Chapter 5

7.5K 116 14
                                    

Kiefer’s POV

Nico: Ikaw Kiefer ha, hindi mo sinasabi kaibigan mo pala si Baldo.

Kiefer: Nung napag-usapan natin si Baldo hindi ko naman alam na siya yong kababata kong si Aly.

Emman: Tapos si Von lang ang pinakilala mo sa kanya.

Kiefer: Hindi namin kasalanan ni Von na nung dumating kayo ng Blue Eagle Gym nakaalis na sila. Next time kasi agahan niyo.

Nico: Anong gusto mong gawin namin, mag-cut?

Sasagot palang sana ako kay Nico nung biglang may magsalita sa likuran ko.

Justin: Mukhang masinsinan ang usapan niyo dito ah.

Paglingon ko, si Justin, kasama si Juami at si Von.

Emman: Eto kasing si Kiefer ayaw ipakilala sa min si Alyssa Valdez.

Kiefer: Oy, wala akong sinabi na ayaw ko kayong ipakilala.

Juami: Sinong Alyssa Valdez?

Nico: Remember Baldo? Siya si Alyssa Valdez at magkaibigan sila ni Kiefer.

Von: Hanggang ngayon nagrereklamo pa rin kayo na hindi niyo na-meet si Aly?

Emman: Aly talaga? Hindi ka naman masyadong feeling close niyan?

Von: Hahaha...hindi ako feeling close. Siya ang nagsabi sa kin na yon ang itawag ko sa kanya.

Justin: Kief, kaibigan mo si Alyssa?

Kiefer: Oo, childhood friends. Bakit, magkakilala kayo?

Justin: Last week lang. Pinakilala kami ni Gretchen Ho, yong teammate niya.

Juami: May mga class pa ba kayo?

Everyone except Juami: Wala na.

Juami: Dinner tayo, pero wag na along Katipunan. Let’s go somewhere else.

Von: Gusto niyo Eastwood?

Everyone except Von: Game!

Justin: Tara?

*phone ringing*

Kiefer: Wait, sagutin ko lang tong tawag.

I took my phone from my pocket tapos lumayo ako sa mga teammates ko ng konti.

Kiefer: Hello?

Ella: Hi Kiefer. Si Ella to, yong classmate mo sa Chem.

Kiefer: O, Ella. Napatawag ka? Can I help you with anything?

Ella: Uhmmm...nasa Ateneo ka pa ba?

Kiefer: Oo, nandito ako sa Moro. Bakit?

Ella: Diba magkapit-bahay kayo ni Aly?

Kiefer: We are. May ipapabigay ka ba?

Ella: Ah, wala naman. Pero pwede ka bang pumunta dito sa Blue Eagle Gym?

Kiefer: Ngayon na?

Ella: Sana. Unless may ginagawa ka.

Kiefer: No, it’s okay. Sige punta na ako diyan ngayon.

Ella: Thanks Kiefer.

Kiefer: Wala yon. See you in a few minutes. Bye!

Pagkatapos kong kausapin si Ella, bumalik ako sa teammates ko to tell them na hindi ako sasabay sa kanila papuntang Eastwood.

Kiefer: Mga Paps, sunod na lang ako sa inyo sa Eastwood. May dadaanan lang ako sa Blue Eagle Gym.

Nico: Okay. Text ka na lang namin kung saan sa Eastwood magmi-meet.

Nauna na kong lumabas ng Moro and instead of walking, nag-drive ako papuntang Blue Eagle Gym para dire-diretso na ko sa Eastwood after. Nagpark ako sa gilid ng Gym tapos pumasok ako sa loob para hanapin si Ella.

Mukhang nasa kalagitnaan ng training yong Lady Eagles pero nakakapagtaka na parang wala si Aly sa court. Shouldn’t she be training with the rest of her teammates? Hmmm...baka naman nasa banyo lang.

Nakita ko si Ella na nakapila dun sa may likod ng service line. Lumapit ako ng konti tapos tinawag ko siya.

Kiefer: Ella!

Ella: Uy Kiefer, thank you talaga ha.

Kiefer: Okay lang. Ano bang meron? Bakit mo ko pinapunta dito?

Ella: Halika.

Sumunod ako kay Ella na naglakad papunta sa may bleachers. Nagulat ako nung nakita ko dun si Aly na nakahiga at natutulog.

Kiefer: Anong nangyari kay Aly?

Ella: Nagpumilit mag-training kahit masama ang pakiramdam. Ayan, lumala yong lagnat. Tigas kasi ng ulo eh.

Umupo ako sa may ulunan ni Aly at sinalat ko yong noo niya. Mataas nga yong lagnat. Ano ba naman kasing naisip nito at nag-training ng may sakit.

Ella: Kiefer, baka pwedeng ihatid mo na si Aly sa bahay nila para makapahinga na siya ng maayos?

Kiefer: Oo naman, walang problema.

Kinuha ko yong mga gamit ni Aly at isa-isa kong nilagay sa balikat ko tapos tumayo ako para kargahin siya.

Ella: Iwan mo na lang yong gamit ni Aly. Ako ng magdadala niyan para hindi ka na masyadong mahirapan.

Kiefer: Ay, sige thank you.

Inabot ko kay Ella yong mga gamit na dala ko pero bago ko pa nabuhat si Aly, dumating yong Coach nila.

Coach Roger: Saan niyo dadalhin si Baldo?

Ella: Coach, ihahatid na ni Kiefer si Aly sa bahay nila.

Coach Roger: Ikaw yong rookie ng Men’s Basketball team diba?

Kiefer: Opo. Kiefer Ravena po Coach.

Coach Roger: Roger Gorayeb. Pero tawagin mo na lang akong Coach Roger.

Nag-shake hands kami ni Coach. Mabait naman pala siya, nung unang kita ko sa kanya akala ko masungit.

Coach Roger: Alam mo ba kung saan ihahatid si Baldo?

Kiefer: Opo Coach.

Coach Roger: Teka, magkaano-ano kayo ni Baldo? Boyfriend ka ba niya?

Kiefer: Po? H-hindi po.

Coach Roger: Eh bakit alam mo kung saan siya nakatira?

Kiefer: Magkapit-bahay po kasi kami tsaka magkaibigan po yong parents namin.

Coach Roger: Ah, okay. Sige iuwi mo na yang si Baldo at baka lalo pang tumaas ang lagnat niyan. (tumingin kay Ella) Ella, isunod mo kay Kiefer yong mga gamit ni Baldo tapos bumalik ka sa training.

Ella: Opo Coach.

Pagkaalis ni Coach, kinarga ko si Aly palabas ng Blue Eagle Gym habang nakasunod si Ella sa min dala yong mga gamit niya. Pagkahiga ko kay Aly sa backseat ng kotse ko, ikinumot ko sa kanya yong mga jacket ko na nakalagay sa trunk. Pagkatapos kong iayos si Aly, kinuha ko yong mga dala ni Ella at nilagay ko sa loob ng kotse.

After thanking me again, pumasok na si Ella sa loob ng Gym at nag-drive naman ako pauwi.

*toot toot*

From Nico Salva:
Paps, nandito kami sa Pho Hoa. Text mo ko kung anong gusto mo para ma-order ko na.

To Nico Salva:
Salamat Paps, pero hindi na ko makakasunod sa inyo. Sensya na, nagka-emergency eh. Kita na lang tayo bukas sa practice.

Wala naman masyadong traffic kaya the drive from Ateneo to our village didn’t take long. At buti na lang din naging mabilis yong biyahe namin kasi alam kong hindi kumportable yong pagkakahiga ni Aly sa kotse ko. I parked in front of Aly’s house tapos bumaba ako para mag-doorbell.

*ding dong*

Lita: O, Kief. Anong ginagawa mo dito? May kelangan ka ba?

Kiefer: Wala po Tita, hinatid ko lang po si Aly kasi masama yong pakiramdam niya.

Lita: Ganun ba? Naku Hijo, ako palang tsaka si Manang ang nandito sa bahay. Baka pwedeng ikaw na ang mag-akyat kay Aly sa kwarto niya?

Kiefer: Sige po Tita, wala pong problema.

Tinawag ni Tita Lita si Manang tapos inabot ko sa kanya yong mga gamit ni Aly. Pagkatapos nun binuhat ko si Aly paakyat sa kwarto niya, at habang inaayos ko yong pagkahiga niya sa kama, umalis sandali si Tita kasi nag-ring yong landline nila.

Palabas na ako sa kwarto ni Aly nung mapansin ko yong mga naka-display na trophies at medals. Hindi ko naman ugali mag-usisa pero na-curious ako kung saan nakuha ni Aly yong mga yon. And I was pleasantly surprised when I saw that almost all them were volleyball-related.

I was still looking through the display nung bumukas yong pinto ng kwarto ni Aly at pumasok si Tita.

Lita: Ang dami na noh? Ayaw na nga sana ni Aly i-display yan eh. Kaya lang sabi ng Ninong mo, sayang naman daw kung itatambak lang sa attic.

Kiefer: Puro po pala galing volleyball tong mga trophies and medals ni Aly.

Lita: Ah oo. Nakakatuwa nga yong naging improvement ng batang yan kasi in less than two years nagawa niyang dalhin yong sarili niya from the last six to MVP.

Kiefer: Matagal na po ba siyang nagva-volleyball?

Lita: Naglalaro na yan nung grade school, pero sa PE lang. Tapos nung high school, halos kaladkarin yan nung bestfriend niyang si Kim para mag-try out, eh dahil matangkad at mataas tumalon, natanggap naman siya sa team. Kaya lang wala talaga sa loob niya yong pagva-volleyball. Muntik na nga siyang matanggal nun kasi madalas siyang hindi mag-attend ng training.

Kiefer: Ano pong nangyari?

Lita: One day ginulat niya yong mga Coach niya kasi naging pursigido siya biglang matuto. Lahat ng training na pwede niyang gawin ginawa niya para lang ma-improve niya yong skills niya. Ayan, pagka-graduate niya ng high school meron siyang tatlong UAAP championships at dalawang season MVP awards.

Kiefer: Bakit po siya biglang nagka-interes sa volleyball?

Lita: Hindi ko alam. Tinanong na namin yan sa kanya ng Ninong mo pero nginitian lang kami.


******


Pagpasok ko ng Chem Laboratory nagulat ako nung nakita ko si Aly na nakaupo sa assigned station namin. Wala kasi siya sa Chem Lecture namin kaninang umaga kaya akala ko may sakit pa siya.

Kiefer: O, bakit pumasok ka na? Okay ka na ba?

Alyssa: Medyo nanghihina pa, pero kelangan ko pasukan tong lab natin eh. Two cuts allowed lang tayo buong sem diba?

Kiefer: Baka naman mag-attend ka pa ng training niyo niyan mamaya?

Alyssa: Kahit gustuhin ko, hindi na ko makakalusot kay Coach. Baka pumapasok palang ako ng Blue Eagle Gym, binabato na ko ng bola nun para umuwi.

Naputol yong pag-uusap namin ni Aly kasi dumating na yong Lab Instructor namin. She spent the first couple of minutes explaining today’s experiment and when everyone settled down to begin working, naalala ko na hindi ko pa pala nabibigay kay Aly yong notes na pina-photocopy ko kanina.

Kinuha ko yong notes sa bag ko at inabot ko kay Aly.

Alyssa: Ano to?

Kiefer: Photocopy ng notes ko sa Chem Lecture natin kanina.

Alyssa: Thank you. Sana hindi ka na nag-abala, pwede naman ako kumopya ng notes kay Ella.

Kiefer: May pina-photocopy din kasi ako kaya isinabay ko na yan.

Bumalik ako sa pagbabasa nung Lab Manual namin para masigurado na tama yong intindi ko dun sa procedure nung experiment.

Alyssa: Uhmmm...Kiefer?

Tumingin ako kay Aly.

Alyssa: Salamat pala sa paghatid sa kin kahapon.

Kiefer: Wala yon.

Alyssa: Tsaka salamat din kasi hindi mo sinabi kay Mama na nag-training ako kahit masama na yong pakiramdam ko.

Kiefer: Madalas mo ba gawin yon?

Alyssa: Gawin ang alin?

Kiefer: Yong mag-training kahit may sakit.

Alyssa: Medyo.

Kiefer: Bakit? I mean, I’d understand kung pipilitin mo yong katawan mo kasi may game. Pero training lang yong meron kayo kahapon, I’m sure maiintidihan naman ni Coach Roger kung hindi ka maka-attend.

Alyssa: Nakasanayan ko na kasi na mag-training through anything – personal problems, sakit, injury. Alam mo yon, parang naka-program na yong volleyball sa sistema ko na my feet would automatically bring me to the Gym for training.

Tumigil na rin kami sa pag-uusap ni Aly para mag-concentrate sa paggawa nung experiment. After completing everything, we wrote down our observations for the lab report that we have to submit in the next meeting.

*bell ringing*

Kiefer: Paano ka pala uuwi? Gusto mong sumabay sa kin?

Alyssa: Hindi pa ko uuwi. Pupunta pa kong Blue Eagle Gym.

Kiefer: Akala ko ba hindi ka magpa-practice?

Alyssa: Hindi nga. Uupo lang ako sa bleachers tapos papanoorin ko sila.

Kiefer: Do you want me to wait for you?

Alyssa: Wag na. Susunduin naman ako ni Kuya Paolo mamaya.

Kiefer: Okay. Bye Aly!

Alyssa: Bye. Thanks ulit sa notes.

All Fired Up (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon