Epilogue

19.1K 605 220
                                    

'Hindi ito ang happy ending na inaakala ko.' Sabi ni Daniel sa utak nya habang tinitingnan ang asawa nya sa guest room. Busy itong nagttype sa laptop nya. Sobrang engrossed ito sa ginagawa at hindi nito napansin na naroroon sya at nakatingin.

Napabuntong hininga si Kathryn. Walong buwan na simula noong kinasal sila. Umuwi sila ng Manila after ng honeymoon nila. Si Kathryn ang nagyayang umuwi sila doon dahil sabi nitong sya lang naman ang dahilan nito bakit ayaw ng bumalik sana sa lugar na iyon. Pero ngayong sila naman ang nagkatuluyan, ginusto na nitong umuwi.

Maraming nangyari sa nakaraang walong buwan. Naging civil na sa isa't isa si Kathryn at ang Mommy nito. Mas mabuti na nga at nakakapagusap na ang mga ito paminsan minsan. Nakarecover din si Sam at mukhang head over heels in love ito kay Kathryn. Buti na lang at kasal na sila noong umuwi sila. Parte pa rin ng kumpanya nya si Sam pero nananatiling sya ang CEO. Naghysterical naman si Jasmine at nagmakaawang balikan nya ito. Nabankrupt na kasi ang family business ng dalaga. Nakakagulat na nabankrupt sila pero mas nagulat sya nang bilhin ni Min ang kumpanya nila Jasmine at nagtake over doon.

Nahirapan ang buong pamilya ni Jasmine. Kinailangan nilang magbenta ng mga ari arian para makapagsimulang muli. Pero parang may galit sa kanya ang kapalaran. Sa tuwing magsisimula ito ay nababankrupt pa rin. Nawala na sa dalaga ang lahat. Nakakatawa lamang na lahat ng nawalang ari arian kina Jasmine ay nabibili ni Min. Akala nya noon ay tutulungan nito si Jasmine pero hindi ginawa iyon ng ina ng asawa nya.

Ginamit ni Jasmine ang ganda nya to her advantage. Nalaman ng dalaga may sumasabotahe sa kanya kaya't nakaisip ito ng paraan para makarecover. Pinikot nito si Sam para pakasalan sya. Hindi alam ni Daniel kung paano nagawa iyon ni Jasmine pero nagpakasal ang mga ito. Para sa kanya ay ayos nga iyon. Sa wakas ay tinigilan na ng dalawang iyon na guluhin sila ni Kathryn. Buntis na si Jasmine at hindi akalain ni Daniel na makakakita sya ng ganun kapangit na buntis. Hindi naman sya nanlalait ng itsura ng ibang tao noon pero pumangit talaga si Jasmine. Pero naiinggit sya kay Sam. Magiging Daddy na ito kahit pa napakavocal nito sa pagsasabing hindi nito mahal ang asawa at si Kathryn ang mahal nito pero wala na itong magawa dahil kasal na sa kanya si Kathryn.

Kawawang Jasmine. Naaawa talaga sya dito pero wala syang oras para isipin pa ang dalaga. Meron na silang kanya kanyang buhay ngayon. Wala syang pakialam dito o kay Sam. Kahit mabulok pa sila sa impyerno ay wala syang pakialam. Meron syang mga sariling problemang dapat ayusin. Marital problems to be more specific.

Tiningnan nya uli ang asawa nya. Busy pa rin ito. Napatingin sya sa relo nya at nakitang alas diyes na ng gabi. Alam nyang eccentrics ang mga writers pero mababaliw na sya kay Kathryn. Dapat ay nasa kwarto na nila ito at naglalambingan na sila.

Dalawang linggo na since the last time they made love. Gabi gabi ay napupuyat ito kakasulat. Madalas ay natutulog si Daniel magisa sa kwarto nila at kinabukasan ay pumapasok sya sa opisina na tulog pa ang asawa. Kapag uwi naman nya galing sa opisina ay busy na uli ito sa laptop at nagsusulat. Paano sila magkakaroon ng baby kung ganito na lang lagi?

Naglakad sya papalapit sa asawa. Niyakap nya ito mula sa likod at hinalikan sa leeg. Hindi pa rin ito gumagalaw.

"Tara na sa kwarto." Husky ang boses ni Daniel habang kinakagat ang tenga ni Kathryn.

Umungol si Kathryn pero isa itong ungol ng protesta. "Kailangan ko tong tapusin. Mauna ka na sa kwarto."

Handa na syang magalit sa asawa. Gusto nyang sabihin dito na may mga responsibilidad ito sa kanya at naneneglect nito ang mga responsibilidad na iyon nitong mga nakaraang araw. Okay naman sila noong unang anim na buwan. Hindi nya maintindihan anong nangyayari ngayon.

Pero nagugulat din sya sa kung gaano kaseryoso ang asawa nya sa pagsusulat. Binibigay nito ang buong puso nito sa mga sinusulat na libro.

"It's been two weeks."

If You Don't Know Me By NowWhere stories live. Discover now