."

"Duh, sumakit lang ang tiyan ko..."

She looks tired.

"Sigurado ka, okay ka lang?"

"Ang kulit... oo nga."

Pero parang hindi.

"But honestly, you don't look okay."

"Kaya nga wag ka na lang tumingin sa akin..."

I sighed. Ano ba'ng problema ng babaeng ito?

"Hindi ka na bumalik sa classroom..."

Tumango siya.

"Cutting classes 'tong ginagawa natin..."

"And so? Sino ba'ng maysabi sa 'yong sumunod ka sa akin?"

Geez! Pasalamat nga siya at sinaniban ako ng espiritu ng 'concern', at hinanap ko talaga siya kahit nakaka-badtrip siyang kasama.

"Gusto mo umuwi ka na lang? Sasabihan ko ang adviser natin, at ihahatid kita ---"

Nabigla ako sa nasabi ko. Wait, did I really tell her that?

But I really think she's in pain.

"Wow, ang bait mo talaga... but I'm fine. Thanks."

"Psh! Bahala ka ga!" Ba't ba ang tigas ng ulo ng babaeng ito?

Silence.

"S-Salamat nga pala kanina. You saved me."

Napatingin siya sa akin. It's embarrassing but I wanted to tell her that, after all. Ngumiti siya saka niya ipinikit ang mga mata, "Mag-aral ka kasi. Pa'no pala kung wala ako ron? Eh di, tatayo ka lang? Ano na lang ang sasabihin ng mga fans mo, Mr. Good-looking?" kantyaw niya.

"Shut up."

Tumawa lang siya, and then she said, "But you smiled..."

"What?"

"Sabi ko, you smiled..."

Huh? Ako?

"I did not."

"Kunwari ka pa. You  smiled; nakita ko, noh..."

I sighed. "And so? Ano naman ngayon?"

Ibinuka niya ang mga mata at tumingin sa akin.

"Salamat, Levi..." sabi niya.

Napakunot ang noo ko. "For what?"

"Hmm... sa lahat-lahat. Saka for letting me see this beautiful side of you; and for that smile."

Tinitigan ko lang siya. "Weirdo."

"Eto naman..."

"You're annoying and you're weird."

"Wow. Salamat sa compliment, ha? Nakagagaan ng feelings, actually," she's being sarcastic.

"You're welcome."

Tinitigan niya ako ng matalim kaya gano'n din ang ginawa ko. Pero bigla na lang siyang tumawa nang malakas.

"I wish to see that always," sabi niya.

"Ano??" This girl. Nakakagulat at hindi ko rin maintindihan minsan ang mga lumalabas sa bibig niya.

"Your smile. I wish to see that... always," sabi niya.

Biglang may kumudlit sa puso ko nang sabihin niya 'yon. Hindi ko alam kung ano, pero para no'ng pinukaw ang diwa ko.

"Huh! Ano ako, sira na ngingiti-ngiti?" sabi ko na lang, pagbabalewala sa nangyari.

"Gosh, Levi! Ba't ka ba bumebenta sa mga babae? Gwapo ka nga, kaso mahina 'yang kokote mo. Nakaka-discourage ka, dude!"

Dude. Dude?

"Wow, salamat din sa compliment ha? Nakagagaan ng feelings," sabi ko na lang.

"Oh, you're welcome," sabi niya sabay ngiti.

And all of a sudden, I feel like doing one. For her.

Damn, it's 9:47.

Time Spent With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon