1

54.4K 661 38
                                    

Marina's POV

"Ina ikaw nga muna ang kumuha ng lambat ng lolo mo nakalagay daw dun sa may malaking bato sa tapat ng duyan "Sabi sa akin ni Lola habang naghahanda ng pagkain sa lamesa

"Opo maiwan ko po muna kayo ha " Ngumit sa akin si lola tsaka ako lumabas ng kubo at naglakad sa dalampasigan 

Ako nga pala si Marina Dolfo , sorry kung masyadong makaluma ang pangalan ko pero sabi sakin ni Lola kaya daw Marina ay dahil sa tatay kong isang marine namatay sya nung oras na dapat ay papunta sya sa bahay namin at puntahan si Mama habang pinapanganak ako ang kaso lang nalunod sya dahil sa trahedyang nangyari noon at sa kasamaang palad hindi kinaya ng mama ko yun kaya pagtapos kong ipinanganak iniwan narin ako ni Mama at ito ako ngayon ang tanging kasama ko lang eh si Lolo Mando at Lola Maria ko , Magulang sila ni Mama . Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil sila ang nagpalaki sakin sa loob ng 17 taon kaso nga lang mahirap lang kami pero okay lang yun basta andito sila sa tabi ko .

Pagkarating ko sa malaking bato ay kinuha ko na yung lambat pero nagulat ako dahil parang may humahatak sa dulo ng bato kaya lumapit ako at tinignan yun 

"WAHHHHH LOLO LOLA WAHHHH ! "Sigaw ko kaya tumakbo si Lolo at Lola sa akin 

"Oh anong nangyari ? "Tanong ni Lolo

"Lo may may patay na babae Lo !" Tsaka ako lumapit kay Lolo at si Lola naman ay lumapit dun sa babaeng nakakapit sa lambat kadiri mukhang patay na eh 

"Buhay pa sya " Sabi ni Lola habang hawak ang pulso nang babae

"Lola sigurado ka ? "Takang tanong ko 

"Oo naman tara tulungan mo kong buhatin sya "Tawag sakin ni Lola

"Ehh La naman nakaka--- '

"Isa Marina wag ka ngang maarte "Napagalitan pa ako kaya wala na akong nagawa kundi sundin si Lola 

"Mando tawagin mo si pareng Popoy at ipapagamot natin to " 

"Sige sige saglit lang ' sagot ni Lolo tsaka umalis

"La ang bigat naman ng babaeng to "Pagrereklamo ko 

"Manahimik ka Marina ah "

Naglakad kami habang akay akay ang babaeng mabigat hanggang sa makarating sa bahay 

"Dun mo muna sya sa kwarto mo Ina ha tara na "

"La naman ! "Pagrereklamo ko 

"Sige magreklamo ka papatulugin kita sa may duyan "Panakot sakin ni Lola 

"Ito na nga po oh aakyat na tayo sa kwarto ko "

Nakaakyat kami sa kwarto at hiniga sya sa kama ko 

"Hayy salamat ang bigat ha " Sabi ko habang nag babanat ng buto 

"Ano pang ginagawa mo dyan ? palitan mo na ng damit to at punasan ang mga sugat nya "Nagulat ako sa sinabi ni Lola 

"La naman eh ikaw nalang magpalit tapos ako magpupunas birhen pa ang mata ko aba "

"Parang hindi babae ang bibihisan mo , sige lumabas ka nga muna at kumuha ng maligamgam na tubig " Pagutos sa akin ni lola

Bumaba ako at tsaka kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo pagtapos kong makuha ay umakyat na ako at nakita kong tapos ng bihisan

"Ang tagal mo naman , nasaan na ba ang lolo mo ? "

" BAT DAMIT KO !? "Nagulat ako dahil damit ko lang naman ang pinalit ni lola sa babae 

"Anong gusto mo yung damit ko wag ka ng magreklamo punasan mo na sya baba lang ako at hihintayin ang lolo mo "Bumaba na si Lola at ako lumapit sa babae at nagsimula syang punasan 

Ang dami nyang sugat grabe hayy sayang ang ganda pa naman nya

Nasa mukha naman ako nagpunas kung wala siguro tong mga sugat sigurado akong lalabas ang ganda nya . Yung mata nyang maliit , ilong na matangos at manipis na labi sigurado akong maganda sya pag nagising haist ano bang iniisip ko

"Dito popoy dali "napatigil ko sa pagpupunas at napatayo nang narinig ko ang boses ni Lola kasabay ng pagbukas ng pinto ng kwarto 

lumapit si manong popoy sa babae tsaka kung ano ano ginawa na hindi ko alam . Tumagal din yung paggamot sa babae

"Urghh Khwām cĕbpwd (masakit)"rinig kong sabi ng babae

"kamusta na sya ? tsaka a-anong sabi nya ?" takang tanong ni lolo

"okay na sya pero masyado syang maraming sugat sa katawan  . Hindi ko rin alam ang sinabi nya eh "kamot ulong sabi ni manong popoy

 "ganun ba? salamat pare ha pasensya na ito lang mabibigay ko "tsaka may binigay si lolo

"ano ka ba pare mas kailangan nyo ngayon yan "tsaka sya ngumiti at binalik kay lolo ang pera 

lumapit kami sa babae tsaka sya tinignan

"Mukhang dayuhan to ah sigurado akong intsik yan ang liit nung mata oh "hula ni lolo 

"Pag maliit mata intsik agad Mando? Aba Tignan mo maputi at matangos ilong taga amerika yan panigurado " pagsalita naman ni Lola

"Hayy nako Lola kahit magaway kayo sya lang ang makakasagot nyan "Tsaka ko tinuro yung babae

"Songsuda"Biglang sabi ni Lola

"Anong pinagsasabi mo Maria ?"Tanong ni Lolo

"Binasa ko lang yung nasa kwintas nya tignan mo "Tsaka namin tinignan ni Lolo yung tinuro ni lola sa leeg ng babae

"Di kaya pangalan nya yan ?"Sabi ko

"Kakaibang pangalan dayuhan nga yan  "Sabi ni lolo

"Hoy Mando wala ka bang balak mag-ulam mamaya ? "Pagsalita bigla ni lola

"Ito na nga Maria aalis na . Sige kayo na bahala dyan mangingisda lang ako " Tumango lang kaming dalawa ni Lola

"Ikaw na dito Ina pagpapatuloy ko lang yung ginagawa ko sa kusina " tsaka tumayo si Lola

"Opo ako na bahala " Paglabas ni Lola ay nilapitan ko si Songsuda kung yun man yung pangalan nya .

Tinanggal ko yung hibla ng buhok sa mukha nya at kinuha ang tali sa buhok ko at nilagay sa kanya

"Urghhh"ungol nya habang tinatalian ko sya natamaan ko ata yung sugat sa ulo nya

Pagtapos ay tinitigan ko lang sya

Makinis na balat at maputi , yan siguro ang dahilan kung bakit sya mas gumaganda

Hinawakan ko ang mukha nya sa parteng walang sugat , malambot at kutis mayaman nga .

Ang ganda ng pilikmata nya sana gumising na sya at makita ko rin ang mata nya .

Hindi ko napansin na ang tagal ko nang nakatitig sa babaeng to kaya nagulat ako ng sumigaw sya

" C̄hạn t̂xngkār khwām ch̀wyh̄elụ̄x pord !! (tulungan mo ko please) "Sabi nya bigla kaya tinawag ko si Lola

----

Hindi ko matiis haha done chapter 1 :)

Si Ina pala ^^

Stay With Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon