Chapter 13: Free Hugs

737 28 30
  • Dedicated to Bojoi Villamor
                                    

"From now on...

...

...

sa kin ka na sasabay."

Muntik nang mabitawan ng kasama niya ang hawak nitong cellphone. Halatang-halata sa mukha nito ang pagkagulat.

"Seriously?" Yun lang ang nasabi nito.

"Uh-huh. Now get in the car before we'll get late sa practice niyo." Sabi niya dito.

Pumasok na siya sa loob ngunit makaraan ay lumabas rin agad.

"What are you still doing there? Get in the car NOW!" Sigaw niya sa kasama niya nang di man lang ito gumalaw.

"Tsk. This is ridiculous." Narinig pa niyang bulong nito bago ito tuluyang pumasok ng sasakyan.

Yes. This is really quite ridiculous I might say. Nasabi na lang niya sa sarili.

***

"Yes Sir. I already have all the files you needed Sir." Sabi ni Drake sa kausap niya sa telepono. Nasa loob siya ng opisina ng Chairman ngayon dahil may pinapaasikaso itong mahalagang papeles para sa susunod nilang misyon. Kakatapos niya lang mangalap ng impormasyon tungkol sa bago nilang subject at ngayon nga ay andito siya sa opisina nito para maibigay sana ito sa Chairman ngunit kanina lang niya nalaman na nagbakasyon pala ito kasama ang may bahay nito.

"Thank you Agent Zero." Sabi ng Chairman. "Just place it on the table. I'll read it as soon as we got home."

"Acknowledge." Sabi niya.

Paalis na sana siya nang may maalala siya.

"Sir?" Tanong niya.

"Yes? Any problem?"

"About the last time..." Pag-uumpisa niya.

Narinig niyang napabuntung-hininga ito sa kabilang linya bago magsalita.

"I know what you're thinking Agent Zero...but it's better if wag na tayong mangialam. Sigurado akong may mahalagang dahilan kung bakit niya ito nagawa. For now, let's just wait and see."

Now it's his turn para magbuntung-hininga.

"I understand Sir."

"Good. And by the way, please do me a favor. Pakicheck si Agent Sky. Alam mo naman yun, matigas ang ulo. And please do check na rin kay Jade. Baka kasi hindi binabantayan ni Saich ng maayos. May maisipan pang gawing kakaiba." Utos sa kanya ng Chairman.

"Copy. Don't worry Sir. I'll take good care of them both. Enjoy your vacation and pakibati na rin po kay Tita Lien." Masaya niyang sagot. Hindi niya alam kung bakit masaya siya nang mabanggit ang pangalan ni Jade. Ang alam lang niya ay talagang magaan ang loob niya dito noon pa mang una silang magkakilala kahit na muntik na siya nitong mabangga. There is something in this girl na gugustuhin mo siyang protektahan. Though she look like skilled enough to protect herself, still he wanted to protect her from any sort of harm. Ang alam lang niya ay poprotektahan niya ito kahit hindi siya sinabihan ng Chairman. Ewan niya kung bakit yun ang pakiramdam niya. Simula kasi nang makita niya kung gaano kalungkot ang mga mata nito nung umalis ito nung isang araw galing sa office ng Chairman, naging concern na siya dito. Not to mention na narinig pa niya ang usapan ng mga ito noon. Hindi man niya sinasadya pero yun nga ang nangyari.

*flashback*

Papasok na sana siya sa office ng Chairman gamit ang secret passage na matatagpuan sa bookshelf ng office nito nang marinig niya ang usapan ng mga ito. Galing siya sa underground lab ng mga agents at may i-sa-submit sanang report sa Chairman nang mangyari yun.

My Secret K-Pop Agent       (The Hidden Identity)Where stories live. Discover now