Chapter 24.5: 𝗩𝗮𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻

ابدأ من البداية
                                    

"Opo papa!"

"Anak." malambing na tawag sa'kin ni papa, kaya muli na namang tumulo ang luha ko. Agad ko syang niyakap ng mahigpit na mahigpit na parang matagal na matagal ko syang hindi nakita. Humagulgol ako ng iyak habang yakap-yakap sya.

"Papa, matagal ko nang gusto na mayakap ka muli. Kelan ba kita muling nayakap? Miss na miss na kita."

Niyakap nya din ako pabalik na parang ganon din nya ako kamiss. Bakit ganon mas naiintindihan ako ni papa? kumpara kay mama, na wala nang ginawa kundi ipamuka sa'kin na hindi ako importante, na hindi ako kabilang sa bahay na ito at wala akong kwentang anak.

"Anak, miss na miss kana ni papa. Mabuti naman at naisipan mo akong dalawin. Kamusta kana? anong problema? ayos kalang ba anak?"

Hindi ko naman sina-sabi sa kanya na ambigat ng pakiramdam ko pero bakit parang naiintindihan nya na agad ako.

"Anak, naiintindihan kita kasi anak kita, malaman mo man ang totoo huwag mong kakalimutan na MAHAL NA MAHAL KA NI PAPA!" 

"Ano po bang sinasabi nyo papa? hindi ko po kayo maintindihan." ngumiti naman si papa at hinimas ang ulo na parang masyado pa akong bata sa paningin nya.

"Anak sa ngayon hindi mo maiintindihan, sinabi ko lang yon para kapag biglang nalaman mo. Mauunawaan mo ako, basta tandaan mo yung sinabi ko sayo anak."

Napatango nalang ako, tama si papa wala pa akong maiintindihan, pero ano nga bang dapat kong intindihin?

*******************

"Anak, hindi ka ba kakain? handa na ang hapunan natin?"

"Kayo nalang po muna hindi po ako nagugutom papa!"

"Sigurado ka ba anak!? baka may gusto kang kainin dyan?"

"Papa hindi naman po ako naglilihi kaso ngalang po hindi ako nagugutom!"

"Sige, anak ako'y paparini (pupunta) na muna dito at kakain."

Tumango naman ako na para bang nakikita nya ako. HAHAHA tanga den eh

Hihiga na sana ako nang may marinig akong sunod-sunod na katok.

Tsk, ano na naman bang kailangan ni papa!?

"Pap- Jake!? anong gina-gawa mo dito?  bakit lasing na lasing ka? nag-inom ka?" tsk, malamang Jade malamang nag-inom sya lasing nga diba? lasing! ang tanga tanga mo talaga!

Agad ko namang inalalayan si Jake at pinahiga ko sya sa kama ko.

"Jake hoy! si papa ba ang umaya sayong nag-inom! sinabi ko na naman sayo diba! magka-iba yong alak dito tyaka alak sa mga bar na iniinom mo!"

Tiningnan ko naman sya at napansin na tulog na pala ito. Tsk, siguradong akong Gin or 'di kaya lambanog ang pinainom dito ni papa kaya lasing na lasing.

I'm In Love With My Boss حيث تعيش القصص. اكتشف الآن