-The Encounter-

263 34 38
                                    


Naririnig ko pa rin ang boses nila kaya mas binilisan ko ang pagtakbo; luckily I found a place to hide. Habol ang hininga, napaupo ako sa isang bench. Napatingin ako sa relos ko – it's 3:58 in the afternoon. Nagdesisyon na akong hindi na lang pumasok sa last subject ko at hintayin na lamang ang uwian.

Then my phone made a sound. I checked who's on the line at rumihistro doon ang isang di pamilyar na numero; pero dahil may hinala na ako kung sino ang nagmamay-ari no'n, I turned it off.

"Sino yon? Girlfriend mo?"

Napatayo ako bigla dala nang pagkagulat ko sa nagsalita. I thought nobody's here but she is here. And I don't know her. Is she one of them?

"Sino ka?! And what the hell are you doing here?!" I don't care if I sounded disrespectful. After all, I am.

"Grabe ka naman. Bawal ka bang sundan dito?" sagot niya. She's smiling. And her smile pisses me.

"You followed me?!"

Tumango siya. "Narinig ko kasing may mga sumisigaw tapos nakita kitang tumatakbo. Kaya sumunod ako."

"Leave."

"Huh?"

"I said, leave. Umalis ka sa harap ko kung ayaw mong itulak kita palabas! I am not the gentleman type, miss."

Tinitigan niya ako nang matagal-tagal.

"I know," she then answered.

I just don't know what to say. I am already losing my temper. Hinila ko ang kamay niya and I am ready to kick her out of my sight when she said, "Sige ka, kapag itinulak mo ako palabas, sisigaw ako nang malakas tapos makikita ka no'ng mga babaeng humahabol sa 'yo."

Napahinto ako sa sinabi niya. Saka ko siya binitiwan.

"Thanks. Pero masakit yon, ah..."

Hindi ko na siya pinansin. Umupo ulit ako sa bench. It's 4:16.

"Oi, ba't ka ba nila hinahabol? May kasalanan ka ba?" I realized, magkatabi na pala kami. Napatingin ako sa kaniya. She's not wearing the school's uniform. She looks new; and she looks my age. 16.

"Shut up..." I told her. Her presence irritates me.

"Ang sungit mo naman..."

I did not respond. I hope she leaves. I hate her smell. I hate her presence. Psh!

"Oi, sige na. Mag-share ka na habang may oras pa ako given by God," sabi niya.

Napatingin ulit ako sa kaniya. Huh? That was weird.

"Pwede ba, miss? Umalis ka na nga! Dagdag ka lang ng sakit ng ulo ko!"

Napataas naman ang isang kilay niya.

"Hoy, lalaki! Ipinaglihi ka ba sa sama ng loob? Tsk! Ngumiti ka nga kahit isang beses lang. Sige ka, baka mamatay kang ganyan ang mukha mo..."

Mamatay? Psh! No problem.

"The hell I care! I just hope I die now."

Slap!

Napahawak agad ako sa kaliwang pisngi ko na nasampal niya.

"What the f–"

"Wag na wag mong sasabihin 'yan! Magpasalamat ka nga dahil humihinga ka pa tapos ngayon hihilingin mong mawala 'yan? Umayos ka nga!" she's mad. Really mad. Ano ba'ng problema niya?

"You shut up, at baka marinig ka pa nila! And wait --- ano ba'ng pakialam mo? This is my life, miss. And I have all the right to do anything about --- "

Time Spent With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon