prelude ☆

5.5K 148 141
                                    




╭── ⋅ ⋅ ── ✩ ── ⋅ ⋅ ──╮

Not Your Ordinary White Lady

Written by yukiirisu | October 2014 |

- completed -

╰── ⋅ ⋅ ── ✩ ── ⋅ ⋅ ──╯



..••°°°°••..

✬prelude✬

°°••....••°°



Isang madilim na gabi, ang buwan ay sumisilip sa mga ulap. May isang puting taxi na dumadaan sa Otso de Mayo. Malamig sa loob ng sasakyan, may isang OPM na tumutugtog sa radyo.

"Bakit di na lang totohanin ang lahat?!" kanta ni Manong Driver, feel na feel ang bawat linya. Meh papikit-pikit pang nalalaman.

"Dahil habang tumatagal ay lalo kong natututunang magmahal--" tumingin siya sa radyo at nilakasan ang volume.

"Baka--" Napatingin siya sa kalsada.

At biglang may tumawid na babaeng mahaba ang buhok, suot ang puting bestida. 

"AAAAAHHHHHHH!!!"  

Inapakan niya ang break pero... huli na. Nabangga niya.

"Masaktan lang..."

Tahimik ang buong lugar maliban sa kanta. Agad na bumaba ng kotse si Manong at nanlaki ang mga mata niya nang makitang...

Wala na ang babaeng nasagasaan niya.

 "N-Nasan na yun?" Paglingon niya sa kotse niya ay tumaas lahat ng balahibo niya. "M-M-Mul...Multo..."

Yung babaeng nasagasaan niya...

Nasa loob na ng taxi at... NAKANGITI.

"WHITE LADY!!!" tumakbo siya palayo. "Tulungan nyo ko!! Multo!! AAAAAHHH!"

Hinawi ko ang buhok ko.

"Huh?? Bakit siya tumakbo?" bulong ko sa sarili ko. Ngumiti lang naman ako dahil okay lang ako kahit nasagasaan na ako for 1348 times eh.

Bumaba ako sa taxi. "K-Kuya Driver!! Yung taxi mo! Wag mo iwanan!" sigaw ko pero malayo na siya. "Baka ma-carnap, huhu..."

Ako si Ami, ang White Lady sa Otso de Mayo. Wag kayong matakot. I'm a lover, not a frighter. Hehe! (◕‿◕✿)


────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


hi guys! sana magustuhan nyo tong weird romcom crap na sinulat ko lol.
a lil warning tho!
this story may be tagged as romcom but the story gets veryyyyy dark. andaming trigger warnings dito (kahit ako nawindang haha) so read with caution. and enjoy!

 and enjoy!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Not Your Ordinary White LadyWhere stories live. Discover now