Chapter 12

6.1K 121 8
                                    

Kiefer’s POV

Von: Tapos ka na bang kumain? Halika na. Mag-umpisa na tayong maglakad papuntang Bellarmine. Hindi ako pwedeng ma-late sa class ko.

Kiefer: Bakit takot na takot kang ma-late?

Von: Hindi nagpapapasok ng late yong Prof ko. Nagla-lock ‘yon ng pinto.

Kiefer: Ganun? Buti na lang pala iba yong teacher sa subject na ‘yan.

Von: Pasalamat ka talaga. O ano, tara?

Kiefer: Let’s go.

Umalis na kami ni Von ng Gonzaga Caf at nag-umpisang maglakad papuntang Bellarmine. Pagdating namin ng Xavier Hall, nagulat ako nung bigla akong siniko ni Von.

Kiefer: Aray! Ba’t ka ba naniniko?!

Von: Paps, si Aly ba yon?

Kiefer: Ha? Saan?

Von: Ayun o, yong pababa ng kotse.

Lumingon ako sa direksyon na tinuro ni Von at nakita ko nga si Aly na pababa ng sasakyan na alam kong hindi kay Ninong o kina Kuya.

Von: Si Aly nga. Eh sino yang naghatid sa kanya?

Hindi ko makita kung sino yong nagda-drive pero napansin ko ‘yong DLSU sticker sa windshield. I have a strong feeling na si Jeron ‘tong naghatid kay Aly. Mukhang kagagaling lang nila from lunch and if that’s the case, last week’s date must have been a success.

Aalis na sana ako nung nakita kong palapit si Aly sa ‘min, kaya lang ‘tong si Von hindi nagalaw, parang may balak pang makipag-kwentuhan.

Von: Oy Aly! Tanghaling tapat nakikipag-date ka ah.

Alyssa: Nag-lunch lang kami ni Jeron. Hindi kami nag-date.

Von: Ah, si Jeron ba yon? Ang layo naman ng inabot niya for lunch. Wala bang pwedeng kainan sa Taft at dumayo pa siya ng Katip –

Kiefer: Tara na Von, akala ko ba hindi ka pwedeng ma-late sa class mo?

Von: Ay oo nga. Sige Aly, Bellarmine pa kami eh.

Alyssa: Okay, bye! Bye Kief!

Hindi ako sumagot kay Aly, naglakad lang ako ng dire-diretso at nagpanggap na wala akong narinig. I don’t know why, but lately marinig ko lang na banggitin ni Aly yong pangalan ni Jeron parang nagpapantig na yong taenga ko. Pagkalagpas ko ng flagpole, narinig kong tinawag ako ni Von. Binagalan ko ng konti yong paglalakad ko para makahabol siya sa kin.

Von: Loko din yang si Jeron noh. Dayuhin ba naman ang Katipunan para lang mag-lunch. (after a few seconds) Hindi ba talaga sila nagde-date ni Aly?

Hindi ko sinagot ‘yong tanong ni Von, malay ko ba kung rhetorical question ‘yon.

Von: Tignan mo ‘tong taong ‘to, tinatanong ko hindi sumasagot.

Kiefer: Bakit ba kasi ako yong tinatanong mo?

Von: Eh kayo ni Aly yong laging magkasama. If anyone would know, I figured it would be you.

Kiefer: Diba sinabi na ni Aly kanina na hindi date yong lunch nila? Wag na nga natin ‘yan pag-usapan. Wala naman tayong pakialam sa kanilang dalawa. Kung gusto nilang mag-date eh di mag-date sila at kung ayaw nilang ipagsabi, that’s their business.

Von: Hala, ang lalim ng hugot natin ah.

Kiefer: Pinagsasasabi mo diyan?!

Von: Paano iisa yong tanong ko, ang dami mong sagot.

From the corner of my eye, nakita ko si Von na tumingin sa kin na parang nakakaloko.

Kiefer: Bakit ganyan ka makatingin?! Anong problema mo?

Von: Ikaw dapat ang tinatanong kung anong problema mo.

Kiefer: Wala!

Von: Wala, pero nakasinghal ka diyan?

Kiefer: Wala nga sabi.

Von: Wala talaga? Eh bakit ka nag-walk out sa ‘min ni Aly kanina?

Kiefer: Hindi ako nag-walk out. Nagmamadali lang ako kasi male-late na tayo.

Von: Paalala ko lang. Ako yong may teacher na galit sa late, hindi ikaw. Tsaka sobrang pagmamadali mo, hindi mo man lang nakuhang sumagot sa pagba-bye ni Aly?

Kiefer: Nagba-bye ba siya? Wala akong narinig.

Von: I think you heard her but you purposely did not answer.

Kiefer: Bakit ko naman gagawin ‘yon?

Von: Siguro kasi nagseselos ka?

Kiefer: Saan naman ako magseselos?

Von: Hindi saan, kanino.

Hindi ko napigilan tignan si Von. Kung ano-ano kasing sinasabi, wala namang sense.

Von: Paps, wag mo naman akong tignan na parang kakainin mo ‘ko.

Kiefer: Wag ka kasing gumawa ng kwento diyan. Hindi ako nagseselos kay Jeron, noh.

Von: O, saan galing yong Jeron? Wala akong sinabi na pangalan ng pinagseselosan mo ah. Ikaw naman, masyado mong binubuking yong sarili mo.

Kiefer: I don’t know what you’re talking about.

Von: Hay naku Kief! Huling-huli ka na, nagde-deny ka pa! Aminin mo na, nagseselos ka kay Jeron dahil may gusto ka kay Aly. Bilis-bilisan mo kasi ang kilos para hindi ka nauunahan ng iba.

*bell ringing*

Kiefer: Pumasok ka na sa classroom mo, baka mapagsarhan ka pa ng pinto.

Hindi ko na hinintay yong sagot ni Von. Iniwan ko siya sa may second floor ng Bellarmine tapos umakyat na ‘ko sa third floor kung nasan yong classroom ko. Pagka-dismiss nung previous class, pumasok ako sa classroom at umupo sa silya ko.

Iniwasan ko tignan yong mga kaklase ko na paisa-isa ng pumapasok. Wala ako sa mood makipag-usap kahit kanino, dinagdagan pa kasi ni Von yong pagka-inis ko kanina. Ang kulit niya. Sinabi ng hindi ako nagseselos kay Jeron eh. At lalong-lalo ng wala akong gusto kay Aly.


******


Alyssa’s POV

Denden: Sinong hinihintay mong dumating?

Alyssa: Ha? Wala ah.

Denden: Anong wala eh kanina ka pa tingin ng tingin diyan sa entrance.

Ella: Si Kiefer yong hinihintay mo noh?

Hindi ko na sinagot yong tanong ni Ella. I just busied myself with putting on kneepads para sa scrimmage namin. Aminin ko man kasi na si Kiefer ang hinihintay ko o hindi, manunukso pa rin ‘tong si Ella at si Denden. Mabuti pang tumahimik na lang ako, iwas issue pa.

As I sat down to do some stretching exercises, I couldn’t help but sneak a look at the entrance of the Blue Eagle Gym. Asan na nga ba si Kiefer? Normally naman umpisa palang ng training namin andito na siya nakikipag kulitan sa mga tao. Arghhh...nakaka-praning na talaga ha. Hindi ko alam kung may nagawa ba ‘ko na ikinagalit niya o may iba lang siyang problema.

Nung tinawag na kami ni Coach Roger para umpisahan yong scrimmage namin, tinanggal ko muna si Kiefer sa isip ko. Pinilit ko mag-focus kahit na sa totoo lang, hindi ako mapakali na wala siya. Bukod sa nasanay na rin ako na lagi siyang nanonood ng training namin, hindi ko maalis sa isip ko na baka nga galit siya sa ‘kin.

Half-way through our scrimmage, napatingin ako sa may bleachers, at aaminin ko na nakahinga ako ng maluwag nung nakita ko si Kiefer na nakaupo dun. Pagkatapos kaming i-dismiss ni Coach Roger, nilapitan ko si Kiefer at tumabi ako sa kanya.

Alyssa: Hi!

Kiefer: Hi.

Alyssa: Akala ko hindi ka na manonood ng training namin.

Kiefer: Bakit?

Alyssa: Normally kasi nauuna ka kina Coach dumating pero kanina nag-umpisa na kami ng scrimmage, wala ka pa.

Kiefer: Ahhh...

Alyssa: Ay Kief, pupunta ka ba dun sa activity natin with the kids next week?

Kiefer: Oo.

Alyssa: Ako din. Excited na nga ako eh. Alam mo naman, frustration ko yong walang mas batang kapatid o kahit mas batang pinsan man lang. Ikaw, excited ka na ba?

Kiefer: Excited.

Ano ba?! Bawal ba talaga magsalita ng more than one word at a time? Sige, last try bago ako magtanong kung galit siya sa ‘kin.

Alyssa: Sabi nina Ate Fille first time daw gagawin ‘yon ng Athletics Office. Sana gawin na nilang yearly activity, noh?

Kiefer: Sana.

Okay, here goes. Sana lang magsabi ng totoo.

Alyssa: Uhmmm...Kief, galit ka ba sa ‘kin?

Kiefer: Hindi.

Alyssa: Sigurado ka?

Kiefer: Oo.

One word answers pa rin?! Something is really wrong.

Alyssa: Okay. But is there something wrong?

Kiefer: Wala.

Alyssa: Hmmm...eh bakit mo ko nilayasan sa Caf last week? Tapos winalk-out-an mo din kami ni Von kanina. Para kasing may problema ka. Iniisip ko nga na baka sa ‘kin ka may issue. Wala ba talaga?

Kiefer: Wala akong problema at lalong wala akong issue sa ‘yo. Ayos lang ako, pagod lang siguro.

O, hindi naman pala bawal ang mahabang sagot eh.

Alyssa: Magpahinga ka ng mabuti, mahaba pa yong season niyo.

Kiefer: I will. Thanks.

Alam kong sinabi ni Kiefer na wala siyang problema, but I get the feeling that he’s not telling me the truth.

Alyssa: Basta Kief, kung may problema ka, I’m just here. Friends na tayo, diba? Hindi man kita matulungan, pwede akong makinig.

Nakita kong tumango si Kiefer tapos nabigla ako nung lumingon siya sa ‘kin at pinatong niya ‘yong kamay niya sa kamay ko.

Kiefer: Thanks Aly.

Alyssa: W-wala ‘yon.

Nung hindi niya tinanggal yong kamay niya, pa-simple kong binawi ‘yong kamay ko para kunyari tanggalin yong tali ng buhok ko.

Kiefer: Saan ka pala manggagaling for the activity with the kids? Gusto mo sabay na tayo papunta?

Alyssa: Hindi ko pa alam eh. Parang gusto ata nila Ate Gretch na mag-sleepover kami sa kanila the night before.

Kiefer: Okay. Sabihan mo na lang ako.

Alyssa: Sig –

Gretchen: Mr Ravena, nandito ka na naman.

Sabay kami ni Kiefer na napalingon dun sa direksyon na pinanggalingan ng boses ni Ate Gretch at nakita din namin sina Ate Fille, Ate Jem, Ate Dzi, at Ate A na naglalakad papunta sa min. Medyo kinabahan ako kasi ilang araw na ‘kong kinukulit nina Ate tungkol kay Kiefer.

Jem: Sino ba talagang pinapanood mo at araw-araw ka namin nakikita dito?

Fille: Jem naman, tinatanong pa ba ‘yan? Tumingin ka lang diyan sa tabi-tabi. Pwedeng sa kanan ni Kiefer o kung bakante ‘yong upuan na ‘yon, tingin ka sa kabila.

Umpisa palang alam ko ng ako yong tinutukoy nina Ate Jem at Ate Fille, pero natawa ako kasi tumingin talaga silang lahat sa right side ni Kiefer bago lumipat ‘yong tingin nila sa ‘kin.

Dzi: Sobrang obvious naman ng clue mo, sana sinabi mo na lang na si Aly ‘yong pinupuntahan ni Kiefer dito.

A: Pero bagay kayong dalawa, isang Phenom ng basketball at isang Phenom ng volleyball. Sobrang athletically gifted siguro ng magiging anak niyo, noh?

Alyssa: Hala! Usapang anak talag –

A: Wag ka ma-stress Aly, I’m just thinking of the possibilities.

Gretchen: So ano ba talaga Kiefer? May something na ba? Naku, siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan ‘tong Baby Girl namin ha. Kung hindi, target practice ang ending mo!

Kiefer: Ate Gre –

Fille: Kung magsalita ka naman Gretch parang sinagot na ni Aly si Kiefer. Wag ka muna umasa, palagay ko matatagalan pa ‘yan.

Jem: Bakit, hindi ba sila mutual?

Fille: Ewan ko lang kung mutual sila, pero may love triangle pa diba? Mukhang confused pa si Baby Girl eh.

Dzi: Teka, anong love triangle? Sinong ka-love triangle nila?

A: Hay Dzi...forever ka na lang huli sa balita. Hindi mo ba alam na may manliligaw na Green Archer si Aly?

Dzi: Sino?

Alyssa: Hin –

Fille: Si Jeron Teng!

Jem: Nanliligaw ba talaga si Jeron Teng kay Aly? Baka naman naga-assume lang tayo.

A: Meron bang friends lang na dumadayo pa ng Katipunan galing ng Taft just for lunch? Ewan ko lang ha. Napaka-devoted naman niyang kaibigan kung wala siyang gusto kay Aly pero ginagawa niya ‘yon.

Even without looking at Kiefer, naramdaman ko ‘yong bad vibes na nanggagaling sa kanya. And when I snuck a look at him from the corner of my eye, nakita ko siyang nakasimangot. Hindi kaya kay Jeron siya may problema? Pero sa pagkakaalam ko hindi naman sila nagkita recently para magka-chance na mag-away sila.

Dzi: So Kiefer versus Jeron pala. Mukhang exciting ang next few weeks ah. Nood nga tayo nung Ateneo-La Salle game ng live. This weekend na ‘yon, diba?

Gretchen: Yup, this Saturday. (tumingin kay Alyssa) Will you be watching?

Alyssa: Akong kausap mo Ate Gretch?

Gretchen: Oo naman. Mukha bang hindi?

Alyssa: Naninigurado lang. Kanina pa kasi kayo kung mag-usap parang wala kami ni Kiefer sa harap niyo eh.

Jem: Sorry naman Baby Girl, na-carried away lang ‘yong mga Ate mo.

Fille: Sobrang bagay niyo kasi. Hindi namin mapigilan pag-usapan kayo.

Dzi: Alam niyo Girls, iwan na natin ‘tong dalawang ‘to. Masyado na natin silang iniistorbo.

A: Mabuti pa nga. Mag-shower na tayo at nagugutom na ‘ko.

Ngumiti lang kami ni Kiefer habang nagpapaalam sina Ate sa ‘min. Hindi naman ‘to yong first time na tinukso nila ako kay Kiefer, but I wasn’t expecting them to do this in front of him. Nakakahiya. Sana hindi siya na-offend sa panunukso nila Ate.

Alyssa: Kief, sorry ah.

Kiefer: Para saan?

Alyssa: Sa panunukso nina Ate Fille. Sa totoo lang, ilang araw na nila akong tinutukso sa ‘yo. Hindi na kita sinabihan kasi ang akala ko amin-amin lang ‘yong tuksuhan. Malay ko ba namang manunukso sila kahit kaharap ka.

Kiefer: Okay lang ‘yon. Normal reaction naman ‘yon ng mga tao pag may lalaki at babae na nagiging close.

Alyssa: You’re not offended?

Kiefer: Hindi. Bakit naman ako mao-offend na matukso sa ‘yo?

All Fired Up (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon