Chapter 1

14.3K 327 78
                                    

Kathryn smiled bitterly at the memory. Nakaupo sya sa kama nya recalling her childhood memories. That was twenty years ago. Seven years old lang sya noon at eight naman si Daniel. It had been twenty years pero wala pa ring nagbabago. Busy pa rin ang Mommy nya sa pagpapalago ng mga negosyo nila habang sya naman ay abala sa pagttour around the world para gastusin ang pera ng Mommy nya.

She hated her Mommy. She hated their money. She hated their company.

Kahit kailan ay hindi pinakita sa kanya ng Mommy nya na mahal sya nito. Pero ang mas masakit doon ay mahal nito si Jasmine na parang ito ang anak nya. Inaalagaan nya si Jasmine habang sya ay pinapabayaan. Kapag nagkkwento sya ng problema sa ina ay inaabutan sya ng pera o credit card para bilhin ang mga bagay na gusto nya.

The fact that her mother is treating a complete stranger like her daughter habang ang anak nya ay itinuturing na stranger is making things harder for her.

Inabot nya ang isang sigarilyo at sinindihan iyon. Twenty seven na sya ngayon at hindi sya naka-graduate sa college. She hated school. Binagsak nya halos lahat ng subjects nya noon. At wala man lang pakialam ang Mommy nya kahit ginawa nya iyon.

Ngayon ay nasa Cebu sya. Kung saan saang probinsya at bansa na sya nakarating para magpakasaya. Mababaliw kasi sya kapag nanatili sya sa Manila. Hindi nya maatim na makita ang mga wicked smiles ni Jasmine. Hindi nya kayang walang pakialam sa kanya ang Mommy nya. Hindi nya kayang makitang masayang magkasama sina Daniel at Jasmine.

Jasmine. Jasmine. Jasmine.

She hated that name. She hated her. Abot langit ay hate nya dito. Inagaw nito ang lahat sa kanya. Ang mommy nya at si Daniel.

Daniel.

Napabuntong hininga sya. Kelan ba nya makakalimutan ang hayup na yun? Paulit ulit nyang tinatanong ang tanga nyang puso kung bakit nito piniling tumibok para kay Daniel. Hindi ito karapat dapat, plus the fact na hindi naman sya mapapasakanya. Never. Si Jasmine lang ang nakikita ni Daniel. He was crazy over that bitch simula nang una nya itong nakita. Nabulag sya nang mala-anghel nitong mukha. Hindi nya nga maipaliwanag bakit nya minahal ang lalaking yun eh hindi naman sila laging nagkikita. At pag nagkikita sila ay puro animosity lang ang at coldness ang natatanggap nya mula dito. Hindi malalaman ni Daniel kung gaano sya nito nasasaktan. Hindi naman ito nagpakita sa kanya ng kabaitan. Dahil para kay Daniel, she's just one hard-headed brat na laging pinapaiyak ang love of his life.

Akala nang lahat ng tao ay nasa kanya na ang lahat. Pero mali silang lahat. Nasa kanya na ang lahat ng bagay na kayang bilhin ng pera. Pero sa totoo lang, she has nothing. Her mother doesn't love her. And the man that she loves is loving the most hateful creature on Earth.

She has nothing, eh ano ngayon? Hindi pa naman end of the world.

Biglang bumukas ang pintuan para ireveal ang nag-iisang taong totoong nagmamahal sa kanya, si Dominic. Ngumiti sya dito. Mukhang pagod na pagod ito.

"Tiring day?" Malambing na tanong nya.

"Oo. Nakaready ka na ba para sa flight mo bukas?"

Tumango sya. Uuwi sya ng Manila bukas ng umaga.

"Mamimiss ka ng Cebu, baby." Sabi ni Dominic at tinabihan sya sa kama.

Natawa sya. "Mamimiss ko rin ang Cebu. Wag kang mag-alala, babalik agad ako." She smiled wickedly. "Bibwisitin ko lang si Mommy ng ilang buwan tapos babalik ako dito ng maraming pera." At tumawa sya ng malakas.

Pero hindi tumawa si Dominic. Niyakap sya nito. "Aminin mo na, you miss her. Uuwi ka kasi namimiss mo na ang Mommy mo. A daughter is still a daughter, baby."

Pinigil nya ang luha nya. "Pupusta ako hindi naman nya ako namiss. Paano naman nya mamimiss ang walang kwentang anak nya kung may 'perfect' naman syang anak sa tabi nya?"

"Pwede kang magstay dun nang mas matagal. Eight months ka ring hindi umuwi. Okay lang naman kami dito. Don't worry."

"Sinong nagsabing worried ako? I trust you. Mag-eemail na lang ako lagi sayo at magmemessage."

Tinitigan syang mabuti ni Dominic. "Gabi gabi pinagppray ko na you'll find the happiness you've been longing to have. Mahal kita. Alam kong hindi iyon sapat, pero sana makatulong kahit papano."

Napangiti sya dito. "Naalala mo nung sinabi ko sayong I'm nobody's princess? Sabi mo, 'you are a princess, I'm nobody'. Alam mo ba kung gaano mo ako napasaya? For the first time sa buhay ko, naramdaman kong hindi ako nagiisa. Meron na akong kaibigan."

Humigpit ang yakap ni Dominic sa kanya. "Utang ko sayo ang lahat lahat. Isa lang akong nobody galing sa squatter pero tinrato mo akong special. I'm willing to give up everything para sayo. Lagi mong tatandaan yan. Hindi ka nag-iisa. Andito ako para sayo. Nasa tabi mo ako, forever."

"Tigilan na natin to. Pinapaiyak mo naman ako. Mahal kaya ang luha ko, Mr. Dominic Roque. Magkikita tayo again soon."

"Kapag may nangyari, don't hesitate na tawagan agad ako. Dadating ako agad agad."

Nagpout sya dito. "Sa tingin mo ba kaya talaga nila akong saktan? C'mon, Dom, kilala mo ako more than anyone else. Ako ang mas mananakit sa kanila. I will make their lives miserable for a couple of months. Magiging impyerno ang mga buhay nila. Promise ko yan."

Napailing na lang si Dominic.

Alam nyang hindi masamang tao ang prinsesa nya pero may ibang taong nagtulak dito para maging masama. Hindi naman mahirap mahalin ang isang Kathryn Bernardo. She is the best creature that God had ever created. Yun nga lang at misunderstood ito. Kung nakikita lang ng mga tao ang totoong sya. Hindi naman ito nagrerebelde ng walang rason. Gusto lang nito ng pagmamahal at attention. Two of the things that money can't buy.

Nakatitig si Kathryn sa kisame. Napapagod na syang masaktan lagi. Oras na to give them a dose of their own medicine. She's tired of feeling empty. Twenty years is already enough.

__________

Napangiti si Daniel nang makita nyang pumasok sa opisina nya si Jasmine. This woman is his everything. Nasa puso na nya ito simula ng mga bata pa lang sila. Pormal syang nanligaw dito when she turned twenty-four kahit pa meron na silang mutual understanding sa loob ng matagal na panahon. Ang saya nya nang sinagot sya nito. Tatlong taon na ang relasyon nila at plano na nyang lumagay sa tahimik.

He's already 28 at gusto na nyang magkaroon ng pamilya. Magkakaroon sila ng maraming anak and they'll live together happily. Pareho naman na silang stable financially and emotionally. Sigurado din syang mahal sya ni Jasmine kagaya ng pagmamahal nya dito. Walang ibang lalaki sa buhay nito bukod sa kanya. He was the only man she loved and will ever love. Maswerte sya to have her. She is pure, kind, stunning, gentle, smart, and sweet. She is an epitome of perfection. She's the finest lady he has ever met. Sya ang tipo ng babae na pinapakasalan at minamahal habang buhay.

Hinalikan nya ito sa labi. "Kamusta ang work?" he asked.

Si Jasmine ang nagmamanage sa family business nila and she's doing well. Proud na proud sya dito. Tinuruan sya ng maayos ni Tita Min. Marami nang achievements si Jasmine kahit bata pa ito hindi kagaya ng rebeldeng anak ni Tita Min na si Kathryn. Wala nang pag-asa ang babaeng iyon. Naaawa nga sya sa Tita Min nya dahil nagkaroon ito ng iresponsableng anak. Lagi na lang kung saan saan nagpupunta ang isang iyon. Hindi man lang ito nagtapos ng pag-aaral para matulungan ang ina nya sa business nila. Ang alam lang lagi ay magshopping ng mga mamahaling damit at alahas. Kaya di naman nakakagulat na si Jasmine ang itinuturing na sariling anak ni Tita Min. Laging nandoon si Jasmine para tumulong. Nandoon ito pag kailangan nito ng kalinga ng isang anak.

Napailing sya. Bakit ba sya nagsasayang oras para isipin ang babaeng iyon? Sakit lang sa ulo ang dala ni Kathryn. Isang nuisance, brat, rebelde, at bitch. Nothing else. She's just an expensive beautiful lady without a brain.

Pinaglaruan ni Jamine ang nectie nya. "Okay naman ang lahat, honey. Gusto mo makarinig ng bad news?"

Nagkibit balikat sya.

"Uuwi na si Kathryn. It's be hell in Manila again." Naiinis na sabi ni Jasmine.

"Pagkatapos ng eight months, uuwi na rin ang black sheep? I wonder kung may pagbabago sa kanya. Malamang ay wala. She still loves spending money and having fun nang hindi iniisip kung gaano pinaghirapan ng Mommy nya ang pera para masunod ang layaw nya."

"Worried ako for Tita Min." Malungkot na sabi ni Jasmine.

"Worried din ako para sayo." Sagot naman ni Daniel. "She hated your guts."

Napangiti si Jasmine. "She's just jealous. Lahat ng tao ay gusto ako while everyone hates her. Kasalanan naman nya bakit ayaw sa kanya ng mga tao. Selfish sya, self-centered, self-absorbed, ano pa ba?"

"Wag na nga tayong magaksaya ng oras para pag-usapan ang walang kwentang tao. Sinisira lang natin ang gabi natin. Andito ako para protektahan ka laban sa kanya, okay? Now, kiss me." Malambing na utos ni Daniel.

At sinunod naman ito ng dalaga.

__________

Naghintay si Kathryn ng isang oras bago nakauwi ang Mommy nya. Gabi na sya nakarating sa bahay nila dahil nagikot ikot pa sya sa mall at hindi naman sya nagulat na wala pa ang ina nya pagdating nya. She was never home, anyway.

"Andito ka na pala." Malamig na bati nito sa kanya.

Walong buwan syang nawala at binati sya ng nanay nya ng 'andito ka na pala'.

That really hurts.

Sigurado sya na kung nagcrash ang eroplanong sinasakyan nya kanina ay walang ibang iiyak kundi si Dominic. Wala man lang pakialam ang Mommy nya. Pero pag si Jasmine ang namatay, they would all cry an ocean.

Ngumiti lamang sya dito. "How are you, Mommy?" sarcastic na sabi nya.

Nagbuntong hininga lamang ito. "Pabayaan mo muna akong magpahinga, bukas na natin pagusapan ang perang kailangan mo."

Nagdilim ang mukha nya sa sobrang galit habang naglakad papalayo ang Mommy nya.

'Kamusta ka na, Mommy? Namiss kita. I love you. Binilhan kita ng mga pasalubong pero sa tingin ko ayaw mo naman nun. Pwede ba kitang yakapin? Mahigit dalawang dekada na since the last time na niyakap at hinalikan mo ko. Bakit hindi mo kayang mahalin ang sarili mong anak? Anong mali sa akin?'

Nagsindi sya ng sigarilyo para pakalmahin ang sarili.

__________

Author's Note: Kumalma tayo. #LabanKathryn

If You Don't Know Me By NowWhere stories live. Discover now