"Yeah, Mom is right. Dapat sinabi mo sa'min nila Kuya James para inupakan namin yung mga lalaking snatcher na 'yon!" sabi ni Kuya Isaac.

"Natatandaan mo ba yung mga lalaking 'yon para mai-report natin yung nangyari?" sabi ni Kuya Moises. Umiling ako. Madilim ng gabing 'yon, idagdag pa na nakamaskara sila kaya it's impossible to saw their faces.

"Hindi na kailangan, Kuya Moises. It's been a week since nangyari 'yon." sagot ko.

"No, Rio Crizel!" Patay na! Sumisigaw na sk Mom. "Kailangan nating i-report 'yon! Paano kung mangyari na naman 'yon. Pasalamat ka na lang at dumating si Mark para iligtas ka." Tinignan ko si Mark na pinipigilang ngumiti. Parang lumalaki yung tenga niya sa papuring natatanggap niya sa parents ko. May atraso pa siya sa'kin. Sinabi niya sa mga Kuya ko yung tungkol don, kaya malalagot siya sa ginawa niya.

"I'm really sorry, Mom, Dad. Natakot lang ako na baka mag-react kayo kapag nalaman niyo kung anong nangyari sa'kin. Sorry po, hindi na mauulit."

"Hindi na talaga mauulit dahil simula ngayon, hindi ka na lalabas ng mag-isa o maghahang-out ng ikaw lang. Someone will send you home at pati pagpasok sa school, you need someone para bantayan ka dahil mahirap na at baka may mangyari sa'yong masama."

"Huh?" I exclaimed. "What do you mean, mom?"

"You need a body guard." I almost burst in laughing. This can't be happening. Hindi na ko bata para may magbantay sa mga ikinikilos ko all the time.

"At sino naman yung magiging body guard ko?"

"From now on, Mark will be your body guard."

My jaw dropped. Natigil ako sa pagtawa sa narinig ko. Hindi pwedeng mangyari 'to. Nagbibiro lang sila. Right. It was a joke.

"Sabihin niyo sa'kin na nagbibiro lang kayo." Nakatingin ako kay Mom na ngayon ay seryoso paring nakatingin sa'kin.

"Do you think nagbibiro ako?" Based on how she react, mukhang seryoso nga siya sa sinasabi niya.

"No. Hindi ako papayag. Ayokong maging body guard si Mark, Mom, please." I looked at Mark. He's trying to control his evil smile. Kung hindi ako nagkakamali, it's his plan para lagi kaming magkasama. Hindi ko kayang magtimpi habang kasama siya buong buhay ko para bantayan lang ako buong linggo at maging personal body guard ko? My God!

"You can't do anything about it. That's final!"

"Pero----"

"No buts, Rio Crizel Mallari Hechanova." pagtataray ni Mom.

"Dad!" pagkokonbinse ko kay Dad na baguhin yung desisyon ni Mom pero pinandilatan siya nito.

"Wala kong magagawa, anak. Just talk with your mom about it." Argh! Bakit nangyayari 'to sa'kin? Masama ba 'kong tao?

"Ayaw mo ba non, sis. Palagi mo ng makakasama yung boyfriend mo." Tumawa sila Kuya James sa sinabi ni Kuya Isaac. Mapang-asar talaga silang tatlo. Mga bwisit! Kaysa tulungan ako, they pushed it to the highest degree of agreeing on Mom's decision. Kapatid ba talaga nila ko o mas kapatid nila yung bwisit na Mark na 'to?

"Tama si Isaac. It's your chance to spend time with each other since LQ kayo ng nakaraan 'di ba? Naalala mo ba ng nagsesenti ka sa pool side. Hindi ka pa nga makatulog dahil nag-away kayo ni Mark---"

"Kuya James!" saway ko. Napakadaldal talaga ng isang 'to! Halos mamula na ko sa kahihiyan ng tumingin si Mark sa'kin. Ngumisi siya.

"Hindi ka pala makatulog ah." bulong niya sa'kin. Napahinto lang siya ng pangaasar sa'kin ng muling nagsalita sila Mom.

"You will be safe once you're with Mark. Wala namang problema dahil boyfriend mo siya."

FYI, PRETEND BOYFRIEND!

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now