Kathryn

Napahugot sya ng malalim na hininga. Alam nyang sooner or later ay mangyayari ito. Nag-give up na si Kathryn. Siguro may something na nangyari. Sabi nga nila, you don't always get what you want.

Binuksan nya ang drawer ng isa sa mga cabinet at inilabas ang ilang envelopes. Sa tingin nya ay oras na. Hindi nya hahayaang magdusa ang prinsesa nya habangbuhay.

Naligo sya at nagbihis. Nakipagkita sya sa mga abogado ni Kathryn at nagbigay ng mga instructions. Pinuntahan din nya si Min sa opisina nito. Sinabi nya dito ang desisyon ni Kathryn tungkol sa Last Will ng Daddy nito. Pormal silang nagusap tungkol sa mga detalye at sa pagttransfer ng mga ariarian.

"Nasaan ba si Kathryn? Sya dapat ang nagaasikaso nito." Tanong ni Min habang pinipirmahan ang ilan sa mga dokumento.

"On the way na ho sya pabalik ng Cebu, Ma'am."

Natigilan si Min saglit. "At hindi na sya babalik?"

Nagkibit balikat si Dominic. "Never say never. Pwedeng oo, pwede ring hindi. Hindi ko po alam."

"Alagaan mo ang anak ko."

Isang makahulugang ngiti ang pinakawalan ni Dominic. "Mahal nyo sya hindi ba?"

"Meron bang isang ina na hindi mahal ang anak nya? May iba lang akong paraan para ipakita iyon."

"Sino bang makakaisip na hindi kayo tunay na mag-ina? Pareho lang kayo ni Kathryn. Kakaiba ang paraan nyo ng pagpapakita ng pagmamahal."

Narinig nyang nagbuntong hininga si Min. "Inaamin ko, nagalit talaga ako sa kanya nang mamatay ang Daddy nya. May panahon pa ngang nagseselos ako sa kanya dahil mahal na mahal sya ni Teddy. Siguro ay pareho nga kaming pathetic. Pero mahal ko sya, Dominic. Wala akong pakialam kung maniniwala ka o hindi. Napupuyat ako noon magdamag kapag may sakit sya noong baby pa sya. Inaalagaan ko sya. Hindi man sya nanggaling sa akin pero ako pa rin ang Mommy nya, walang iba."

"Naging malapit ka kay Jasmine para protektahan sya. Dahil alam mong may seryosong problema si Jasmine sa pagiging inggitera. Nakikita nya si Kathryn as a perfect girl who practically have everything at iyon ang kinamumuhian nya dito. Natatakot na maging isang monster si Jasmine at sirain ang lahat lahat ng para kay Kathryn. Umaasa kang mababago mo si Jasmine. Masyado kang nadala sa mga plano mo kay Jasmine at nakalimutan mong kailangan din ni Kathryn ang isang ina. Ginusto mo ring lumaking matapang at matatag ang anak mo kaya pinakita mong wala kang pakialam."

"Paano mo nalaman ang lahat ng iyan?"

Nagkibit balikat sya. "Research. Alam ko rin na umpisa pa lang alam mo ng si Kathryn si Princess. Dapat ay marereject ang una nyang manuscript pero tinawagan mo ang publishing company at sinuhulan mo sila para tanggapin nila iyon. Binantayan mo sya all these years. Dinedemanda mo lahat ng writers na naninira sa kanya. Hindi ho ako sigurado kung anong dapat kong itawag sa inyo, Ma'am."

Ngumiti lamang si Min. "Hindi naman nya malalaman ang lahat ng iyan."

"Malalaman nya, kung sasabihin nyo."

Umiling lamang ito. "Hindi naman sya maniniwala. Isa pa, hindi rin naman ako yung tipong biglang aarte na parang isang mabait na ina. Papabayaan ko lang sya. It would make her stronger."

"Tapos ka na ba sa mga yan?" Turo ni Dominic sa mga documents. "Nakapag-book na ko ng flight para mamayang gabi. Tapos ko ng ayusin ang lahat. Ang mga abogado na ang bahala sa iba."

If You Don't Know Me By NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon