Kabanata 25

2.1K 32 2
                                    

China's POV

"Who planned all of this?" tunog nagtatampo kong tanong. Tinampal ko pa ang braso ni North―asawa ko na ngayon na ngiting-ngiti at dinaig pa ang nanalo sa lotto sa sobrang tuwa.

Nasa private beach kami ngayon, it's North's gift for me sa kasal daw namin. Nasa kwarto sina Mommy at nagpapahinga kasama si Knight kaya ako, si North, ang magkakapatid at si Talia lang ang narito.

"Hindi ako ah?" Talia tried to hide her smile but in the end, she failed.

"Sige na nga, ako sa iba...say kalahati pero sa iba hindi na ako," pag-amin niya.

"May tinulong din naman kami diyan ha? Song choice," tawa ni West at East.

"Ang pangit nga ng song na napili niyo eh," reklamo ni North.

"Pasalamat ka nga walang high notes doon, for your information, ibinagay lang namin sa boses mong hindi kagandahan," si West.

"Who said my voice isn't good? Asawa ko na ang nagsasabing maganda ang boses ko," si North sa isang nagmamayabang na boses.

"Talaga ba, North?" nagtaas ako ng kilay at humalukipkip.

"Sige nga? Magyabang ka nga..." panunuya ni Talia.

"By the way, hindi ba sinabi mo Kuya na magpapakasal pa kayo sa simbahan?" South asked.

My eyes widened. Napatigil ako sa pagnguya.

"Really?!" gulat na tanong ni Talia na napatigil din sa pagkain.

"Yes. I've been planning that since then. Say noong nag-usap sila ni Madame Carolina," said North na patuloy lang sa pagkain. He remained cool while I'm here, trying to cope up and understand everything.

"So kailan ba 'to?"

"I want it planned so it may take a bit long, but it's okay for me. We're married anyway," nagkibit balikat siya.

"China?" tawag ni Talia sa atensiyon ko nang mapansing hindi man lang ako nakapagsalita sa mga pinag-uusapan nila.

"H-huh?" iyon lang ang naging reaksiyon ko.

"What can you say about that?" bulong ni North sa akin.

I was about to say something nang umihip ang malakas na hangin at at nalanghap ang amoy butter na kung ano man dahilan kung bakit napatakip ako sa aking bibig sa nababadyang pagsusuka.

"What happened?" tumayo kaagad si Talia para damayan ako.

"I...I t-think I'm about to vomit," I said. Napailing nalang ako saka tumayo para tumakbo sa pinakalapit na kwarto para makapagsuka.

"Oh my gosh!" I heard Talia's hysterical voice na mukhang sinundan pa ako.
Hindi ko na 'yon pinansin dahil ang main goal ko ngayon ang ay makaabot sa CR para magsuka doon ng maayos.

Umiikot din ang paningin ko pero pinilit ko paring makahanap ng kwarto.

"China!" I heard North's worried voice behind me.

Nakahanap ako ng silid at pumasok na kaagad doon, maraming kwarto rito at sa amin naman kaya walang mga tao kundi ang pamilya lang kaya malaya akong nakapasok. Dumiretso ako sa banyo at kaagad na yumuko doon.

Maluha-luha pa ako dahil pakitamdam ko ay isinuka ko an ang lahat ng kinain ko, mula kanina. Hindi pa natapos sa pagsusuka nang naramdaman ko ang presensiya ng kung sino sa gilid ko.

Sinikop noya ang buhok ko at hinawakan iyon para hindi mahawaan ng suka ko. Binigyan niya ako ng tissue at kaagad kong tinaggap iyon. I flushed to toilet bowl at sinubukang pakalmahin ang sarili.

"A-are you okay?" kanina ko pa alam na si North iyon kaya hindi na ako nagsalita.

"Pakiramdam ko naisuka ko na lahat ng kinain ko...what's happening to me?" I said as I cried in pain. Pakiramdam ko rin ay magagasgas na ang lalamunan ko kasusuka.

"Kailan ka hulung nagkaperiod?" he suddenly asked.

I shooked my head.

"I don't know...dapat noong nakaraan pa ako nagkaroon eh, pero wala. Normal naman ang men―" napaangat ang tingin ko sa kanya. Nanlalaki ang mga mata. We're not yet sure pero alam kong iyon din ang iniisip niyang kalagayan ko.

"Hindi kaya..."

"Am I... pregnant?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"When is the last time we made love?"

Umiling ako, hindi ko din alam. We made love many times kaya hindi ko na iyon matandaan.

"If you're really pregnant then I'm going to be a f-father again?!" nanlalaki ang mga matang tanong niya.

I smiled at him and nodded. Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa kanyang mga mata.

"Thank you for making me the happiest husband ever. I love you, my wife."

                                                                                                          

That Night She Got Drunk (COMPLETE)Where stories live. Discover now