Si Sharmaine ay biglang natigilan.

"Ay, 'wag na pala. May asawa na 'yong pinsan ko. Joke ko lang 'yon." Nakangiwing sagot nito kay Jastin.

Gusto ko tuloy itong pagtawanan.

Napatingin ako kay Jastin at madilim na ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Problema ng lalaking 'to?

Tumikhim ako at nag-iwas na lang ng tingin.

Ilang sandali lang ay medyo nagkagulo dahil sa biglang pagdating ni Arianne, ang kapatid ni Ethan. At syempre, si Prince ang puntirya nito. Habol ba naman ito ng habol kay Prince.

'Pareho lang naman kayo, Krystal. Naghahabol ka din. Naghahabol ka ng pagmamahal mula sa lalaking wala ka namang halaga.'

Kinakastigo ko ang sarili.

Naikagat ko na lang ang ibabang labi ko at kapagkuwan ay tumayo ako para pumunta ng comfort room. Hindi na ako nagpaalam sa mga kasama ko dahil abala na ang mga ito, lalo na si Prince na nakikipagtalo sa makulit na kapatid ni Ethan. At si Renz at Amber naman ay parang hindi namamalayang nagiging sweet sa harapan namin. Halatang inlove sa isa't-isa ang mga ito.

Nang makalabas ako mula sa comfort room ay natigilan ako nang may makasalubong habang pabalik ako sa mesa namin.

Maging ito ay natigilan din at kaagad akong nginitian.

"Hey. Still remember me?" He asked and his smile widen.

"Oo naman. Adrian, right?" Nakangiting tanong ko.

Ito ang lalaking nakilala ko noong araw ng birthday ko. Noong nag celebrate akong mag-isa.

"Nice to meet you again." Magiliw na usal nito.

Napansin ko ang pagtitig nito sa akin. Kinuotan ko naman ito ng noo.

"May dumi ba ako sa mukha?" Nakangiting tanong ko.

Ngumiti lang ito at umiling.

"Katulad ng unang beses na nakita kita, malungkot pa rin ang mga mata mo." Mahinang usal nito.

Kaagad namang nawala ang ngiti sa mga labi ko.

"Napapaisip tuloy ako kung ano ang dahilan ng kalungkutang 'yan. Or I should say, sino." Anito at namulsa.

"Masyado kang maintriga." Pabirong usal ko.

Mahina lang itong natawa at kapagkuwan ay hinugot nito ang cellphone mula sa bulsa nito.

Inilahad nito iyon sa akin at kunot noo ko naman itong tinignan.

"Give me your phone number." Anito.

Imbes na mainis ako sa tinuran nito ay napailing na lang ako at kinuha ang cellphone nito. Nang ibalik ko iyon ay nandoon na ang number ko.

"Thanks. Pinapangako kong magiging mabote akong kaibigan." Anito at sinubukang tawagan ang numero ko.

Muli akong napailing nang tumunog ang cellphone ko. Kaagad din nito iyong pinatay at matamis akong nginitian.

He seems nice since the very first time that I've met him. Kaya siguro ganoon na lang ang pagpayag ko na ibigay ang numero ko dito.

"Really? Mabote?" Hindi ko mapigilang matawa.

Tumango ito.

"Kapag may problema ka, I'm just one call away. Idaan natin sa maboteng usapan. Don't worry, I'm single kaya walang magagalit." He grinned at me and he looks so cute.

"I'll think about it." Natatawang sambit ko.

Natawa din ito sa sinabi ko.

Nasa ganoong eksena kami nang mahagip ng mga mata ko si Jastin. Kaagad itong tumalikod nang magtama ang mga mata naming dalawa.

"Ahm, I think I should go. Nice to meet you again. See you around." Nagmamadaling paalam ko.

"I'll call you!" Pahabol nito nang makalayo na ako.

Dire-diretso akong naglakad at hinabol si Jastin. I have to explain it to him. Baka kung ano ang isipin niya.

Nilampasan ko ang mga kasama namin na nagtatakang tumingin sa akin. Naabutan ko si Jastin sa parking lot.

Hinawakan ko ito sa kamay nang akmang bubuksan nito ang pinto ng kotse nito.

"Jastin." Usal ko sa pangalan nito.

Tumingin ito sa akin at kinuotan ako ng noo.

"What do you want?" Malamig na tanong nito.

"Ahm, a-about what you saw it was just nothing. Baka kung ano ang isipin mo at-"

Nabigla ako nang tinabig nito ang kamay ko.

Sinuyod ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Tinging nang-iinsulto. At nang magtama ang mga mata namin ay ngumisi ito.

"Krystal, you don't have to explain. Hindi mo ako boyfriend para magpaliwanag ka at wala akong pakialam. Kahit sinong lalaki pa ang landiin mo, wala akong pakialam. So please, back off. Hindi ka importante sa buhay ko. Tandaan mo 'yan. Maglandi ka hangga't gusto mo because I really don't care." Mariing usal nito at tuluyang binuksan ang pinto ng kotse nito.

Namalayan ko na lang ang sarili na nakatulala habang pinapanood ang paglayo ng kotse nito mula sa akin.

At muli, sinaksak na naman nito ang puso ko. Paulit-ulit na sinasaksak ng lalaking tinitibok nito. At kahit paulit-ulit na nasusugatan ay tumitibok pa rin iyon sa nag-iisang lalaki lang. Tanging siya lang.

Nakakatawa lang isipin na kung sino pa ang taong tinitibok ng puso mo ay siya ring magdudulot ng sugat sa'yo.

Namalayan ko ang sariling lumuluha. Napakasakit ng dibdib ko na tila ba sasabog iyon sa sobrang sakit.

At sa nanlalabong paningin ko ay nakita ko ang paglahad ng panyo sa akin ng kung sino.

Nang tumingin ako sa may-ari niyon ay sumalubong sa akin ang nakangiting si Adrian.

Kinuha ko ang panyo mula dito.

"I'm free today." Napatingin ako dito.

Namulsa ito at muling ngumiti. Tumingala ito sa langit at kapagkuwan ay muling tumingin sa akin.

"Ano? Maboteng usapan na ba?" Tanong nito.

Nang ma-realized ang ibig nitong sabihin ay dahan-dahan akong tumango.

"C-Can you help me ease the pain for a while?" Mahinang tanong ko.

Tumango ito.

"I can help you ease the pain forever if you just let me." Makahulugang usal nito.

Hindi ko iyon pinansin. Masyadong okupado ang isip ko dahil kay Jastin.

"Gago ka pero bakit mahal pa din kita?" Nasasaktang tanong ko sa sarili.

Hanggang kailan nga ba ako magiging ganito? Nasasaktan ang puso ko pero ayaw niyong sumuko.

To be continued...

A/N: Isa lang ang masasabi ko, Jastin. Isa kang malaking gago.🙄🤣

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now