Chapter 3

7.7K 133 9
                                    

Alyssa’s POV

Alyssa: Ma, alis na po ako.

Lita: Teka, wag ka muna umalis. Hintayin mo si Kiefer.

Alyssa: Po?

Lita: Nagkausap kami ni Tita Mozzy mo last night and nung nabanggit kong maaga ka papasok ngayon, sabi niya sumabay ka na kay Kiefer.

Alyssa: Ma, wag na po. Nakakahiya.

Hindi ko naman iniiwasan si Kiefer, pero hindi rin ibig sabihin na gusto ko siyang makasama. Wala na nga akong magagawa kung magka-partner kami sa Chem pero sana naman hindi ako binibigla ng ganito ni Mama.

Lita: Maaga din naman daw yong basketball practice ni Kiefer.

*phone ringing*

Alyssa: Hello?

Kiefer: Good morning Aly. Sasabay ka daw sabi ni Mommy. Ready ka na ba?

Alyssa: Ah, o-oo. Ready na ko. Saan kita imi-meet?

Kiefer: Andito na ko sa tapat ng bahay niyo.

Alyssa: Okay. Labas na ko.

Nagpaalam ako kay Mama tapos lumabas na ko para puntahan si Kiefer. When I got outside, Kiefer was seated in his car, his head against the headrest and his eyes closed. Dumilat siya nung narinig niyang sinara ko yong gate namin.

Alyssa: Good morning.

Kiefer: Hi.

Tinaas ni Kiefer yong handbrake tapos tinanggal niya yong seatbelt niya.

Alyssa: Wag ka na bumaba. Ako na lang, I can manage.

Nilagay ko yong gym bag ko sa likod tapos sumakay ako sa kotse ni Kiefer. After I buckled up, umalis na kami for Ateneo. Nasa may gate na kami ng village namin nung may nagsalita sa ming dalawa.

Kiefer: Hindi nabanggit ni Mommy kung bakit kelangan ka ng maaga sa school. Anong meron? I mean, if you don’t mind me asking.

Alyssa: Ah, okay lang. Ni-resched kasi yong afternoon training namin to this morning. May important appointment si Coach Roger mamaya.

Kiefer: Training for what?

Alyssa: Volleyball.

Kiefer: Part ka ng Women’s Volleyball team?

Alyssa: Oo.

Kiefer: Nagva-volleyball ka pala. Kelan pa?

Alyssa: Matagal na. Varsity na ko nung first year high school, pero hindi ko masyadong sineryoso yong volleyball nung una.

Kiefer: You must be really good kung ni-recruit ka ng Ateneo.

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis ako sa pagka-clueless ni Kiefer tungkol sa kin. I know my volleyball achievements are all in the past now but I wasn’t expecting it to go this unnoticed by him. But then again, bakit ba ko nagugulat? Ganyan naman na siya even when we were kids. I knew everything about him, pero siya, pangalan ko lang ata ang alam niya.

Alyssa: I think I’m a work in progress.

We spent the next few minutes quietly listening to Chico and Delamar on the radio.

Kiefer: Natapos mo bang basahin yong Chapter 4 for Chem Lec?

Alyssa: Hindi pa.

Kiefer: Parehas pala tayo. Ang haba eh. Pero mga three pages na lang yong hindi ko pa nababasa. I think matatapos ko naman yon before class later.

Alyssa: Ako, I still have four pages to go. May tinapos kasi akong English paper last night eh.

Kiefer: Uhmmm...Aly?

Alyssa: Bakit?

Kiefer: May teammate ka ba na ang nickname Baldo?

Alyssa: Baldo?

Kiefer: Oo. Galing din siyang UST high school.

Alyssa: Bakit mo tinatanong?

Kiefer: Si Emman kasi tsaka si Nico were raving about her so much last week na sobrang curious na kami kung sino siya.

Alyssa: What were they raving about?

Kiefer: Kung paano siya maglaro. Sobrang galing daw mag-volleyball. In Nico’s words, “mapapanganga na lang kayo sa galing niya.”

Alyssa: Ang dali naman ma-impress ng teammates mo.

Kiefer: Bakit, hindi ba talaga magaling tong Baldo na to?

Alyssa: She’s a work in progress.

I was observing Kiefer’s reaction from the corner of my eye and nakita ko siyang napatingin sa kin with a surprised expression on his face.

Kiefer: Ikaw ba si Baldo?!

Alyssa: Minsan yon yong tawag sa kin ni Coach Roger. Pero hindi ko alam kung ako yong tinutukoy ng teammates mo.

Kiefer: May iba pa bang tinatawag yong Coach niyo na Baldo?

Alyssa: Sa pagkakaalam ko, ako lang.

Kiefer: Eh di ikaw na nga yong sinasabi nila Nico. (after a few seconds) Bakit ba kanina mo pa dina-downplay yong volleyball skills mo?

Alyssa: Kung makapagbitaw ka naman ng salitang downplay parang nakita mo na ko maglaro.

Gusto ko sana pagtawanan yong sarili ko, pinigilan ko lang. Parang ang lalim kasi ng pagkakahugot ko dun sa comment ko na yon eh.

Kiefer: Hindi pa nga pero with the way Emman and Nico were raving about you, I think you’re better than what you’re making yourself out to be.

Alyssa: I’m not saying na basura ako maglaro, kasi tama ka naman. Ateneo wouldn’t recruit me if I wasn’t good enough to make the team. But I still have to prove myself in college at marami pa akong kelangan i-improve sa laro ko.

Kiefer: Papanoorin nga kita one of these days so I can be the judge of how good you actually are.

Alyssa: May alam ka ba sa volleyball?

Kiefer: Konti. Hindi ko lang nasusundan yong UAAP Volleyball pero nakakapanood ako ng mga games ni Dani. I kinda know how it’s played but I’ve never tried playing it myself.

Alyssa: You should try it. Magandang pang-cross training yon sa basketball.

Kiefer: Narinig ko nga rin yan. Sige, pag-iisipan ko. Basta tuturuan mo ko ha?

Hindi ko sinagot si Kiefer, nilabas ko na lang yong phone ko sa bag, pretending to check if someone texted kahit na alam ko namang wala. Tapos, tumingin ako sa labas ng bintana, at dun ko napansin na malapit na pala kami sa Gate 2 ng Ateneo.

Kiefer: Saan pala kita ibababa?

Alyssa: Sa Blue Eagle Gym na lang.

Kiefer pulled up at the driveway of the Blue Eagle Gym. Bumaba ako at kinuha ko yong bag ko. But before going in, I knocked on the window of Kiefer’s car and signaled to him to roll down the window.

Alyssa: Thanks for the ride tsaka pakisabi din sa teammates mo na salamat kasi nagagalingan sila sa kin maglaro.

Kiefer: Makakarating. See you in class later!


******


Coach Roger: Tapos na tayo. Maligo na yong may pasok. Girls, balik afternoon training na tayo bukas. Walang male-late ha.

Lady Eagles: Yes Coach!

Morning training na naman kami ngayon. Sana talaga last na to. Hirap na nga akong gumising ng maaga, ang hirap pang pumasok ng school. Buti na lang kanina nalambing ko si Kuya Paolo na ihatid ako.

Pagod na pagod ako sa training namin pero hindi pa ko pwedeng magpahinga. Ang dami kong service errors kanina dun sa scrimmage namin kaya kelangan ko mag-extra practice.

Alyssa: Den, gusto mo magpractice mag-receive?

Denden: Magpa-practice ka ng service mo?

Alyssa: Oo sana eh. May time ka ba?

Denden: Yup, free cut yong nag-iisa kong morning class. Ikaw ba?

Alyssa: Vacant ako pag Thursday mornings.

Denden: Tara. Ay wait, bathroom lang ako.

Alyssa: Okay.

Tumakbo si Denden papunta ng banyo. Habang hinihintay ko siya bumalik, umupo muna ako sa tabi ni Ella.

Alyssa: Ikaw Ella, gusto mong maki-practice?

Ella: Kayo na lang. Dami ko pang kelangan habuling chapters sa Chem eh.

Alyssa: Asang chapter ka na ba?

Ella: Paumpisa palang ng Chapter 5.

Alyssa: Sige, kami na lang muna ni Denden para matapos mo na yang last three chapters mo. Mahaba pa naman yong Chapter 6.

Ella: Hay...paano mo ba to nagagawa Aly?

Alyssa: Ang alin?

Ella: Magbasa!

Alyssa: Hindi ka ba tinuruan magbasa nung bata ka? Paano ka umabot ng college?! Hahaha...

Tinignan ako ni Ella ng masama.

Ella: Ihampas ko kaya sa yo tong Chem book?!

Alyssa: Wag tayo masyadong bayolente.

Ella: Pilosopo ka kasi.

Alyssa: Jino-joke lang kita, masyado kang seryoso. Matatapos mo yan. Mahaba naman yong break natin today tapos bukas pa yan kelangan.

Bumalik si Ella sa pagbabasa nung Chem book niya at pagdating ni Denden galing ng banyo, nagpunta kami sa court para makapag-practice ng service at receive. After almost two hours of practice kulang na lang gumapang kami ni Denden paalis ng court. Nagpahinga lang ng konti tapos naligo na rin kami.

Tatlo na lang kami nina Ella at Denden na naiwan sa Blue Eagle Gym and while we were fixing our things, nagulat ako nung pagtingin ko sa phone ko ang dami kong missed calls at text galing kay Kiefer.

Alyssa: Oh shoot! Nakalimutan ko, may usapan nga pala kami ni Kiefer.

Denden: Date?

Alyssa: Date ka diyan?! Hindi, yong Chem paper namin. Sige guys, una na ko. Baka umuusok na yong ilong nun.

Halos tumakbo na ko palabas ng Blue Eagle Gym just to get to the Rizal Lib in the shortest possible time. Naabutan ko si Kiefer na nakaupo sa may Periodicals section, tapping his pen on the table at salubong yong kilay.

Alyssa: Sorry, I’m late.

Kiefer: Sana nagtext ka man lang para hindi ako mukhang tanga na naghihintay dito.

Alyssa: Pasensya na nawala sa isip ko na gagawa pala tayo ng paper ngayon.

Kiefer: Ikaw ang nag-suggest ng oras na to tapos ikaw yong hindi sisipot.

Alyssa: Sorry na. Hindi ko naman sinasadya makalimutan eh.

Kiefer: Saan ka ba kasi galing?

Alyssa: Galing akong volleyball training.

Kiefer: Hindi ba hapon ang training niyo?

Alyssa: Na-resched na naman kami to this morning eh. Pero bukas back to normal na ulit.

Kiefer: 5am ang start ng training niyo pag morning. Ngayon lang kayo natapos?! It’s almost 11am. Ano ba yan, training for the Olympics?

Alam kong ako yong late, but why am I getting the third degree?! Hindi ba pwedeng mag-move on na lang kami from my being late tapos umpisahan na namin yong paper namin? Sayang ang oras!

Alyssa: Three hours lang naman talaga yong training namin. Kaya lang nag-extend kami nung isa kong teammate para maka-practice ako ng service ko tapos siya naman yong reception.

Kiefer: Training. Tsss...

Alyssa: Oo nga. Bakit parang hindi ka naniniwala?

Hindi ako sinagot ni Kiefer.

Alyssa: Hindi kita pipilitin kung ayaw mong maniwala. (after a few seconds) Let’s start our paper?

Kiefer: Mabuti pa nga.

We started doing our paper but we’ve only been at it for 30 minutes nung biglang may umupo sa tabi ko.

Ella: Aly! (tingin kay Kiefer) Hi Kiefer!

Kiefer: Hi.

Alyssa: O Ella, anong ginagawa mo dito?

Ella: Sobrang pagmamadali mo kasi naiwan mo tong phone mo sa shower room kanina.

Nilapag ni Ella sa harap ko yong phone ko.

Alyssa: Oo nga noh. Hindi ko man lang napansin na wala yong phone ko sa bag ko. Salamat sa pagdala ha.

Ella: Walang anuman.

Alyssa: Asan pala si Denden? Bakit hindi mo siya kasama?

Ella: Andun sa dorm, plakda. Next time daw mag-practice ka ng service mo mag-isa. Ewan ko ba naman kasi sa inyong dalawa. Nag-training na nga tayo ng tatlong oras tapos nag additional pa kayo ng two hours.

Alyssa: Ang dami ko kasing service errors sa scrimmage kanina. Ayoko naman na bukas ganun ulit.

Ella: Masyado ka lang perfectionist. Sige na, iwan ko na kayo diyan sa ginagawa niyo.

Alyssa: Bye Ella. See you later!

Ella: Bye Aly! Bye Kiefer!

Kiefer: Bye Ella.

Pag-alis ni Ella, binalikan ko yong ginagawa kong notes para sa paper namin. Mga ilang minuto na kong nagsusulat nung napansin ko na parang hindi mapakali si Kiefer. Ano na naman kayang problema ng lalaking to?!

Kiefer: Uhmmm...Aly?

Alyssa: Yes?

Kiefer: Sorry hindi ako naniwala na sa training ka galing kanina.

Tumingin ako saglit kay Kiefer.

Alyssa: Okay lang yon.

Kiefer: Wala kasi sa hitsura mo yong galing ng training eh.

Tumigil ako sandali sa pagsusulat tapos tumingin ako kay Kiefer na nakataas yong isang kilay.

Alyssa: Alam mo naman sigurong uso mag-shower pagkatapos ng training?

Kiefer: Hindi yong pag-shower ang tinutukoy ko. I just meant na hindi ka mukhang pagod.

Alyssa: Ah, okay.

Babalik na sana ako sa ginagawa ko pero nagsalita ulit si Kiefer.

Kiefer: Bakit nga ba parang okay ka pa rin samantalang sabi ni Ella yong teammate niyo plakda na sa dorm?

Alyssa: Mas pagod talaga siya kasi hinahabol niya yong mga sine-serve ko, tsaka sanay ako sa mahabang training.

Kiefer: Gaano ba kayo katagal mag-training sa UST? Buong araw?

Alyssa: Sobra ka. Three hours lang, once a day.

Kiefer: O, eh bakit ka sanay sa mahabang training?

Alyssa: Diba sabi ko sa yo hindi ko sineryoso yong volleyball nung una?

Pagtingin ko kay Kiefer, medyo nailang ako ng konti kasi titig na titig siya sa kin. Hindi ako sanay na ganito siya ka-attentive sa mga sinasabi ko. Dati kasi kahit anong sabihin ko, pasok sa isang taenga niya tapos labas sa kabila.

Alyssa: K-kaya nung finally nagseryoso ako, feeling ko ang laki ng kelangan kong habulin in terms of skills. So lagi akong nage-extra training. After nung three hours namin, naga-additional ako ng mga two hours, longer pag weekends.

Kiefer: Ang dedicated mo pala.

Alyssa: Hindi naman. I just wanted to be good in volleyball kasi I fell in love with the sport.

Kiefer: But still. Not all athletes have the same desire to improve. Yong iba kasi umaasa na lang sa inborn talent nila, they don’t realize that their talent can only bring them so far kung hindi nila sasabayan ng hard work.

All Fired Up (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon