Tumawa. "I'm just kidding. You know me I'm more excited when I see people biting my news," nakangising wika nito.

Nakatanggap ng masamang tingin mula sa kapatid nito.

"Okay, okay. I will tell, but let's wait for our menopausal Cloud, he's coming."

Ilang sandali ay dumating ang hinihintay. "What is it Rain? Emergency daw sabi ng secretary ko."

"It's about our marriage, cousin. I just heard a little about it when I came to Lolo's office and he's talking with this person. Guess who?"

"Who?"

"The Filipino-Japanese tycoon named Mr. Roi Ken," nang may pagkasabik sa boses.

"He is here?" Tanong ni Sky.

"Kasasabi ko pa lang kapatid, nakikinig ka ba?"

"Are you serious? What do you mean the first thing you said, about our marriage?" Tanong ni Cloud na parang naging interesado.

"That's what I heard at pipili sila sa ating bachelors para ipakasal sa kaisa-isang anak na babae ni Mr. Ken."

Katahimikan ang sunod.

Mas sa papeles na hawak ang paningin nang may konting pag-iisip sa narinig.

"Moon, are you not interested?" Batong tanong mula kay Rain.

Muling naabala sa pagbabasa. "I'm out because you are all deserving to take that place."

Ang mga pinsan ay malinis ang record sa paningin ni Lolo, lalo ang pinsang si Sky. Reputasyon maari ng matanda at ng kompanya ang nakasalalay.

Balak na sana umalis nang may dumating.

"For sure si Kuya Sky ang mapipili," mula kay Star.

"Really? Don't be sure lady, pagpipilian ang sinabi ibig sabihin ay kung sure na kay Sky ay dapat hindi na pipili pa. So, may nararapat pa na maaaring maging karapat dapat," angil ni Cloud dito.

"And so? Desidido ka yata? Gusto mo ba ikaw mapili?"

Natigilan ang sinabihan.

"I wanted to meet him, nandyan pa ba si Mr. Ken, Rain?"

"Try it kung nandyan pa, pero I'm sure hindi magugustuhan ni Lolo kung papasok ka doon bigla. You know the rules."

"Ang rules, kapag hindi ka pinapatawag, hindi ka dapat pumasok sa opisinang ito," ginaya ni Star ang pamamaraan ng matanda sa pananalita.

"That will be a good opportunity, be married to his only daughter," wala sa sariling bulong ni Cloud.

Narinig iyon ng sariling pandinig. Kahit ang ibang pinsan ay siguradong mag-aagawan sa oportunidad na iyan.

Because of that well-known businessman, Mr. Roi Ken.

💛💛💛

KEN FAMILY HOUSE

"What time do you think you should come here?" Mahinahon ang boses pero may talim ang tono.

Hindi ako sumagot at tahimik umupo sa harapan ng aking ina, nasa bandang kaliwa ako ng ama.

"Hayaan mo na Roi, alam mo naman maraming ginagawa si Sophia sa shop niya at ngayon lang naman siya nahuli."

"Sa isang beses hindi masunod ang oras ay siguradong magkakaroon pa ng kasunod," halata sa tono ang may nais iparating.

Mas pinagtuunan ang kumuha sa maraming nakalatag na pagkain.

"Kumusta ang araw mo ngayon, Sophia?" Halatang pag-iiba ng usapan galing sa ina.

BOOK 2 - SERENITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon