"What are you saying? Na-trap na tayo sa kuweba noon at malamig ng mga panahong iyon pero wala namang nangyari sa'kin." Nagmaang-maangan ako.

Having a cold urticaria is not something to be proud of. Naalala ko pa noong huling inatake ako ng cold allergy ko. Namaga ang mukha ko at hindi ako makahinga. Napuno din ng rashes ang buong katawan ko.

"It's because you're taking your medicine everyday, Krystal. And I bet you didn't take your medicine today." Naiiling na sambit nito.

Mas lalo akong nagtaka sa sinabi nito.

At nasagot ang mga tanong sa isip ko nang pumarada ito sa gilid ng kalsada at bahagyang hinawakan ang leeg ko.

"You have rashes here." He murmured.

My eyes widen.

Inilayo ko ang mukha mula dito.

"N-Namamaga ba ang mukha ko?" Nahihiyang tanong ko.

I heard him chuckled.

"Hindi pa naman pero parang konti na lang mamamaga na." Tugon nito. "I'll buy your medicine. May malapit na drug store dito." Patuloy nito at muling nagmaneho.

Nakita kong binuksan nito ang heater ng kotse nito at kapagkuwan ay pumarada ito sa harap ng drug store.

"Just wait me here." Anito at lumabas ng kotse nito.

Nang makabalik ito ay may dala na itong gamot at bote ng mineral bottle. May dala din itong burger.

"Sorry, ito lang 'yong nakita kong pagkain sa tabi ng drug store. Eat that first before you take your medicine." Anito nang makapasok sa loob ng kotse.

Walang imik na tinanggap ko ang burger at kinain iyon. Natigil ako sa pag kain ng burger ng makitang nakatingin ito sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang.

"Bakit hindi ka kumain?" Tanong ko.

"Busog pa ako." Anito at binuksan nito ang mineral bottle.

Inabot nito iyon sa akin nang maubos ko ang kinakain at kumuha ng isang tabletang gamot. Umusal ako ng pasasalamat bago ko iyon ininom.

Ilang sandali lang ay nasa biyahe na kami ulit. At dahil sa gamot na ininom ko ay nakaramdam ako ng antok. Hindi ko napigilan ang sarili at nakatulog ako.

Nagising na lang ako nang marinig ang mahinang pagtawag sa pangalan ko. Nang magmulat ako ng mga mata ay napakurap-kurap ako nang marealized na nakahiga ako sa balikat ni Jastin.

Kaagad akong nag-ayos ng upo.

"I'm sorry, nakatulog ako. Hindi ko sinasadyang mapasandal sa bali-"

"It's okay." Anito at tinanggal ang pagkakakabit ng seatbelt ko.

"We're here. Welcome to my childhood home." Anito habang nakatingin sa harapan.

Sumunod ang tingin ko doon at bahagyang napaawang ang mga labi ko nang makita ang malaking bahay na nasa harapan namin. It was really huge. Kahit medyo halatang matagal na ang bahay na iyon ay napakaganda pa ring tignan. Halatang hindi napapabayaan ng may-ari. Napakaganda ng ambiance at tahimik ang lugar.

Inabante ni Jastin ang kotse nito at ipinarada iyon sa garahe.

Nauna na akong bumaba at sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig.

At mula sa tagiliran ko ay naroroon si Jastin.

"Let's go inside. Malamig sa labas." Anito at naunang naglakad.

Nang makapasok sa malaking bahay ay kaagad na hinanap ni Jastin ang lola nito sa mayordoma na sumalubong sa amin.

"Jastin, apo!" Pareho kaming napalingon sa matinis na boses na iyon.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora