Kabanata 5

2.1K 45 2
                                    

Third Person

Si North lang ang naiwan para bantayan si China habang nanatili itong walang malay dahil lumabas sina Josiah at Israel para bumili ng makakain sa malapit na grocery store.

Luckily,  there were no complications.  Ang pagkakahilo at pagkawala ng malay ni China ay hindi naman nagdulot ng kung anong kapahamakan sa kaniya at sa dinadala nito.

"Huwag lang sana siyang mag-papa-stress dahil malaki ang maidudulot niyon sa baby niya," iyon ang bilin ng Doctor kina North at Josiah.

China groaned and massaged her forehead. Sinubukan din niyang tumayo kaya kaagad siyang dinaluhan ni North.

"How are you feeling?" He asked as he tried to help her to sit on the hospital bed.

"Ayos...na," sagot ni China habang nakangiwi pa rin habang hinihilot ang kaniyang noo.

"You need to rest. Hindi ka na muna papapasukin ni Josiah sa trabaho hanggang sa hindi ka pa umaayos," North stated.

Huminga nalang si China ng malalim. If that's for te best for her baby then be it. Hindi na siya magpupumilit dahil ikapahamak niya pa iyon at ng bata sa sinapupunan niya.

"S-sige kung gan'on..." she quietly agreed.

"Nasaan pala sila?" China asked when she noticed Josiah and Israel's absence.

"They went out to buy food," he responded.

China nodded as she scanned the whole room with her eyes. Lihim siyang napangiti ngunit walang baka ng tuwa.

"You're always there for Josiah.  Matagal na ba kayong magkakilala?" She tried hard to start a normal conversation with him with a compliment. 

"We're childhood friends," he remarked.

His lips twitched trying to hide the smile on his face. Napagtagumpayan niya namang itago iyon sa pamamagitan ng pagkunot ng kaniyang noo.

"Hmm. You're both kind. It's just sad that I can't repay you now because of my condition. I'm sorry for being a burden," mahina niyang sinabi.

"You'll never be a burden,  China." He firmly said.

His hand went inside the pocket of his coat. Taimtim na tinitigan si China.

"I wish I can make myself believe in you. That I'm not really a burden. Sana pagdating ng araw ay hindi nga talaga."

JOSIAH

"Kuya, ano bang mga bawal kay ate China? Baka mamaya lagay ako nang lagay dito sa cart bawal pala sa kanya," tanong ni Israel sa akin habang hawak ang isang mansanas. Nasa loob kami ng isang grocery store para mamili ng makakain sa ospital ngayong araw dahil hindi pa puwedeng i-discharge si China ngayon.

"Hindi ko nga rin alam eh," I answered as a matter of fact. Wala naman kasi akong alam tungkol sa mga bawal at kung ano ang puwede sa buntis.

"Tsk, tsk," umiling-iling pa ang walanghiya kong kapatid. "Hindi ka pa pwedeng mag-asawa kung gan'on. Hindi ka pa marunong. Dapat nag-re-research ka na tungkol sa mga ganyan eh, " sa tono niya ay para bang pinapagalitan niya pa ako at may gusto siyang ipunto.

"I don't have plans for that yet," inunahan ko na siya. "Bakit ikaw? May alam ka ba sa mga bawal sa buntis?" Pinagtaasan ko siya ng isang kilay na para bang nanghahamon.

"Wala."

"Hindi ka rin puwedeng mag-asawa kung gan'on," ganti ko sa kaniya.

"Tss. Kaya walang nagseseryoso sa'yo eh. Tumanda ka sanang mag-isa!" He even have the guts to stick out his tongue on me. The nerve of this kid.

Tamang lagay na lang ako ng kung ano sa cart. Bahala na. Kung hindi puwede sa kaniya eh 'di ako ang kakain. Basic!

"Five thousand six hundred and eighty, Sir," the girl on the counter said. My face crumpled when I saw how she smiles towards me.

May pakagat-kagat pa sa labi.

Dinukot ko ang wallet sa bulsa ko lara maibigay na sa kaniya ang kailangan niya. In my attemp to get my card, nahulog ang isang litratong matagal ko nang iniingatan.

Nagkatinginan kami si Israel. He saw it and I'm sure he'll ask about it once we're alone.

Isinantabi ko muna ang isipang iyon. Pinulot ko ang litrato at ibinalik iyon sa aking wallet.

No one dare to talk between us two.

Alam ko ang iniisip ng kapatid ko ngayon at ngayon pa lang, iniisip ko na ang dapat kong isagot.

Pabalik na kami sa ospital nang mapadaan kami sa isang gasoline station para magpa-gas.

"You didn't tell me you still have her picture."  Panunumbat ng kapatid ko sa akin.

I sighed. Hindi siya matingnan ng maayos.

"Ang sabi mo pa nga sa akin noon na kahit tamang tanaw ka lang mula sa malayo. Kasi sa ganoong paraan, hindi siya lumalayo sa'yo. But now that she's within your reach, ayos lang din sa'yo na tamang tingin ka ulit sa litrato niya na nakaw pa?" Hilaw siyang natawa.

"Ayos nga lang, Ra. Ayos lang ako kapag tamang tingin lang. I promise. Everything won't be messed up," Itinaas ko ang aking kanang kamay na para bang nanunumpa.

"You always love to hurt yourself dahil sa pagpaparaya, Kuya. When will you learn to fight for your chance?" Makahulugan niyang tanong.

This kid is really something.  How can he talk like that? 

"I know they'll be happy. You know me, when she's happy—"

"Yeah, yeah. When she's happy, you're happy too." Pagtatapos ni Israel sa sasabihin ko sana.

"May I just remind you, Kuya. YOLO." Naiiling na untag pa nito sa akin.

"Akala ko pa naman matino na ang mga sinasabi mo. Bibilib na sana ako kung hindi ka nag-joke," ginulo ko ang buhok niya.

Iritado niya akong tinapunan ng tingin.

"Bakit? Pusa ka ba? Ano'ng joke doon? Totoo namang you only live once, ah? May lahi ka bang pusa para magkaroon ka ng siyam na buhay?" He asked sarcastically.

Hindi ko na lang siya pinansin. Hinayaan ko siya sa mga rants niya tungkol sa akin hanggang sa makarating kami roon sa ospital.

Nasa elevator na lang kami ay hindi pa rin siya tumitigil sa mga hinaing niya.

"Kapag nagka-girlfriend ka, isisiwalat ko lahat ng baho mo para maghiwalay kayo kaaagad." Banta niya pa.

"Sure, kiddo. Basta tandaan mong lintik lang ang walang ganti," natatawa kong balik sa kaniya.

"Nakakainis ka. Mabuti nga sa'yo at naunahan ka, bleh!"

That Night She Got Drunk - (DBS#1)Where stories live. Discover now