12:00 AM

Kinuha ko ang gamot ko sa may drawer ng side table ko at kumuha ng tubig sa may mini fridge ko rito. Hindi pa pala ako umiinom ng gamot. Buti nalang ay naalala ko.

I took the medicine at iniligpit ko na ang mga notes ko at nilagay ulit sa may bag ko. Pinatay ko na rin ang ilaw ng kwarto ko at tanging ang lamp sa may table nalang ang nag bibigay liwanag sa akin.

"I'm so sleepy!" Sigaw ko at tumalon ako sa may kama ko.

Dumapa ako roon at ibinaon ko ang mukha ko sa may unan. Niyakap ko ang malaking teddy bear na bigay ni Kuya Ryoga sa akin last Christmas. I closed my eyes para maka tulog na. Maaga pa ako mamaya.

Hindi pa man ako nakakarating sa dream land ko nang maramdaman ko ang pag alog ng kama ko. Binuksan ko ang mga mata ko at bakit parang may katabi na yata ako? Napa upo ako sa kama ko at tinignan kung sino 'yon.

Shit! Anong ginagawa niya rito?

"K-Kuya? Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?"

"Edi matutulog. Ano pa ba Rej? May iba ka pa bang gustong gawin ko rito sa kwarto mo?" Kahit madilim ay kitang kita ko ang pag mumukha niyang naka ngiti.

"Bakit dito? Kwarto ko 'to. Doon ka kay Kuya Raine!" Tinulak ko siya pero hinawakan niya lang ang mga kamay ko.

"Do you want me to sleep with those two? E sakop na sakop na nga nila 'yung kama."

"Kahit na!"

"Why? Are you scared? Wala naman akong gagawin sa'yo unless you want me to do something naughty to you."

Gusto ko siyang sipain sa pinag sasabi niya. Syempre kahit na kaibigan siya nila Kuya ay parang ang awkward naman na dito siya matutulog sa kwarto ko. Ano nalang iisipin ni Kuya Luke sa akin? Baka masira ang reputasyon ko sakaniya!

"Ang kulit!"

"We already slept together many times."

"Iba 'yon. Dahil kasama natin sila Kuya Raine."

"Oh my god, Rej!" Binitawan niya ang mga kamay ko at napa takip siya sa may bibig niya. Problema nito?

"Binibigyan mo ba ng malisya ang pag tulog ko rito? Ikaw ha. Grabe! Ang dumi mo mag isip."

Wow! Sakaniya pa talaga nang galing 'yan?"

"Ay wow ha. Lakas mo!"

"Kung walang malisya 'to para sa'yo, hayaan mo akong matulog dito. Come on."

"Yan talaga ang basehan?"

"Oo. Come here, baby. Let's sleep." Hinila niya ang kamay ko at bumagsak ako sa may tabi niya.

"Baka kasi anong isipin nila Kuya!" Inis na sabi ko sakaniya.

"Hayaan mo sila."

Kinuha niya ang blanket na nasa may kama ko at ibinalot niya ito sa akin. Pumasok din siya doon at naramdaman ko ang mainit na katawan niya sa tabi ko. Tangina talaga.

"Good night baby." He said and he kissed me on my cheeks.

"Good night." I answered at pinikit ko nalamang ang mga mata ko.




Nagising ako ng maka rinig ako ng mahinang boses. Napa upo ako sa may kama ko and it's Kuya Ryoga again. Don't tell me nanaginip nanaman siya?

"No. H-huwag please. N-nagmamaka awa ako. Huwag niyong gagawin 'yan."

Mabilis akong tumayo at binuksan ko ang ilaw. Kuya Ryoga's face is sweating kahit pa naka todo na ang aircon sa may kwarto ko. Lumapit ako sakaniya at mabilis kong sinampal ang mukha niya. Naimulat niya naman ang mga mata niya at napa upo siya sa may kama.

His Story To Tell (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon