Chapter 21: Big Fuss

453 32 9
                                    

It has been exactly 5 weeks since St8re's pre-debut happened and since Jade's encounter sa grupo nina Kira. So far, things are going out smoothly naman according to the plan.

At tama nga ang hinala ni Brent. Wala pang 24 hours ng pagtatanghal nila sa MAMA ay laman na sila ng mga media at ibang social and entertainment sites. Pati na rin sa mga news ay nafe-feature sila. Enough to say, they have made a big fuss in the eye of the public.

Sobrang tuwa naman ng Ei8ht at naging successful ang pre-debut nila sa MAMA. Sa sobrang tuwa ng Chairman ay nagpaparty ito right after 2 days. Hindi raw kayang bilhin ang ganung klaseng publicity. In demand na daw sila ngayon kahit na hindi pa sila nagde-debut. Binansagan silang silent assasins ng media dahil sa agad raw na nakuha ng grupo ang interest ng mga tao. Straight to the point kung baga katulad ng sa isang assassin.

Masaya naman sila sa naging resulta ng lahat ng pinaghirapan nila. Pero alam nilang simula pa lang ito ng lahat. Marami pa silang dapat gawin lalong-lalo na kapag nagdebut na sila.

Willing naman silang tulungan ng Ei8ht sa mga bagay na dapat nilang gawin. As a matter of fact, ang mga ito pa ang nagpresenta sa mga sarili nito as their personal trainer. Maayos naman ang pakikitungo ng lahat maliban na lang kay Saich.

Napansin ni Jade na this past few weeks ay medyo naging distant si Saich at hindi na naman nagiging palakibo. She have concluded na marahil ay dahil ito sa muling pagkikita ni Saich at ni Kira o Dianne. Oo nga at humingi ng tulong si Saich sa kanya pero alam ni Jade na may nararamdaman pa rin si Saich para dito at alam rin niyang hindi basta-basta mawawala iyon. Kahit papano ay may pinagsamahan naman ang mga ito.

Willing sana siyang tulungan ito pero ito naman ang dumidistansya sa kanya. Isinawalang-bahala na lamang niya ito at pilit inintindi ang binata. Afterall, hindi madali ang pinagdadaanan nito.

And after all of their hardworks and sacrifices for this past few months, natupad na rin ang inaasam ng mga kasamahan niya.

They have made their debut 2 weeks ago and safe to say, kung paano kainit ang pagtanggap ng public sa kanila noong pre-debut nila sa MAMA, mas dumoble ito ngayon. Sabi nga ng mga music analyst, ang popularity daw ng St8re ngayon ay katumbas na ng isang world reknown superstar. Halos katapat na raw nila ang Ei8ht when in terms of their popularity na kilala sa buong mundo bilang Icon Star. Sobrang flattered naman ang mga kasamahan niya sa bansag ng media.

Kung nagtataka kayo kung ano na ang nangyari sa accidental mission ni Jade sa MAMA ay successful naman ito. Right after na nag-walk out silang dalawa ni Saich ay pinuntahan agad nila ang room na binagsakan ng mga pinagdududahan nilang drugs at tama nga ang duda ni Jade. Nahuli rin nila ang babaeng nagdala ng mga iyon doon. Napag-alaman nilang hindi naman pala talaga ito gawain ng babae. Napilitan lang daw itong maging carrier ng drug sa panahon na iyon dahil sa kapatid nitong hawak ng sindikato. That explains why halatang-halata sa pananalita at mga kilos nito na hindi ito expert sa ginagawa. Napag-alaman rin nilang ide-deliver pala sana ito sa mga bigating tao na dumalo sa nasabing event. Right after na sabihin ng babae na napag-alaman nilang Jeremy ang pangalan ang impormasyon na hawak nito ay agad tinawagan ni Jade ang Tito Ren niya para ito ang maglead ng operation. Hindi kasi pwedeng silang dalawa ni Saich ang mismong manguna dahil baka makita pa sila ng mga tauhan ng sindikato at matandaan sila. Masisira ang front line cover nila pag nagkataon.

Hinayaan na nilang ang Tito niya ang maghandle sa case na iyon dahil may mas importante pa silang dapat gawin. Ang iligtas ang kapatid ni Jeremy na si Nikki sa mga kidnappers nito. Sinabi sa kanila ni Jeremy ang location ng mga kidnappers and in no time, andun na sila. Isang lumang bodega ang pinagdalhan ng mga kidnappers sa kapatid ni Jeremy. Sa tansya ni Jade ay may more or less 50 persons ang nakabantay sa buong area. Kung silang dalawa lang ni Saich ang lulusob ay medyo mahihirapan sila dahil kalat-kalat ang mga nagbabantay. Good thing palaging dala ni Jade ang beautiful nightmare perfume ni Meliza. Mabuti na lang din at kumpleto ang sasakyan ni Jade ng mga gadget. Agad nilang kinuha ang visible at isinuot ito. Kumuha rin sila ng drop dead at laser strike gun. Ang drop dead ay isang flash bomb slash smoke screen that makes you invisible for a few minutes habang nag-eeliminate ito ng usok. The moment na tumigil ito ay agad itong sasabog na kasing lakas ng isang granada o canister. Maliit lang ito and takes the shape of a marble. Ang laser strike gun naman ay well, very much self-explanatory pero meron rin itong ibang features na iba sa ordinaryong baril. Strike gun coz it comes in handy dahil maliit lang siya pero kapag pinindot mo ang isang button sa left side nito ay magche-change ang appearance nito into a long one na gamit ng mga assasins for a long range shooting. Laser strike rin ito na hindi kita ng ordinaryong mga mata kaya very deadly kapag ginamit. Well, kung tutuosin, hindi sila pumapatay ng mga target, as much as possible, kung may pwedeng shot na makuha maliban sa lethal shots ay yun ang kukunin nila. Hindi sila katulad ng ibang mga tao na kung pumatay ay parang wala lang. They give their targets second chance in living. Kumuha rin sila ng communicator earrings at expandabelts that let them climb walls together with their gluey gloves. Ang expandabelts ay parang ordinary belts kung titingnan pero once you press the button at the center na parang design lang ay mag-eexpand ito that will serve as your rope in climbing. Inactivate na rin niya ang sharpin na kasalukuyang nasa buhok niya lang para mapabilis ang paggamit nila incase kailangan. Hindi na siya nag-aksayang kunin at isuot ang black hawk tights nila na siyang lagi nilang suot kapag nasa undercover mission sila sa kadahilanang nangangapa na sila sa oras at alam niyang sa mga oras na ito ay kumikilos na ang Tito Ren niya at baka nai-alert na ng mga miyembro ng sindikato ang nangyayari at madamay ang kapatid ni Jeremy. The last thing they want is for the victim to be in trouble so kailangan na nilang magmadali. After they set everything up, kinuha ni Jade ang laptop niya at hinack muna ang mga camera sa loob pati na sa paligid ng bodega. After everything is set, they are ready to go.

My Secret K-Pop Agent       (The Hidden Identity)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن