"Gago! Tama na yan!" Sigaw ng isang lalaki. Dinala nila ako at iniwan nilang nakahandusay ang lalaking binigyan ko ng sandamakmak na suntok. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga lalaking tingin ko ay mas matanda lang sa akin ng kaunti.

Pumasok kami sa madilim na iskinita at maya maya pay sa isang maliit na kwarto. Bumukas ang isang malabong bumbilya ng ilaw. at nakita kong may nakaupong lalaki na tingin ko ay di din kami nagkakalayo ng edad.

"Boss. Nakita namen syang inuupakan si Bogs! Nandun bugbog sarado!" sabi nung isang humila sa akin.

"Magaling ka bata." Tinapik naman ako sa balikat nung isa. Saka lumapit yung tinawag nilang boss. Nun ko lang naaninag ang mukha nya. Hindi naman sya mukhang adik. Tingin ko nga ay mas matanda lang ito sa aking isang taon pero may hawak na syang sigarilyo. Hinithit nya ito at ibinuga sa aking mukha.

"Pangalan?"

"Bakit ko sasabihin sa inyo?!" Asik ko sa kanya. yumuko sya at kinuwelyuhan nya ako.

"Binugbog mo si Bogs? Ibig sabihin kalaban ka nya. Kung kalaban ka nya dapat kakampi kita. Pero mukhang kinakalaban mo din ako ah." Tumayo sya. at pinunasan kunyari ang damit ko sa balikat. Inayos ang kwelyo ng polo ko.

"Pero hindi kita kakalabanin. Gusto mo tulungan pa kita eh. Gusto kita. Kung magiging mabait ka sa grupong ito. Pprotektahan kita." Saka humithit ulit ng sigarilyo.

"Kung hindi mo alam. Magpapakilala kami sayo." Sabi naman nung isa.

"Ako si Gido." pagpapakilala nung isang batang lalaking humila sa akin.

"At yun si Brad."turo nya dun sa isa pang lalaki na humila sa akin.

"At sya. Ang boss naten. Si Marlon." Turo nya sa lalaking humihithit ng sigarilyo.

"Naririto ka sa teritoryo ng Bargasin. Dito kung kaaway ka, hindi ka na makakalabas ng buhay." Pananakot ni Gido.

"Psh." Yun lang ang naisagot ko. Kahit kelan hindi ko pinangarap na maging myembro ng isang gang. O ang maging batang lansangan.

Tumayo na ako. Pero pinigilan ako ni Gibo at Brad.

"Saan ka pupunta?" Tanung nila. Nakita kong sumenyas si Marlon.

"Hayaan nyu na muna sya. Alam kong babalik din sya sa atin." sabi pa nya bago ako binitiwan at saka lumabas.

Pero hindi ko akalain na sa paglabas ko ng eskinitang yun ay bigla na lang may sumunggab sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. May isang lalaking sumusuntok sa tyan ko.

"PUTA! PATAYIN NYU AN HAYUP NA YAN!" sigaw ng isang lalaki. Tiningnan ko sya at nakita kong sya yung lalaking binugbog ko kanina.

"MUNTIK NA AKONG MAPATAY NG HAYUP NA YAN! TULUYAN NYU NA! PUTANG INA!"

Buong katawan ko ay sumasakit. May humahampas ng dos por dos sa likod ko samantalang may ilan na sumisipa sa tyan ko. Nanlalabo na ang mga mata ko. Dahil sa agos ng dugo na nanggagaling sa pumutok kong kilay. Wala na akong lakas para lumaban. Nanghihina na ang mga tuhod ko. Hanggang sa marinig ko ang pagsalakay ng ibang mga lalaki sa mga nanggugulpi sa akin. Nag karambulan sa may gitna ng kalsada. Panuntukan dito. Nabitiwan ako ng lalaki at bumagsak ako sa kalsada. pero may sumisipa pa rin sa akin.

"TANG INA! BARGASIN!" sigaw nung isang sumisipa sa akin.

"ATRAS MGA KUPAL!" sigaw pa nung isa na bumugbog din sa akin. Bago ako tuluyang nawalan ng malay narinig ko ang boses ni Marlon.

"Dalhin na yan!"...

PRESENT TIME...

Pinunasan ni Faye ang mga luha nya.

"Kaya ba wala akong maalala, dahil naaksidente ako?" Hikbi nya. Tumigil na sya sa pag iyak at alam kong nahihirapan na syang huminga. Namamaga na din ang mga mata nya. Pulang pula na ang ilong nya.

"S-sorry. s-sorry Art, kung sa tingin mo ay iniwan kita." She said between her sob.

"S-sorry kung wala kang kakampi." There. Umiyak na ako. Matagal kong inasam na sana ay may makakampi ako. Na sana ay may tumanggap sa akin. Na sana ay may mag mahal sa akin. Nagpapasalamat ako kay Marlon. Kung hindi dahil sa kanya. Hindi ako mabubuhay ngayon. Hindi ko makakamit ang paghihiganting inaasam ko.

MEANWHILE...

ATHOS' POV

Tangina. Kanina ko pa tinatawagan si tracie pero hindi nya sinasagot. Anu bang problema nya?! Kasama ako nina Hepe para sugudin ang hayup na Art na yun! Tangina nya! Makita kita ko lamang sya humanda sya sa akin!

Tinawagan ko ulit si Tracie pero wala pa din. This time tumawag ako kay Tita Maya.

"Hello Tita Maya?"

(H-Hello Athos! Salamat sa dyos tumawag ka din! Si Tracie...)

kinabahan ako ng matindi.

"Anu pong nangyari kay Tracie."

(Isinama sya n boyfriend nya. Si Marlon.)

Dapat ba akong mangamba? boyfriend nya naman yun.

(Sapilitan syang isinama. Tinutukan sya ng baril ni Marlon. May baril si Marlon!)

TANGINA! dinaga ang dibdib ko. HAYUP! Hindi ko alam kung sinu ang kalaban ko sa kanilang dalawa. Pero TANGINA TALAGA! mapapatay ko sila sa oras na may mangyari kay Faye at kay Tracie.

Agad kong sinabi yun kay Hepe.

Sinubukan kog kontakin si Marlon pero hindi ko sya makontak.

Malapit na daw kami sa kuta ni Art. Nang may biglang tumawag sa akin. Unknown Number.

"Hello?"

(Athos Athos Athos.. I told you. sabi ko saktan mo lan si Faye. Sinunod mo naman ako sa part na yun pero hindi mo sya nilayuan.)

I clenched my fist and with gritted teeth I said." hayup ka Marlon! pinagkatiwalaan kita! I trusted you with my sister! Hindi ko alam nag aalaga pala ako ng ahas!"

(tsk tsk tak. Easy Athos. hindi ko naman sasaktan ang kapatid mo eh. Lalaspagin ko lang! ha ha ha ha.) tumawa sya ng nakakaloko.

(sabagay pokpok naman to. bakit ko ba to pag aaksayahan ng panahon.) He tsk.

"TANGNAMU! GAGO KA!MAPAPATAY KITANG HAYUP KA!"

(ow! see you in hell kung ganun) Pagkatapos ay ibinaba na nya ang telepono. I tried to call him pero mukhang pinatay na nya ang telepono.

PUCHA! TULUNGAN AKO NG DIYOS PERO MAKAKAPATAY TALAGA AKO NG TAO.

.

.

.

.

.

>>soon.

A/N: Yey! salamat sa walang sawang pagsuporta. Pag vote, pag comment at pag fan. Sa bestfriend kong Bipolar na dito pa talaga nag cocomment. haha. Ayus ba? gawa ka na din ng stories mo. Isulat mo dito ang love story ni Nataniel at Ni Natalia. :))) Or isulat ko kaya love story mo bet? ha ha. Labyu! 😚

Sorry sa typo mga kapatid mahirap talagang magtype sa cellphone. ha ha. Vote and comment :))

BABY under CONSTRUCTION [editing on going]Where stories live. Discover now