"Hoy Yuna! Late ka na naman natulog kagabi no!? Kakanood mo yan ng K-Pop, eh kung nag-aral ka, eh di worth it pa 'yang pagpupuyat mo!" sunod sunod na sermon sa'kin ni Mama. Patamad naman akong dumiretso sa kusina para mag-almusal, sumunod narin ang bruha kong kapatid.
Sa mga di nakakakilala sa'kin, ako nga pala si Yuna, ang fangirl from Quezon City! Yes! Tama ang narinig niyo! FANGIRL AKO! And I'm very proud of it, hindi ko ikinahihiya ang mga idols ko, bagkus, pinopromote ko pa sila sa school, I will never get tired of introducing their music to my classmates, especially sa mga friends kong hindi pa sila kilala and didn't like kpop. I'm a kpop fan since 2010, Girls Generation was my first group to stan, bigla ko kasing nakita na nagplay yun sa TV, kaya ayon, naging interested ako sakanila, they immediately caught my attention. Nagresearch pa ako about sakanila, then ayon, naging SONE ako which is the fandom of Girls' Generation, marami rin akong groups na na-stan aside from girl groups. Fan din ako ng Seventeen at EXO. Ughh, tuwing nakikita ko silang nagpeperform, natutunaw ako, hindi maiiwasan na mapapahiyaw ako at mapapafanchant tuwing nakakapanood ako ng MV, stages or kahit magplay lang kanta nila sa mall, minsan nabubulabog ko pa nga kapitbahay namin at yung mama at ate kong tulog mantika, kaya ayon, sermon to the max ang matatanggap kong reward, pero kahit ganon', masaya parin ako sa buhay, kung wala sigurong kpop, ewan ko nalang kung anong klaseng tao ako ngayon, hinubog din nila ang personality ko, naging inspirasyon ko rin sila sa tuwing may dinaranas akong matinding problema, sila ang nakakapitan ko, sila ang isa sa mga taong nagpapasaya sa'kin, kung gaano nila kamahal ang mga taong sumusoporta sakanila, ganon ko rin sila kamahal. Until I die, until my last breath, I will be a KPOP FAN. Forever and ever.
Pagtapos magagahan, tinungo ko naman ang banyo upang maligo, tamang play lang ng kpop song habang naliligo, pinatugtog ko ang Forever Young ng Blackpink, bigla akong natalisod sa sobrang hype, pero di ako sumuko, keri lang kahit sumakit ang likod, sunod kong pintugtog ang Kill This Love, nagwala ako sa loob, kinalabog tuloy ni Mommy yung pinto. Ayan na naman yung iconic line niyang "BILISAN MO!!!" kaya ito na ang maharot na ate niyo, pero syempre while wearing my school outfit, nagpatugtog ako ng Likey by TWICE. Kailan kaya ako magiging likey ni crush? Hmmmmmm..... Sabay non, nagjam din ako sa Girl Front ng LOONA (Odd Eye Circle), napakaganda niya as in para akong nagiging cheerleader pag pinapakinggan ko siya. Nakakaconfident 'tong kantang to.
Bago ako umalis, kiniss ko muna si Jungkook na nasa pader ko, pati narin si Baekhyun, parang halos lahat ng poster na nakadikit dito hinalikan ko, kaya napadala tuloy ako ng lipbalm, HAHAHA. kintongan ako ni mama paglabas ng pinto, lagi niyang ginagawa sakin yon tuwing papasok ako, eh kung bawian ko kaya to si mama. Hmmp
Pagpasok ko palang ng gate, suot suot ang aking headset, nagpaikot ikot ako, bukod sa magandang simoy ng hangin, ay ang kantang aking pinapakinggan, la la la la la la la la la la la HAPPINESS!!! Sa sobrang kahyperan, natumba ang ate niyo pero buti nalang may sumalo, ang semento, diba. Sobrang katangahan, but hindi ako maggi-give up, tumayo ako kahit alam kong masakit na *plays hindi na nga*
Masyado nang maraming nalalaman sa katarantaduhan ang ate niyo kaya dumiretso ako papuntang classroom, nakasalubong ko si Anne, mukhang kakatakas lang galing mental dahil sa itsura niya.
"Yunaaaaaaaaaa!!!! Musta na BesHy q!? AUs ka LaNg?" malajeje niyang acting tsaka niyakap ako ng mahigpit, yung tipong dinadaganan ka na ng dalawang pader.
"Ano ba!!! Wag mo nga kong yakapin! Di ka ba lab ng mama mo?"
"Lab pero mas lab KeTa yieeeeeee"
"Tangena ang corny magtigil ka nga!" tinulak ko siya palayo, pero hindi matinag ang gaga kaya dumikit pa siya sa'kin, matagal na kaming magkaibigan ni Anne, hindi ko parin alam kung anong pumasok sa kokote ko na nagkaroon ako ng kaibigan na may problema sa utak. Pero nagpapasalamat ako kasi kahit papano may mga taong nagpapasaya sa'kin, at may mga taong nandyan para magpangiti at magsindi ng liwanag sa madilim kong daan.
"Bumaba kami para sa flag ceremony, pagkatapos ay pumasok narin kami sa mga kanya kanya naming silid aralan, malapalengke ang eksena sa loob ng classroom, pero agad itong natila nung pumasok ang aming unang guro na magtuturo sa araw na ito, si Ma'am Mendoza. Siya ang teacher namin sa asignaturang filipino, binati namin siya ng magandang umaga at pinaupo kami para magsimulang magturo.
"Okay class, so ang ating tatalakayin ngayon ay tungkol kay Jose Rizal. Ang aking tanong, sino ba si Jose Rizal?"
Nagtaas ng mga kamay ang mga kaklase ko, pati narin ang katabi kong si Anne.
"Ma'am ako poooo!"
"Yes Mark?"
"Siya po ay isang bayani na lumaban para sa ating bansa. Pinaglaban niya po ang ating bansa mula sa mga dayuhan, tapos yung iba magiging K-pop fan lang po, hindi man lang nahiya kay Rizal! Pinaglaban ni Rizal ang pilipinas tapos magiging KPOP FAN KALANG!?" sabay turo sa'ming mga taga idolo ng kpop. Nagtawanan sila sa loob at hindi na nahiya sa nasa harapan, nainsulto ako sa kanyang sinabi at hindi ako nagdalawang isip na tumayo at sabihin ang aking personal na opinyon.
"Maraming nagsasabi na salot daw sa lipunan ang mga katulad natin, na nawawalan na tayo ng pagkapilipino dahil sa pagkakagusto sa mga banyagang hindi natin kaano-ano. Napapansin kong nagiging malupit sa'tin ang mga kapwa natin kababayan, in the first place, anong masama sa pakikinig ng mga banyagang kanta? Pag ba nakikinig ka eh masama at illegal na yon, na hindi mo tinatangkilik ang bansa? Sana man lang ay tignan natin ang mga sarili natin, i-check natin kung minsan na ba tayong nahumaling sa musikang hindi atin? Alamin natin kung nakagamit na ba tayo ng mga produktong galing sa ibang bansa o kung nakatikim na ba tayo ng pagkain na orihinal na nagmula sa ibang bansa. Bago nila tapakan ang ating karapatan na gustuhin ang kanilang mga likha, bakit di nila natin sila tanungin at kwestyunin kung ano na ba ang mga importateng bagay na naiambag nila, kung alam na ba talaga nila ang buong nangyari sa ating bayan, kung alam na ba nila ang buong talambuhay ng mga bayani, kung alam na ba talaga nila ang mga alituntunin, patakaran at buong kultura ng ating bansa, at kung ano talaga ang tunay na kahulugan ng pagiging makabayan?
Saka na nila tayo tratuhing parang kanser sa pamayanan pag talagang naayos at gumanda sa'ting bansa, at kung wala ng bahid ng kadiliman ang puwedeng maranasan ng bawat pilipino? Sinasabi nila na dapat ipagmalaki ang ating mga kapwa mamamayan at ang mga personalidad na namamahala sa bansa, ipagmamalaki ko lang ang ating kapwa mamamayan, kung ito'y may naiambag sakanyang bansa, sarili't kapwa, at kung naging mabuting ehemplo siya sa mga tao sa kanyang paligid, pero kung ang tao nama'y nagdudulot ng masamang bagay na ikakasira ng reputasyon ng ating bansa, hindi ako magdadalawang isip na kamuhian siya. Sa nakikita ko, inaabuso ng mga kapwa nating pilipino na nasa itaas ang kanilang kayang gawin, may diskriminasyon padin na nagaganap sa'ting lipunan, may mga politiko pa rin na nagbubulsa ng pera sa pagpapaganda ng ating kinabukasan, may mga ilang tao padin ang nalululong sa droga, may mga sikat na pangalan sa industriya na imbes tulungan ang kanilang mga nasasakupan ay winawaldas ang kayamaman para sa pansariling kasiyahan, at ginagamit ang social media bilang advantage para makamit ang kasikatan sa hindi kaaya-ayang paraan. Parami nang parami ang mga tumatalamak na problema na nangyayari pero wala paring ginagawa ang mga lokal na pamahalaan, nasan' don ang pagiging makabayan? Nasaan don ang pagkapilipino? Nasa ilong na lang ba? Nasa salita ba? Bago tayo manghusga ng kapwa, TIGNAN MUNA ANG ATING SARILI'T BAKA MAY BAKAS NA KADUMIHAN NA NAKATAGO SA MGA MATA." maraming napamangha sa'king sinabi
Halos lahat sila ay napatango at nag-aagree sa'king mga binitiwang salita, natapos ang ilang mga subjects, oras na para sa recess kaya may kagalakan sa mukha ang ibang estudyante at dumiretso sa canteen para bumili ng paborito nilang pagkain, bumili ako ng palamig para mahimasmasan ang stress sa utak ko, masyado akong ginigil ng mokong kong kaklase.
YOU ARE READING
This Guy Is Famous (Han Seungwoo) [X1 Trilogy:]
FanfictionHan Seungwoo "As early as the sun will rise tomorrow, so too will my heart beat only for you." Genre: Fanfiction, Comedy-romance. [ON GOING] Fly High! X1!
![This Guy Is Famous (Han Seungwoo) [X1 Trilogy:]](https://img.wattpad.com/cover/198020442-64-k491379.jpg)