Kabanata 11

1.6K 29 3
                                    

China's PoV

"Uhm...Okay lang naman ba ang hitsura ko?" Nahihiyang tanong ko nang patungo na kami sa bahay ng parents niya.

"Yes..." aniya at bumaling saglit sa labas ng bintana bago ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Don't feel nervous...mga kapatid ko lang at ang asawa ni East ang nandoon." aniya.

I slowly nodded. Tumikhim ako para maibsan ang kabang kanina pa nararamdaman.

May ilang minuto pa kaming nagtagal sa daan, traffic din naman kasi kaya rin siguro mas natagalan.

Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa isang espasiyong nababalutan ng bermuda grass.

Nauna siyang bumama tsaka bahagyang tinakbo ang side ko para pagbuksan ako ng pinto.

Nang mabuksan ang pinto sa tapat ko ay naglahad siya ng kamay sa akin.

"Let's go? They're waiting for us." aniya.

Mas lalo lang akong kinabahan nang makita ang apat na tatlong lalaki at isang babae na niyayapos sa bewang ng isa sa mga lalaki.

Mga kapatid niya na kaya ang mga ito?

"Hey, Kuya!" sigaw iyon ng isang lalaki na hinuha ko'y nakita ko na dati sa TV o aa mga magazines. Is it...West Delacroix?

Tinakbo niya ang distansiya namin at kaagad na niyakap si North.

"Ang tagal niyo. Akala ko nga hindi pa ayo makakapunta eh, and... is this China?" ani West nang sa wakas ay balingan niya na ako.

"Hi...I'm China." nahihiya kong pagbati.

"Hi! Don't be shy. Ako lang 'to. Hindi naman ako snob pagdating inyo." he said.

"She doesn't even know you. Isipin mo rin sana na kahit gaano ka kasikat, may mga taong hindi ka parin kilala." singit naman ng isang lalaking may gray na buhok.

"Stop being harsh to your brother, East!" saway naman ng isang babae na buong ngiti ang iginawad sa akin.

"Tss. Totoo naman." dagdag pa nito. The girl just glared at him na para bang sinasabing manahimik na ito.

"Fine. Fine." aniyaat hinalikan ang gilid ng noo ng babae.

"I'm Australia Shaniz Del Mundo,Talia for short." anang babae at naglahad ng kamay sa akin.

"China. Nice to meet you." I smiled back to her.

"Nice names." anang lalaking kanina pa nakangiti.

They introduced themselves. Si North ang panganay, South is the second one―the one with messy hair. West the third one―the superstar and the one that has a apple green color of hair at ang bunso naman na si East ―the gray haired one with his wife Australia or Talia.

"What are we waiting for? Baka lumamig na ang pagkain." yaya ni Talia sa lahat.

Nahigit ko pa ang hininga ko nang naramdaman ko ang kamay ni North na gumapang sa aking bewang. Aangal pa sana ako ngunit hindi ko nalang ginawa.

"Kanina pa ako nagugutom, mabuti nalang at natiis ko pa, kung hindi kanina pa ako nauna." East said.

"East! Nasaan na naman ba napunta ang manners mo?" saway na naman ng kanyang asawa na tinampal pa siya sa kanyang braso.

"Wala talagang respeto eh." pailing na bulong naman ni South.

Pagpasok palang ay tanaw na ang mga pagkaing nakahanda sa isang mamahalin at mahabang lamesa.

Naunang umupo si Talia na hinilahan pa ni East ng upuan. Hindi pa muna ako umupo at mas nahiya lang nang balingan ako ng mga magkakapatid na Delacroix pati narin si Talia.

"Ah...may rule kasi na babae ang unang uupo, kaya" nagkibit balikat si Talia.

"Upo ka na." aniya at itinuro ang upuang hinila ni North. Tumango nalang ako at saka pa umupo. I was about to say thank you when South interrupted.

"Don't say thank you, Miss. Tradition kasi sa pamilya iyon. Dapat mas dominant dapat ang mga babae." he said.

"Ah...gano'n ba?" halos mapakamot nalang ako sa batok ko.

They all settled on their chairs at nagsimula ng kumuha ng pagkain. Gano'n parin sa kanina. Una ang mga babae. Si North pa ang naglagay ng pagkain sa plato ko na tututulanko pa sana but as a respect to their tradition, I let him did it.

"You're beautiful, China." ani West na isang sikat na singer at modelo na kapatid ni North.

"West, do you want to die?" tanong naman ni East.

"What? Magsasabi lang naman ako ng totoo?" dipensa ni West.

"Well, you know it's better to just shut up before he get's angry." sabad naman ni South.

"Let's just eat." seryosong sinabi ni North kaya naman napalinhon ako sa kanya.

"Jealous sh*t." iling ni West bago siya nagpatuloy sa pagkain.

"I heard Josiah will come?" said South that made me look up to him.

"P-pupunta siya?" I asked.

"Oops..." East shook his head.

Nakita kong siniko ni Talia si East. Tumikhim ang mga ito at nilingon ang tahimik na si North.

He's not moving. Hindi na niya naituloy ang pagkain lalo na nang tumayo siya.

"Excuse me." he said at umiling pa ng isang beses habang paakyat sa ikalawang palapag ng mansion ng mga magulang niya.

Nagkatinginan kaming lahat, no one dared to talk.

"Ginalit niyo ba naman eh, kayo'ng bahalang kumausap diyan." ani West na nagpatuloy na sa pagkain.

"We're sorry for that, China. Just eat. Baka nagpahangin lang 'yon." said Talia.

I nodded but my mind is occupied of what just happened.

Dahan-dahan kong ginalaw ang aking pagkain.

"Can I excuse myself, please? Susundan ko lang." I excused myself nang hindi ko na nakayanan.

"Sure." halos sabay-sabay pa nilang sagot. I stood up and followed North upstairs.

Nalito pa ako kung saan ang dadaanan dahil sa lawak ng buong mansion. Diniretso ko nalang ang hallway at lumiko lang nang makita ang awang sa isang pintuan.

Dahan-dahan kong itinulak iyon para mas lumaki ang pagkakabukas para makapasok ako ng tuluyan.

"North?" Pasatinig ko. Nagbabakasakaling naroon nga ang pakay.

"Nort―"

"Why are you here?" nakahalukipkip niyang tanong na matalim ang matang nakatitig sa akin.

"I...I just want to make sure...if you're o-okay." I answered.

"Tss." nag-iwas siya ng tingin.

"Galit ka ba?" I asked out of nowhere, napansin ko lang iyon dahil sa talim ng titig niya at sa paraan ng kanyang pananalita.

Matagal bago siya nakasagot. Nakita ko pang umigting ang kanyang panga bago siya sumagot.

"No." he said. May kinuha siyang kung ano sa drawer na naroon. Cigar.

"You smoke?" I asked.

Sinindihan niya iyon at hinithit habang nakakunot ang kanyang noo. Doon palang ay hindi na niya kailangang sagutin ang tanong ko.

"Doon ka muna.Masama sa'yo ang usok at amoy." aniya.

I swallowed.

"Kung...may k-kasalanan man ako sa'yo...uhm...sorry. Sige doon na m-muna ako." sabi ko at tinalikuran siya.

That Night She Got Drunk - (DBS#1)Where stories live. Discover now