"Georgie, kapag hindi mo na kaya sabihin mo lang," sabi ni Jade.

"I will, kapag hindi ko na kayang pigilin ang sarili kong sapukin ka."

Gumalaw ang malaking pintuan at mula roon ay unang pumasok si Cleofford kasunod ang mga wala ng dalang armas na mga kalalakihan pero sa pamamagitan ng suot na salamin sa mata ay kitang kita ang mga tinatago sa iba't ibang parte ng katawan.

Nakikita rin ang pagkagulat sa lahat dahil sa hindi inaasahang tanawin. Nawala ang ngisi ng ilan. Maaari dahil kadalasan ay hanggang lima lamang ang mga naka-itim pero pito ang makikita ngayon. Kahit sa pagkagulat ay tumuloy pa rin ang mga ito sa kabilang parte ng bulwagan at tinititigan ang bawat isa na parang ngayon pa lang nakakakita ng ibang klaseng nilalang.

Pumunta sa panig namin si Cleofford at tumayo sa tabi ni Georgina.

"Be the first, Pia."

"According to the arrangement of numbers, the number two is ahead of number eleven. Even the child knows it, George," mahinang sabi ko sa katabi.

Narinig ko ang pag-ubo ng mahina ni Jade sa likod. Tumingin sa akin si Georgina at nakita kong nag-aapoy ang mga mata. Siguro kanina pa ito wala sa mood at dinagdagan ko pa. Mabuti sigurong mauna na at malas yata ang makakasagupa nito.

Ginawang ihakbang ng marahan ang mga paa papunta sa gitna, ganoon din ang makakatunggalian ko.

Katahimikan ang namamayani sa paligid sa bawat hakbang. Nang tumigil ay huminto rin ang kaharap, ilang hakbang ang pagitan.

"I have a question, woman. Totoo ba ninyong itsura ang mga nakapaskil ngayon sa labas?"

Maraming peklat ang lalake sa mukha at nakakatakot ang kaanyuan pero ang sarili ay sinanay hindi matakot sa mga ganitong bagay. Baka ang tinutukoy na itsura ay ang mukha sa nakaraang auction.

Hindi ako nagbigay ng salita at mabilis kagaya sa isang kisapmata, lumapit at hinawakan ang leeg nito saka pinatumba patihaya. Ang lakas mula sa braso, bilis ng kilos at pagsipa sa ibaba ng tuhod ay hindi nagawang suportahan ng lalake ang balanse. Unang bumagsak ang ibabang bahagi ng likod kasunod ay ang ulo. Nawalan ng muwang ang mga mata pagkatapos.

Eleven to go. Nabawasan ng isa.

Ang mga kalalakihan sa harap ay nagitla at napatingin sa kasama nila na ngayon ay wala ng malay sa loob lamang ng isang segundo.

Sa mga mata ng mga kaharap ay mabilis ang mga naging pangyayari pero ang mga nasa likod ay natural at ordinaryo ang ginawa ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at bilang pagpapakita ng kahandaan para sa susunod na makakatunggali. Ilang segundo pa ang lumipas nang walang gumagalaw sa kanila para lumapit habang nakatayo ako sa gitna.

Kung ganoon magiging madali ang misyon dito.

Humakbang ng isa, kasunod ay mabilis naglabasan ang mga nakatagong armas pero bago pa naipaputok ng ilan ay nawalan ng liwanag ang buong bulwagan. Naramdaman ang pagsugod mula sa likod ng mga kasama kasabay ang mga putok ng baril.

Sa kabila ng kadiliman ay nakikita ang mga nangyayari. Piniling puntahan mismo si David Lasu at hiniwalay ito sa iba. Pinalo ang batok at agad itong nawalan ng malay.

Wala pang limang segundo ay bagsak ang lahat.

Plan B ito at plan A kung nagpatuloy ang competition.

Bumalik ang liwanag at mayroon pang naglalaban. Si Georgina at Jade.

Nonsense.

Simula sa umpisa ay naglalaban na itong dalawa at kinalimutan ang totoong targets.

Mabilis pinaghiwalay sila nila Froiland at Caserine. Si Shinn naman ay sinusuri kung mayroon gising sa mga pinatulog. Habang si Cleofford ay lumapit sa akin at ginising si David.

BOOK 2 - SERENITYWhere stories live. Discover now