Chapter 1

3K 61 35
                                    

AUTHORS NOTE:

Hello sa lahat, this is my first story kaya pagpasensyahan nyo na kung di masyadong maganda ang pagkakasulat. Pero sana magustuhan nyo pa rin. Hoping for your support.....

KUMAWO ARABON...SARANGHAE!!!!

____________________________________________________________________________

*chorus*

"Not yet Rizal, not yet...Rest not in peace..."

Jonard: "There are a thousand waters to be spanned."

Vish: "There are a tousand mou---"

"Stop! It's not tousand Vish, it's thousand, ' th ' <sound> TH...now try it." Sabi ni Jade.

"Tousand"

"Thousand"

"Thousand"

"Again"

"Thousand"

"Cite the whole phrase."

"There are a thousand mountains to be crossed."

"Good, now let's start from the top. Ready.....start!"

*chorus*

"Not yet Rizal, not yet. Sleep not in peace."

Jonard: "There are a thousand waters to be spanned."

Vish: "There are a thousand mountains to be crossed."

Ray: "There are a thousand crosses to be borned!"

*All Male*

"Our shoulders are not strong. Our sinews are grown flaccid with dependence, smu---" Biglang naputol ang pagpapractice ng grupo nang may biglang tumunog na cellphone. Tiningnan ni Jade ang screen ng kanyang cell phone.

*Tito calling...*

"Sorry, excuse me for a while. Just continue with the practice. I'll be back in a moment." Yun lang at lumabas na siya para sagutin ang tawag.

"Hello?"

"Hello Jade, nasa school ka pa ba?" Tanong ng Tito Ren niya.

"Opo Tito. Bakit po?

"May urgent meeting kasing pinapatawag ang papa mo. Kailangan ka dito."

"Ah ganun po ba? Kaso, meron pa po kaming pinapractice na piece eh at tsaka---"

"Si Jade po ba yan?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"Oo, si Jade yan ang engot mo naman!"

"Sinong engot? Ako?"

"Bakit may iba pa bang tao dito? Ikaw lang naman, si Sir at ako ang tao dito diba? Alangan namang tawagin kong sarili kong engot? Lalo na si Sir! Gamitin mo namang utak mo paminsan-minsan pwede?" Sarkastikong sagot ng isa.

"Ah ganun? So ako talaga engot? Eh kung engot ako, ano ka? Stupid?"

"Tama na yan..." Awat ng Tito Ren niya sa dalawa.

Hindi siya pwedeng magkamali. Alam na alam ni Jade ang boses na yun. Yun lang naman ay walang iba kundi ang dalawa niyang bestfriend - si Meliza at yong isa naman, si Buen na di talaga mapagsama dahil nga sa likas sa dalawa ang pagiging aso at pusa ang mga ugali. Ewan niya ba. Sa tuwing mag-aaway ang dalawang yun, siya ang laging naiipit. Buti na lang at wala siya doon kundi disaster na naman ang aabutan niya.

My Secret K-Pop Agent       (The Hidden Identity)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin