Kabanata 7

1.8K 34 1
                                    

China's PoV

"In business world, you need to know everything. Hindi sapat na magaling ka lang." he said. "You need to have many connections to win the game." iyon lamang ang sinabi niya.

Natahimik nalang ako dahil sa ngayon ay hindi ko pa naiintindihan ang mga bagay bagay. I hope soon. Malaman ko kung ano ang dapat kong malaman.

Hapon na nang makalabas nga kami sa ospital. Kagaya ng dati, maraming bawal, para sa anak ko, gagawin ko nalang at susunod para maging maayos ang lahat.

"Welcome home ate ganda! Sorry hindi na ako nakabisita sa'yo sa hospital. Nabusy din kasi ako sa school." ani Israel na sinalubong ako ng yakap.

Humigpit ang yakap niya sa akin at lumuwag lang iyon nang tumikhim si Josiah.

"Let her rest. China, go to your room."utos ni Josiah.

"Uy, go to your room daw. Tara na, tulungan na kita" yaya sa akin ng isang matandang kasambahay.

"Sige po...salamat." sabi ko at nginitian silang lahat. Nagpaalam na ako kina Josiah at Israel bago kami nagtungo sa tinutulugan kong silid.

"Ako na ang magaayos ng gamit mo, hija. Matulog ka na ha?" aniya.

Tumango ako at humiga na sa kama.

I closed my eyes. Imbes na matulog ay bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot. Umagos ang luha sa gilid ng aking mga mata.

I know my mother is not that good to me but I'm not that heartless and ungreatful to forget her sacrifices for me and Dad. Alam kong may natitirang kabutihan parin sa kanya.

"Mommy...I miss you." I sobbed.

"Hija, umiiyak ka ba?" dinig kong tanong ni Nana Selya na kasama ko sa kwarto.

Dahan-dahan aking suminghot.

"Hindi po..." pagsisinungaling ko. Umiling pa ako.

"Umiiyak ka, e.  Masama 'yan sa'yo. May naaalala ka ba?" Lumapit siya at hinaplos ang aking likod.
Dahil sa sobra kong pagka-miss sa Mommy ko ay nayakap ko na lang si Nana Selya.

Sana kasama kita Mommy...sana maranasan at maramdaman ko rin ang pagmamahal ng isang ina— pagmamahal ng aking ina.

"Shh... kukwentuhan na lang kita para mabawasan naman ang lungkot mo," aniya at tinapik ang kanyang hita, sinesenyas na humiga ako doon.

"Salamat po." sabi ko. Ginawa kong unan ang kanyang hita habang nakatingin sa kisame. Now, I feel more relaxed.

"Alam mo ba na ganyan din ako sa'yo dati? Pakiramdam ko tinatalikuran na ako ng mundo pero naisip ko na pagsubok lang pala ang lahat," Panimula niya habang hinahaplos ang aking buhok.

"Mahirap kapag pakiramdam mo ay walang nagmamahal at may pakialam sa'yo pero ang totoo, masyado ka lang nakapokus sa isang bagay o tao kaya hindi mo napapansin ang mga taong nasa paligid mo na nagmamahal at may pakialam sa'yo, Hindi natin nakikita na―"

Someone knocked.

"Nana Selya?" boses iyon ni Josiah mula sa labas.

Nanlaki ang mga mata ko. Nabitin ang luha sa ere at ilang segundong nagpigil ng luha.

"Ay haluh, nandiyan na si Sir. Baka pagalitan ka kapag nalaman niyang hindi ka pa nagpapahinga." mahina ang boses niyang sinabi.

"Manang Selya?" ulit ni Josiah nang hindi sumagot si Nana Selya.

"Ay oo, Ser. Papunta na po ako." Sabi ng kasambahay bago siya tumayo.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Maliit lamang ang siwang na ginawa ni Nana Selya.

"Magandang gabi, Ser. Bakit po?" tanong ni Nana Selya na nasa harap ni Josiah ngunit dumapo ang matalim niyang mga mata sa akin dahil sa pagtulak ni Josiah doon pqra mas lumuwag ang siwang.

"Ayun na nga..." bulong ni Nana Selya.

"Hindi ako...makatulog." iyon nalang ang sinabi ko.

Nagiwas siya ng tingin pagkatapos ay umiling.

Tumingin siya sa kanyang relong pambisig bago ibinalik ang tingin sa akin.

"I'm not forcing you to sleep, I just want you to relax and rest." aniya.

"Oo..."

"Anong oo ka diyan? Umiyak 'yan kanina, Ser." sumbong ni Nana Selya.

Kumunot ang noo ni Josiah, nakita ko rin kung paanong umigting ang kanyang panga.

"Why did you cry?" seryoso niyang tanong.

"I...I j-just miss my Mom..." Nagangat ako ng tingin sa kanya.

"We'll do something about that, for now, huwag mo lang istress-in ang sarili mo." bilin niya.

"Sige." sagot ko.

"If you want something,iutos mo nalang sa iba para hindi ka na bumaba. I'll go now. Good night." aniya.

Tumalikod siya ngunit bago pa isarado ni Nana Selya ang pinto ay nakita kong may pinindot at idiniin siyang kung ano sa kanyang tainga at nagsalita.

"She cried. She said she misses her Mom." iyon ang sinabi niya na mukhang may kausap pa.

North's PoV

"Dad, you want to talk to me?" bungad ko sa aking ama nang makarating ako sa secret office niya.

"Yes. We'll talk about the thing you're asking me." aniya habang naglalagay ng wine sa kopita.

"What about it?" kalmado kong tanong. Kinuha ko ang isang kopita pagkatapos ay umupo ako sa kaharap na sofa ng lamesa ng aking ama.

"Before I say something... can I ask you this one important question?" he said it like there is malice in it.

"What is it, Dad?" kunot noo kong tanong.

"How ready are you to become a father?"

"I'm 100% ready. But I don't think she will accept me." I said a little bit tensed.

"Good. I want to have a grandchild. Kahit ano na." he even have the guts to chuckle.

"Bakit hindi niyo nalang hintayin sina East, West at South?" Tanong ko bago sumimsim ng wine.

"They just don't want me to meddle with their lovelife." aniya.

"I don't want you to meddle with my lovelife either." I said but I made sure that my tone does not sound offending.

"Why are you like that, huh? You're such a bully." aniya.

"So how was it?" I changed the topic.

Kung kanina ay nakukuha niya pang magbiro, ngayon ay wala ng balas ng tuwa sa kanyang mukha.

"What I just found out made me want to kill. They play so dity but I will make sure I will play the game even dirtier." he said.

That Night She Got Drunk - (DBS#1)Where stories live. Discover now