Chapter 1

9.3K 148 13
                                    

Alyssa’s POV

Alyssa: Yeah, I'm ready to feel now, no longer am I afraid of the fall down. It must be time to move on now without the fear of how it might end. I guess I'm ready, I'm ready to love again.

Nicko: (kalabit kay Alyssa) Aly!

Alyssa: Waaahhh!!!

Nabitawan ko yong hawak kong libro. Paglingon ko, si Kuya Nicko lang pala.

Alyssa: Kuya! Bakit mo ko ginugulat? Hindi ka ba marunong kumatok?!

Nicko: Hindi kita ginugulat. Kanina pa kaya ako katok ng katok hindi ka naman sumasagot. Malay ko bang nagco-concert ka pala.

Alyssa: May kelangan ka ba?

Nicko: Bibigay ko lang sa ‘yo tong kahon mo. Naligaw kasi sa gamit ko.

Alyssa: Kahon? Hindi akin yan. Kumpleto na yong gamit ko dito.

Nicko: Sa yo daw to sabi ni Mama. Baka naman lumang gamit mo.

Kinuha ko yong kahon na bitbit ni Kuya Nicko tapos umupo ako sa sahig para buksan. Natawa ako nung nakita ko kung ano yong laman nung kahon.

Alyssa: Hahaha...buhay pa pala tong mga to. I can’t believe tinago to ni Mama.

Habang iniisa-isa ko yong laman nung kahon, I was also stepping back through time. I had one big obsession growing up at andito sa kahon ang ebidensya - kid-sized and teen-sized basketball jerseys, pictures, scrapbooks, used tickets to basketball games.

Nicko: Puro Kiefer to ah. Akala ko ba ayaw mo na sa kanya? Bakit meron ka pa nito?

Alyssa: Ayaw ko na nga. Pinatapon ko to kay Mama nun, malay ko bang tinabi niya pala.

Nicko: Grabe noh, patay na patay ka talaga sa kanya dati.

Alyssa: Hahaha...para akong tanga nun, sobrang obsessed ko sa kanya. Buti na lang na-outgrow ko kung hindi, baka hanggang ngayon hinahabol-habol ko pa siya.

Nicko: Ly, napatawad mo na ba si Kiefer dun sa pagpapahiya niya sa yo nung high school kayo?

Alyssa: Wala na sa kin yon, naging maganda naman yong epekto eh.

Nicko: Sabagay, hindi ka naman makakapag concentrate sa volleyball kung hindi ka tumigil na pangso-stalk mo kay Kiefer. (after a few seconds) Are you ready to be friends with him again?

Alyssa: Kuya, ako ang tinaboy palayo. I think siya dapat ang tanungin mo if he’s ready to be friends with me again.

Nicko: Sana maging friends nga kayo ulit. Nakakapanghinayang kasi kung tatanda na lang kayo as acquaintances or worse, as strangers.

Alyssa: He’ll have to change his outlook towards me. We may have grown up as friends pero nung dumating kami parehas ng Manila, fan na lang ang tingin niya sa kin. Kung magiging magkaibigan kami ulit, I want him to treat me as an equal.

Nicko: Tama naman, but I don’t think that’s going to be much of a stretch now. Kasi kung siya si Kiefer Ravena, Phenom of basketball, ikaw naman si Alyssa Valdez, Phenom of volleyball.

Alyssa: Fan ka?

Nicko: Hindi naman. Proud brother lang. Sige na, aalis na ko para matapos ka na sa pagliligpit mo.

Alyssa: Thanks Kuya!

Paglabas ni Kuya Nicko sa kwarto ko, isinara ko ulit yong kahon na dinala niya at nilagay ko sa ilalim ng kama ko. Wala naman akong balak i-unpack yon, tsaka ko na lang iso-sort yong laman at idi-dispose kung kelangan.

*phone ringing*

Alyssa: Kimmy!

Kim: Kamusta ang bagong lipat?

Alyssa: Eto, nagliligpit pa rin. Nung isang araw pa ko nagu-unpack pero ang dami pa ring kahon na hindi pa nabubuksan. Punta ka kaya dito, tulungan mo ko.

Kim: Kung pwede lang sana, pero may practice ako after lunch eh.

Alyssa: Ang aga niyo naman mag-start mag-practice.

Kim: Kayo ba hindi pa nagsa-start?

Alyssa: Hehe...actually last week pa. Naka-temporary break lang kami the past couple of days kasi naga-attend ng seminar yong buong coaching staff. Pero sa isang araw resume practice na kami.

Kim: Ahhh...nga pala, nagkita na ba kayo?

Alyssa: Nino? (after a few seconds) Ah, ni Kiefer. Hindi pa.

Kim: Pero neighbors na kayo diba?

Alyssa: Oo. Parang sa Batangas lang dati, magkatapat yong bahay namin. Ikaw na nga lang ang kulang, kumpleto na sana.

Kim: Hindi niyo naman ako kapit-bahay nun ah.

Alyssa: Pero lagi kitang kaklase.

Kim: Okay lang yan. Buong high school naman tayo yong magkasama. Hindi ka pa ba nagsasawa sa mukha ko?

Alyssa: Hello?! Sa sobrang itim mo, wala akong mukha na nakikita pag nakatingin ako sa yo.

Kim: Nahiya naman ako sa puti mo.

Alyssa: Compared to you, maputi talaga ako.

Kim: Magbi-beach volleyball ka ba?

Alyssa: Oo.

Kim: Well, after August magkasing kulay na tayo!

Alyssa and Kim: Hahaha...

Alyssa: Hay Kim...mami-miss ko maging classmate ka. Sana sa parehas na lang tayong college papasok.

Kim: Hindi pa naman too late. I’m sure tatanggapin ka pa rin ni Coach Ramil kung gusto mong lumipat ng La Salle.

Alyssa: Di rin. Kaya ko nga tinanggap yong pitch ni Coach Roger kasi mas gusto ko sa Ateneo tapos papalipatin mo ko ng La Salle. (after a few seconds) Alam ko na! Wag ka na lang mag-dorm, dito ka na sa min tumira para roommates tayo ulit.

Kim: Ly, diyan kayo ni Kiefer sa Tandang Sora nakatira. Ano naman ang gusto mong gawin ko? North to south araw-araw?

*knock knock*

Alyssa: Kim, teka lang may kumakatok.

Kim: Okay.

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Mama na nakatayo sa labas ng kwarto ko.

Alyssa: Po?

Lita: Anak, malapit na tayong mananghalian. Mag-ayos ayos ka na ng sarili mo.

Alyssa: Bakit ko pa po kelangan mag-ayos? May bisita po bang dadating?

Lita: Oo. Dito magla-lunch sina Tita Mozzy mo. Kaya mag-ayos ka, baka mapagkamalan ka nilang taong grasa.

Alyssa: Ma naman...

Lita: Hahaha...joke lang Anak. Sige na, mag-ayos ka na tapos sumunod ka na sa kin.

Alyssa: Sige po Ma.

Pag-alis ni Mama, sinarado ko ulit yong pinto at binalikan ko si Kim sa phone.

Kim: Hahaha...hahaha...taong grasa...hahaha...

Alyssa: Sige, tawa pa. Kabagin ka sana para umutot ka ng umutot sa practice niyo mamaya.

Kim: Ano ba kasing hitsura mo ngayon at tinawag ka ni Tita na taong grasa?

Alyssa: Kim, magulo ang kwarto ko, maalikabok. Simula paggising ko, nagu-unpack na ko ng mga kahon at nagliligpit. How do you think I look?

Kim: Hmmm...i-text ko kaya si Kuya Nicko na picture-an ka tapos i-send sa kin? Magandang pang-blackmail yan. Ang volleyball Phenom suma-sideline na taong grasa pag wala sa court.

Alyssa: Che! Ewan ko sa yo.

Kim: Oy, ikaw babae ingat ka sa lunch niyo. Baka pag nakita mo si Kiefer biglang malaglag yang panty mo at ma-in love ka na naman sa kanya.

Alyssa: Hahaha...gaga ka talaga Kim! Sige, para sa yo lalagyan ko ng suspenders yong panty ko.

Kim: Nakakatuwa ka ng asarin kay Kiefer ngayon. Hindi ka na napipikon. Naka-move on ka na talaga noh?

Alyssa: It’s been more than three years, sana naman diba?

Kim: Masaya ako para sa yo.

Alyssa: Salamat. O siya, baba na natin to. Kelangan ko pa mag-ayos bago dumating sina Tita Mozzy. Baka itakwil ako ni Mama pag bumaba ako na mukhang taong grasa.

Pagbaba namin ni Kim ng phone, tumingin ako sa salamin. Ang dugyot ko nga, nakakahiyang humarap sa bisita. Kinuha ko yong tuwalya ko at dumiretso ako sa banyo ko para mag-shower saglit.


******


Kiefer’s POV

*knock knock*

Mozzy: Anak?

Kiefer: Pasok po.

Sumilip muna si Mommy sa kwarto ko bago siya tuluyang pumasok.

Mozzy: Kief, magbihis ka na, aalis tayo.

Kiefer: Saan po tayo pupunta?

Mozzy: We’re going to have lunch at your Ninong Ruel’s house.

Kiefer: Sa Batangas po?

Mozzy: No, they’ve moved. Diyan na sila sa tapat natin nakatira.

Kiefer: Kelan pa po?

Mozzy: Early this week lang. Hanggang ngayon nga nagu-unpack pa sila.

Kiefer: ‘Mmy, okay lang po ba kung pass muna ako? Umpisa na po kasi ng daily practices namin tomorrow, gusto ko po sana magpahinga lang dito sa bahay ngayon.

Mozzy: Anak, sa tapat lang tayo pupunta. Hindi ka naman siguro mapapagod sa byahe. Magbihis ka na, we’re going in an hour.

Kiefer: Sige po ‘Mmy.

Si Mommy talaga, inasar pa ko. Dahil wala na rin akong choice, pumunta na lang ako ng banyo para maligo. Sana makapuslit ako agad pauwi after lunch. Gusto ko talagang namnamin tong last day of freedom ko.

Pagkatapos kong mag-ayos, sakto lang na kumakatok na si Dani sa kwarto ko. Sabay-sabay kaming lahat na naglakad papunta sa bahay nina Ninong Ruel. Actually, kung wala lang akong practice bukas, excited akong makita sina Ninong. Simula kasi nung lumipat kami ng Manila before ako mag-high school, hindi ko na sila nakita.

*ding dong*

Paolo: Good morning po Tito Bong, Tita Mozzy. (mano kay Bong at Mozzy) Pasok po kayo.

Bong: Good morning din Paolo. Nasan parents mo?

Paolo: Nasa loob po.

Pagpasok namin sa loob ng bahay nila, agad kaming sinalubong nina Ninong Ruel, Tita Lita, at Kuya Nicko. Nagmano kami ni Dani kina Ninong habang si Kuya Nicko nagmano naman kina Daddy.

Ruel: Umupo muna kayo at uminom ng juice.

Bong: Salamat.

Mozzy: Bakit itong dalawang binata niyo lang ang nandito? Asan si Aly?

Lita: Nasa taas, baka nagliligpit pa. Nicko, tawagin mo nga yong kapatid mo. Sabihin mo nandito na sina Tita Mozzy.

Nicko: Sige po Ma. Excuse me po.

Maya-maya nakita naming bumaba ulit si Kuya Nicko at may kasunod siyang babae na sa unang tingin hindi ko agad nakilala. Alam kong si Aly yong kasama ni Kuya Nicko, pero hindi ito yong Aly na naalala ko from high school at lalo ng hindi niya kamukha yong Aly na kalaro ko nun sa Batangas.

Alyssa: Hi po Tita, Tito. Good morning!

Lumapit si Aly kina Daddy para mag-mano tapos niyakap niya si Dani. Habang nakayakap siya kay Dani, tumingin naman siya sa kin at binigyan ako ng isang matipid na ngiti.

Bong: Ang laki mo na Hija, dalagang-dalaga ka na.

Mozzy: At ang ganda-ganda pa.

Alyssa: Thank you po.

Mozzy: Siguro maraming nanliligaw sa yo noh?

Alyssa: Wala po, bawal pa eh.

Lita: Sa dining room na natin ituloy yang kwentuhan, mag-lunch na muna tayo.

Tumuloy na kami ng dining room. Umupo sa isang dulo nung table sina Daddy at sina Ninong habang kaming mga bata nasa kabilang side naman. Magkatapat kami ni Aly, katabi niya sa right si Kuya Paolo, sa kabisera naman si Kuya Nicko, sa gitna naming dalawa, at si Dani sa left ko, katapat ni Kuya Paolo.

At first, tahimik lang kaming kumakain, parang lahat nakikiramdam. We may have grown up together but we have not spent time together in so long. Kahit nga kami ni Aly na parehas nag-high school dito sa Manila, mga three years din kaming hindi nagkita.

Paolo: Kief, sa Ateneo ka pa rin ba mag-aaral for college?

Kiefer: Oo Kuya. Nag-commit na ko kina Coach Norman. Start na nga ng daily practices namin tomorrow eh.

Nicko: Si Aly sa Ateneo din magka-college.

I glanced at Aly who looked up when she heard her name.

Kiefer: Talaga? Anong course mo?

Alyssa: AB Psychology. Ikaw?

Kiefer: Communications Technology. (after a few seconds) Bakit ka umalis ng UST?

*phone ringing*

Alyssa: Sagutin ko lang to ha. Excuse me.

Kiefer: Sige.

Sinundan ko ng tingin si Aly hanggang sa makalabas siya ng dining room. Hindi ko maintindihan kung bakit, but I have this weird feeling that she’s not entirely comfortable with me. Nung binalik ko yong tingin ko, napansin kong pinapanood pala ako nina Kuya Paolo at Kuya Nicko.

Nicko: Dun sa question mo kanina Kief, dream school ni Aly ang Ateneo diba? Kaya nung nakakuha siya ng scholarship, nag-decide siyang lumipat.

Kiefer: Ahhh...well Ateneo’s a really good school.

Paolo: Kief, can we ask a favor?

Kiefer: Basta ba kaya ko eh. Ano bang favor yon?

Nicko: Baka pwede mong alalayan si Aly? Kahit sa first few days lang. Help her find her way around school, sabayan mo siya mag-lunch pag parehas kayo ng break. Ganun.

Kiefer: I don’t think mahihirapan si Aly makahanap ng friends sa Ateneo. She’s very likeable and since may Orsem naman kami, mami-meet niya yong blockmates niya before pa mag-start yong classes.

Paolo: Yeah, but it’ll make us feel better if we know someone’s looking out for her.

Kiefer: Sige Kuya, I’ll try.

All Fired Up (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon