Chapter 4

7.2K 114 15
                                    

Kiefer’s POV

Pagpasok ko ng Blue Eagle Gym napansin ko si Von na nakaupo sa may bleachers habang seryosong nanonood sa scrimmage ng Women’s Volleyball team. Nilapitan ko si Von, nilapag ko yong gamit ko tapos umupo ako sa tabi niya.

Kiefer: Paps, sarado mo naman yang bibig mo. Baka pasukin yan ng langaw!

Hindi kumibo si Von, parang hindi nga ata niya napansin na dumating ako eh. Ano kayang meron at sobrang intense ng panonood nito?

Kiefer: Von?!

Von: Ay, Kief! Andiyan ka na pala.

Kiefer: Kanina ka pa rito?

Von: Medyo. Free cut yong last class ko kaya tumambay na lang ako dito.

Binalik ni Von yong atensyon niya sa court. Sinundan ko yong tingin niya and I saw Aly playing. I watched her jump and spike the ball several times. Tama nga sina Nico, magaling siya, mataas tumalon at malakas pumalo. If she’s already this good in practice, I can’t wait to watch her play in an actual game.

From the corner of my eye, nakita ko si Von na titig na titig pa rin sa mga Lady Eagles na naglalaro sa court.

Kiefer: Masyado namang intense yang panonood mo. Ano bang meron?

Von: Naalala mo yong Baldo na sinasabi nina Nico at Emman?

Kiefer: Oo. Bakit?

Von: Ang galing pala talaga niya. Kanina ko pa sila pinapanood. Grabe! Halimaw. Nakakaawa nga yong sumasalo ng bola sa kabilang side eh. Ayun siya o, yong naka-pink na shirt.

It took me a few seconds before I realized why Von was pointing Aly out to me. Hindi pa nga pala niya alam na si Aly si Baldo.

Kiefer: Alam mo ba kung sino yang Baldo na yan?

Von: Nakausap mo na yong kababata mo, si Aly? Ano daw yong buong pangalan ni Baldo?

Kiefer: Si Aly si Baldo.

Von: Ha?

Kiefer: Si Aly na kababata ko at yong tinutukoy nina Nico na Baldo, iisa.

Von: Talaga? Eh bakit parang hindi mo siya kilala nung kine-kwento siya nina Emman last time?

Kiefer: Hindi ko naman kasi alam na nagva-volleyball pala si Aly. Tsaka sobrang generic nung description nina Nico. It could actually fit a lot of gir –

*phone ringing*

I took my phone out and looked at the Caller ID. Si Jeron. Bakit kaya to tumatawag?

Kiefer: Paps, excuse me. Sagutin ko lang tong tawag.

Von: Okay.

Tumayo ako at lumayo ng konti kay Von para sagutin yong tawag ni Jeron.

Kiefer: Hello?

Jeron: Hi Kief! Asa Ateneo ka ba ngayon?

Kiefer: Oo. Bakit?

Jeron: Nasaan ka? Puntahan kita.

Kiefer: Blue Eagle Gym.

Jeron: Okay. Papunta na ko diyan. See you in a few minutes!

Kiefer: See you!

Pagtapos namin mag-usap ni Jeron, bumalik ako sa upuan ko para ituloy yong panonood ng scrimmage nina Aly. Maya-maya nakita kong paakyat na ng bleachers si Jeron.

Jeron: Kief, Von, musta?

Kiefer and Von: Okay naman.

Kiefer: Upo ka, Bro!

All Fired Up (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon