Chapter 16

6.7K 101 20
                                    

Alyssa’s POV

Denden: Guys, bibili ‘kong food, may gusto ba kayong ipabili?

Tumingin kami ni Ella kay Denden at sabay kaming umiling. We just finished with another early morning training and nandito kami ngayon sa Gonzaga Caf nagpapalipas ng oras. Pagbalik ni Denden sa mesa namin may dala siyang dalawang order ng cheesesticks at tatlong baso ng pink lemonade.

We spent the next few minutes just looking at the food in front of us, para kaming zombie tatlo, tahimik lang at tulala.

Kiefer: Good morning Girls!

Napalingon kaming tatlo dun sa pinanggalingan ng boses ni Kiefer, pero parang wala pa rin sa sarili ‘tong sina Ella kasi ni hindi man lang sila ngumiti. I smiled at Kiefer just as he sat down on the chair beside me.

Alyssa: Hi. Pagpasensyahan mo na ‘yong zombie mode namin.

Kiefer: Bakit ba kayo zombie mode?

Ella: Masakit ang katawan namin.

Denden: Tsaka inaantok pa kami.

Kiefer: Bakit? Anong meron?

Alyssa: Two words. Morning. Training.

Kiefer: Nag-morning training kayo? Ba’t hindi ka sumabay sa ‘kin kanina? Hinatid ka ba ni Kuya?

Alyssa: Hindi, nag-commute lang ako.

Kiefer: Aly naman eh. Pinag-usapan na natin ‘to. Paano kung napahamak ka sa pagco-commute mo ng madaling araw?

Alyssa: It was too late to text you last night, tsaka wala namang masamang nangyari sa ‘kin ah. Buong-buo akong nakarating ng Ateneo.

Kiefer: Kahit na. Sa susunod, kahit anong oras pa ‘yan, mag-text ka. Kung hindi ko man mabasa that night, mababasa ko ‘yon pagkagising ko.

Alyssa: Kief please, next time mo na lang ako sermonan. Pagod ako, parang man possessed si Coach Roger kanina.

Kiefer: Sorry. Sige, hindi na. Lumapit lang naman ako para i-confirm sa ‘yo ‘yong sa Sabado.

Alyssa: Tuloy ba tayo? Wala ka kasing nabanggit kahapon akala ko nagbago ‘yong isip mo.

Kiefer: Bakit naman magbabago ‘yong isip ko? Kung alam mo lang, sobrang excited ko na.

More than what Kiefer said, mas pinagtakhan ko ‘yong expression sa face niya. Hindi ko mabasa kung ano ‘yong nasa isip niya. It’s like Saturday all over again and we were back in his car. Ganito din ‘yong pakiramdam ko nung tinanong niya ‘ko about Saturday.

Alyssa: S-saan ba tayo?

Kiefer: Surprise ko na ‘yon, basta tuloy tayo this Saturday. I’ll pick you up at 4pm.

Alyssa: Okay. Anong isusuot ko?

Kiefer: Ikaw ng bahala. Kahit ano namang isuot mo bagay sa ‘yo.

Ngumiti si Kiefer sa ‘kin tapos tumingin din siya kina Ella at Denden who were just quietly listening to our conversation. One look at them at alam ko ng maha-hot seat ako sa kanila mamaya.

Kiefer: Sige Girls, una na ‘ko, may class pa ‘ko sa Faura eh. Aly, sabay tayo pauwi later ha?

Alyssa: Okay, my last class ends at 4:30pm.

Kiefer: Berchmans?

Alyssa: Oo. Bakit?

Kiefer: Sa Kostka ‘yong last class ko. Meet na lang kita sa baba ng Berchmans.

Alyssa: Sige. See you.

Kiefer: See you! Bye!

Pagkalabas na pagkalabas ni Kiefer ng Caf, tumingin sa ‘kin sina Ella at Denden na nakataas ‘yong isang kilay. Here goes the third degree!

All Fired Up (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon