Chapter 9

10.9K 351 57
                                    

"Andito na ko, Ma." Sabi ni Daniel pag pasok nya sa kusina ng bahay nila. Naabutan nyang abala ang Mama nya sa pagluluto. Lumapit sya dito at hinalikan ang ina sa pisngi.

"Ang aga mo yata, Anak. Wala yung hot date mo?"

"Out of town si Jasmine, Ma."

"Sabi ko hot date hindi yung lagi kong ka-date."

"Anong ibig mong sabihin, Ma?"

"Hot date meaning si Kathryn." Nakangiting tugon ni Carla sa anak.

Natulala si Daniel sa sinabi ng ina. "Alam mo. Alam mo ang tungkol sa affair namin ni Kathryn." Statement iyon at hindi tanong.

"Anong akala mo sa akin, Anak? Syempre alam kong may gusto ka kay Kathryn. At wag mong gamitin ang term na affair. Hindi magandang pakinggan."

"Okay lang ba sayo, Ma? I mean nagchcheat ako sa girlfriend ko na out of town ngayon. Hindi mo ba ko pipigilan?"

Makahulugang tumingin ang Mama nya sa kanya. "Masaya ka ba?"

Nabigla sya. Hindi nya inexpect ang tanong na iyon.

"Oo?" Hindi siguradong sagot nya.

"Eh di go. If cheating makes you happy, go. Minsan, what's wrong may feel so right."

Napasang ayon sya sa sinabi ng ina. Mali ang relasyon nila ni Kathryn, forbidden iyon. Pero pakiramdam nya tama naman ang lahat kapag magkasama sila, sa tuwing hinahalikan nya ang dalaga. Hindi nya alam kung dapat ba nyang pasalamatan ang Mama nya o ano. Kinukunsinti sya nito na magtaksil sa nobya nya. Ganito ba kamahal ng Mama nya si Kathryn? Kung ang babae nya kaya ay hindi si Kathryn, kukunsintihin pa rin kaya sya nito? Malamang ay hindi.

"Anong ulam natin?" Pag-iiba ni Daniel sa usapan.

"Roast beef and mushroom chowder."

Napakunot ang noo nya. Madalang magluto ng roast beef ang Mama nya sa ordinaryong araw, mas gusto nito ang mga simpleng putahe lang. At dahil may roast sila ay pakiramdam nya ay may something na special.

"Anong meron? May occasion ba na hindi ko alam?"

Ngumiti ang Mama nya. "Nagtitingin kasi ako ng mga lumang photo albums kaninang hapon. Nakita ko ang picture ng Tito Teddy mo at naalala kong ngayon pala ang birthday nya."

"Tito Teddy? Ang Daddy ni Kathryn?"

Tumango si Carla. "Matagal na syang wala at matagal na rin syang di sumagi sa isip ko."

"Wala akong masyadong maaalala tungkol sa kanya. Namatay sya noong 10 or 11 lang ako. Di ko matandaan."

"Sya ang first love ko, alam mo ba yun?" Naramdaman ni Daniel ang lungkot sa boses ng ina.

Nabigla sya. Hindi nya alam yun. "Bakit hindi sinabi sa kin yan noon, Ma?"

"Mahal na mahal ko sya. Dumating pa ko sa punto na akala ko hindi na ko magmamahal ng ibang lalaki. Minahal din ako ni Teddy. Mahal namin ang isat isa. Lahat ng panahon na magkasama kami ay parte mga pinakamasayang oras sa buhay ko."

"Anong nangyari? Bakit kayo ni Papa ang nagpakasal tapos si Tito Teddy at Tita Min?" Curious na tanong nya.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Carla. "Inagaw sya ni Min sa akin. Inakit nya si Teddy at nabuntis sya. Ginawa ni Teddy ang tama at pinakasalan nya ang bestfriend ko."

If You Don't Know Me By NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon