Kabanata 4

2.6K 55 12
                                    

China

Maganda ang palabas. Iyon ang napuna ko kahit pa nagsisimula pa lang iyon. Tahimik lang ang lahat at tanging ang sounds lamang ng pinapanood namin ang naririnig.

Kaya nga lang, hindi ko na iyon napatapos dahil inantok na ako sa kalagitnaan palang ng movie.

Nagising na lang ako na nasa sofa akong mas mahaba kaysa sa inupuan ko kagabi, ngunit nasa movie room parin at may makapal na kumot na nakabalot sa akin.

"Good morning, Ate ganda. Nakatulog ka kagabi kaya binuhat ka nalang diyan ni Kuya. Buti nga magaan ka lang kaya ka niya nabuhat," nagkibit-balikat si Israel pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin.

"Ah...gano'n ba? Sana ginising niyo nalang ako. Nakakahiya," sabi ko. Napakamot pa sa batok at ngumiwi.

Bumangon na ako. Naalala ko rin na ito pala ang unang araw ko para magtrabaho sa nasabing restaurant ni Josiah. Maaga pa naman pero wala akong gagawin at nakakahiya kung mananatili ako rito. It's just six in the morning but I need to move and at least help out para hindi naman gaanong nakakahiya sa mga tao rito.

"Gigisingin sana kita kaso kasi ano," hindi niya napatapos ang dapat niyang sasabihin, nagkamot na naman siya ng batok.

Tumango nalang ako at tumayo na. I smiled to him para malaman niyang ayos lang.

"Kumain ka na raw, Ate. Si Kuya kasi maagang umalis, eh. May aasikasuhin daw sa opisina pero bibisita siya mamaya sa restaurant para i-check ka," Israel informed.

"Ah...gano'n ba? Eh, ikaw? Kumain ka na ba?" Tanong ko nang nasa hamba na ako ng pintuan.

"Hindi pa, Ate ganda. Sabay na tayo. Okay lang ba?" Siya pa ang humingi ng permiso gayong wala naman akong magagawa kung iyon nga ang gusto niya.

"Oo naman. Sino ba naman ako para tanggihan ka?" nginitian ko siya.

"Ayun!" Kaagad siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa pang-isahang sofa at mabilis na lumapit sa akin. "Thank you, Ate. Tara na baka ma-late ka pa. Samahan kita mamaya sa restaurant, ah? Tambay lang gano'n," nagkibit-balikat siya at natawa.

Hindi na ako nagsalita. Bago kami kumain ay pinauna ko na siya sa kusina dahil gagawin ko pa ang mga rituwal ko sa umaga. Pagkatapos kong magawa ang lahat ay lumabas na ako at nagtungo sa kusina para makapagagahan na kasama si Israel.

"Ate Ganda, sure ka ba na kaya mo ng magtrabaho?" I can hear worry in his voice.

Hindi rin naman ako sigurado pero susubukan ko pa rin. Kung hindi talaga kaya, hindi ko pipilitin. Pero kung kaya naman ay mas maayos para makapag-ipon rin ako.

Nagpapasalamat na nga ako na pinatira nila ako rito sa bahay nila ng walang bayad at binigyan pa ng trabaho. In that case, I won't need to worry for my necessities. Mag-iipon na lang ako para sa kinabukasan namin ng anak ko.

Nilingon ko si Israel dahil sa tanong niyang iyon.

"Maayos naman na ako kahapon.Tsaka nakakahiya naman kung magiging palamunin lang ako dito," I said, feeling a bit of guilt.

"Uy Ate ganda, hindi namin iniisip na palamunin ka lang dito," umiling-iling pa siya.

Umiling na lang din ako at nagpatuloy na sa pagkain.

They're kind but I don't want to take advantage to their kindness towards me. Kung puwedeng makatulong ako, gagawin ko. Kung puwede nga lang na kahit hindi na ako pasahurin ang ayos na rin, eh. Kaya nga lang ay kailangan ko talaga ng pera ngayon.

"Ate Ganda, wait nalang saglit. May kukunin lang ako sa taas tapos aalis na tayo," paalam sa akin ni Israel bago siya tumakbo paakyat sa kanyang kwarto pagkatapos naming kumain.

Paalis na kami para sa trabaho ko ngayon.

Wala pang limang minuto ay nakabalik na siya dala ang kanyang laptop.

"Tara na Ate Ganda. Dinala ko lang kasi wala naman akong gagawin doon habang hinihintay kita kaya mag-ta-type nalang ako para sa research namin," aniya at tinapik pa ang dalang laptop.

Medyo may kalayuan ang restaurant mula sa bahay. Iniisip ko kasi na lakarin na lang sana iyon para hindi na sila maabala pero hindi rin kakayanin, lalo pa sa kalagayan ko.

When we entered the restaurant, marami ng tao ang naroon. Karamihan ay mga foreigner na mula sa iba't-ibang bansa.

"Mga Ate, si ate China nga pala. Magtratrabaho siya rito pero be good kung ayaw niyong masisante," si Israel nang makarating na kami sa restaurant kung saan ako magtatrabaho. Nahimigan ko ang pagbabanta sa boses niya kaya nahihiya akong ngumiti sa mga katrabaho ko.

Binati naman nila ako ngunit kapansin- pansin sa isang babae na nagtratrabaho rin doon ang pag-irap niya sa akin.

Huminga nalang ako ng malalim at hindi na iyon binigyan ng malisya. Gan'on naman talaga, eh. Hindi natin mapipilit ang ibang tao na gustihin tayo lalo na kung bagong kita pa lang.

"Ate ganda, roon muna ako ah? Tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka, okay?" paalam sa akin ni Israel saka niya itinuro ang isang table na bakante. Medyo gilid ang table na iyon kaya hindi naman gaanong makakaabala sa mga customers kapag nagkataon.

"Sige lang," tumango pa ako.

I started to work with passion. Bawat kilos ay may pagmamahal at pag-aalaga. Maingat din ako sa paglalapag ng mga orders ng mga customers para maging maayos ang lahat.

I don't want to make a scene here.

Papasok na muna sana ako sa staff room nang may tumawag sa akin.

"Miss China, pakikuha naman ng order ni Sir North doon, oh? Wala kasing available na iba eh. Please?" Pakisuyo ni Miss Vivi na busy rin sa pagkuha ng mga orders ng customers sa counter.

Kumunot muna ang noo ko. North Delacroix? Hindi ba'y siya ang kaibigan ni Sir Josiah? Iyong kasama naming manood ng movie kagabi?

Nagkibit-balikat na lang ako at nagpunta nalang doon sa itinuro ni Miss Vivi na table kung nasaan si Sir North.

Sa table fifteen, nakita ko roon si North na nakaupo habang nasa harap nito ang kanyang laptop. May tinitipa siyang kung ano roon, ngunit nag-angat ng tingin nang makarating na ako doon.

"Good afternoon, Sir. What's your o-order po?" I stuttered . I cleared my throat para mawala ang nerbiyos. I am not a socialite, hindi ko kayang makipagsabayan sa iba kapag pakikipag-sosyalan ang usapan, dahil tumayo palang sa harap ng mga tao...bagsak na ako.

My world really turned upside down. Kung dati ay ako ang pinagsisilbihan, ngayon ako na ang nagsisilbi. But, it's alright. Gusto ko naman ang ginagawa ko at walang pumilit sa akin lara gawin ito.

Kita ko ang gulat sa kanyang mukha nang makita niya ako. Nginitian ko nalang siya para mawala ang kaunting awkwardness sa pagitan naming dalawa

Lumingon pa siya sa likod niya na mukhang may hinahanap. He also glanced at his wrist watch habang nakakunot ang kanyang noo at seryoso ang kanyang mukha.

"Tubig nalang muna." Aniya nang hindi ako tinatapunan ng tingin.

Tumango ako, my lips curved for a smile kahit 'di naman niya nakikita. Aalis na sana ako nang tawagin niya ako. Tumigil ako at umikot para harapin muli siya.

"Yes, Sir? May idadagdag pa po kayo bukod sa water?" I politely asked.

He didn't answer for a second. Nang mag-angat naman siya ng tingin sa akin ay mas sumeryoso ang aura ng kaniyang mukha.

"Can we talk for a while?"

That Night She Got Drunk - (DBS#1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora