Chapter 17: Team Up Mission

687 25 19
                                    

"Ano to?" Tanong ni Jade pagkatanggap pa lang ng folder.

"Mission. The Chairman will talk to you daw. Punta ka na lang sa big screen. Parating na rin si Saich. Sige ha una na ko may mission pa ko eh. Bye!" Mabilis na paliwanag sa kanya ni Brent pagkaraan ay tumalilis na ito ng takbo.

Tinungo naman niya ang sinasabi nitong big screen. Nasa secret laboratory siya ngayon just under the entertainment's main building. Isang malaking underground facility ito na kasinglaki na ng buong compound ng SKY Entertainment at tanging mga secret agent lang na nagtratrabaho dito ang siyang may nakakaalam at nakakapasok.

Nang makarating ay naupo muna siya at binuksan ang folder na kanina pa niya hawak at binasa ang mga impormasyong nasa loob nito.

"Anong meron?" Isang pamilyar na boses ang kanyang narinig.

"Kakausapin daw tayo ng Chairman." Sagot niya nang hindi tumitingin dito. Rinig niya ang mga yabag nito na papalapit sa kanya at maya-maya pa ay magkatabi na sila sa upuan. May hawak rin itong folder at sa tingin niya ay bago rin itong mission.

"Good day agents." Biglang flash ng mukha ng Chairman sa big screen.

"Good day Sir." Sabay nilang bati.

"Mabuti naman at andito na kayong dalawa. Did you get your mission from Brent already?" Tanong ng Chairman.

Tumango lang si Jade.

"Good. That would be your new mission Red. Humihingi ng tulong si Mayor Kim sa atin coz his daughter has been kidnapped to marry Congressman Lee's son as payment sa pagkakautang niya." Pag-iimporma ng Chairman.

"Wait...paano nangyari yun eh according dito sa info, Mayor Kim's family is one of the richest clan in the province. Paano sila mababaon sa utang kay Congressman Lee kung magkasingyaman lang sila?" Tanong ni Saich na nasa tabi lang niya.

"That's the problem. Kung pera lang ang pag-uusapan...kayang-kayang bayaran ni Mayor Kim ang utang niya sa mga ito at hindi na kailangan umabot pa dito pero...hindi pera ang kailangan ni Congressman Lee. Noon pa man, gusto na ng anak ni Congressman Lee ang anak ni Mayor Kim. Lumalabas sa imbestigasyon na ginamit lang ni Congressman Lee ang pagkakautang sa kanya ni Mayor Lee para makuha ang gusto niya."

"Chairman...I believe hindi lang ito ordinaryong pagkakautang. I can smell some dirty transactions in here." Singit niya sa usapan ng mag-ama.

"You're right Jade. It seems that...hindi pa pala tuluyang inihinto ni Cong. Lee ang mga illegal transactions niya noon. Isa si Cong. Lee sa mga naging missions namin noon. Nagawa naming pigilan ang pagdedeliver ng mga tauhan niya ng mga drugs and high profiled guns sa Vietnam, Thailand and Malaysia. Akala namin naihinto na niya lahat ng mga yun. May natira pa pala at mas naging mas maingat sila this time."

"And Mayor Kim is connected to this illegal activity am I right?"

"Yes. Dati siyang member pero hindi niya alam yun. Gusto na niyang tumiwalag the moment he knew about the transaction pero ayaw siyang payagan ni Cong. Lee dahil isa siyang malaking kawalan. He offered big sum of money to get his way out pero ayaw ng Congressman. He wanted Mayor Kim's daughter as payment sa pagtiwalag ni Mayor Kim para pagbuklurin ang dalawang pamilya at para mas maging maimpluwensyang pamilya sa kanilang lugar. Tutol si Mayor Kim dito because he knew that the moment na maikasal ang dalawa, alam niyang wala na siyang kawala. And he's not dumb para hindi malaman kung ano ang gusto ng Congressman. So itinago niya ang anak niya pero natunugan ito ng Congressman. And then the kidnapped scene happened."

"When and where will this wedding take off?" Tanong niya pa nang makumpirma ang hinala.

"Tomorrow sa Palawan Island at exactly 10:00 in the morning. I believe you're not foreign to the place Jade..." The Chairman said to her smiling.

My Secret K-Pop Agent       (The Hidden Identity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon