Chapter 32

33.7K 509 30
                                    

ART'S POV.

Shit! bumabalik na naman ang lahat ng sakit.

"Alam mo ba kung gano kahirap para sa akin ang lahat?! Kinuhang lahat ni Aram sa akin. Sya! naging maganda ang buhay nya. Samantalang kami ni Mama nag hirap kami! iniwan kami ng lahat! pati ikaw!" Dinuro ko si Faye na kasalukuyan pa rin umiiyak. Hilam ng luha ang mga mata nya. I hate seeing her cry.

umupo ako sa may sofa. At tumungo.

"After nung aksidente hindi ko alam an gagawin ko. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong nanalangin sa diyos na sana pinatay na lang nya kami."

FLASHBACK...

"Dok. Tulungan nyu po ang Mama ko." Pagmamaka awa ko sa doctor. Nag aagaw buhay ang mama ko at wala akog magawa. Halos tatlong araw din akong walang malay at hindi ko alam na comatose si Mama.

"Hijo..."

"Mike po. Mike po ang pangalan ko dok." Hinawakan ko ang kamay ng doctor at lumuhod sa harap nya.

"Parang awa nyu na dok. Tulungan nyu pong mabuhay si Mama." Nagsimula akog umiyak sa harap nya. wala akong pakialam kung pagtinginan ako. Gagawin ko ang lahat para kay Mama. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pambayad sa ospital na to pero hahanap ako ng paraan. Nawala ng lahat saken pero wag naman pati si Mama.

"Hindi ko maipapanako hijo pero gagawin ko ang makakaya ko." Yun lang at umalis na sya.

Sinilip ko si Mama sa may labas ng ICU. madaming tubo ang naka saksak sa kanya. puro pasa ang mukha nya. Nakakaawa sya. Hindi ko maiwasang mapaluha. Bakit nang yayari ang lahat ng ito sa amin ni Mama. Naging masama ba kami? Dahil ba hindi sinabi ni Mam na ampon si Aram kaya sya pinarurusahan ng ganito?

I walk towards the main hospital lobby. Umupo ako dun at yumuko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bumalik ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Kailangan kong humanap ng pera. Kahit di ko alam kung san ako kukuha.

Gabi na pero lumabas pa rin ako ng ospital. Nagkalat sa tabi ng kalsada ang mga adik. may ibang batang humihithit ng rugby. Yung iba natutulog. Ganito din ba an mangyayari sa amin ni Mama? Naupo ako sa isang sulok. Hanggang may nag abot sa aking ale ng pagkain. Jollibee. Parang kailan lang. Masaya pa kaming kumakain sa jollibee. Kasama si Aram at si Papa. I clenched my fist. Kung hindi dahil kay Aram baka hindi kami iniwan ni Papa. At kung hindi dahil sa kanya hindi magkakaganito si Mama. Sinira nya ang pamilya namen!

"Hoy Bata! teritoryo ko to! anung ginagawa mo dito ha?!" Asik ng isang batang lalaking mas matangkad sa akin. May pag ka adik na yung itsura nya. Kahit gabi na, kita ko pa rin na Maitim ang palibot ng mga mata nya. At may hawak pa syang isang plastic na may rugby.

"Akin na yan!" Inagaw nya sa akin ang plastic na may jollibee pero hindi ko ito binitiwan.

"Bibitawan mo o sasamain ka sa akin?" Naka handa na ang mga kamay nyang manuntok anu mang oras. Sa liit kong to at sa laki nyang yun wala akong kalaban laban pero hindi ako sumuko. Kinuha ko ang plastic at saka tiningala sya at tiningnan ng masama. Sa isang iglap ay lumapat sa akin ang kamao nya. Naramdaman ko agad ang pagputok ng labi ko.

Shit! Nahihilo akong bumagsak sa semento. Tiningnan ko sya ng masama. At saka inipon ang lahat ng aking lakas para bigyan sya ng isang malakas na suntok. Tumama yun sa mukha nya. Napahiga din sya sa semento. Inunahan ko sya at bigyan sya ng maraming suntok. Siguro dahil bangenge pa sa rugby kaya hindi sya makabangon at makalaban ng ayos pero kung tutuusin ay talong talo nya ako.

Nararamdaman ko ang pag sakit ng mga sugat ko sa katawan na dala ng aksidente namen ni Mama pero hindi pa rin ako tumigil. Maya mayay may humawak ng dalawa kong kamay at itinayo ako.

BABY under CONSTRUCTION [editing on going]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt