"B-betrayal is one of the most painful human experience..too destructive and it create a deep cut in our heart but.....if we have a courage in confronting the inevitable betrayals that life brings us....Roian we can heal our heart, we can discover new aspects of ourselves... hindi ko sinasabi sayo ito na gawin mo sya ngayon...take your time na harapin sila...all you need to do is just feel it. Yes, just feel it because betrayal is incredibly jolting in a sense, it can feel traumatic because it catches us totally off guard and threatens the sense of security we project to others. Idahan dahan mo yung sarili mo hanggang sa makaya mo ng magtake action and deal with physical world issues and then look for the lessons. Challenges are how we learn." Saad ko at tiningnan ko sya sa mga mata nya. Napabuga ako at hinawi ko yung buhok nya at inipit ko sa tenga nya. Ghadd! Miss ko na talagang gawin ito kay Shann.

"Hanggang payo lang kase ako...kung kaya ko lang magbura ng pain sa puso ng bawat pasyente ko ginawa ko....Roian you need to step back for a while...isipin mong lahat kung kaya mo bang magpatawad...nag aalala ko sayo kase hindi healthy ang paghohold ng mga ganyang emosyon at pakiramdam dyan sa puso mo....masakit man pakinggan ang gamot sa betrayal pero need mo pa din marinig at iyon ay ang magpatawad." Saad ko at nilagyan ko ng band aid yung mga sugat nya.
I hope Cyrll can do a magic for Roian's heart.

"Can you call my Mom? Pagod na pagod na kase ako.." saad nya habang pinupunasan nya yung luha nya at tumayo para tabihan si Yuan.

"Roian.....willing akong makipag usap sayo. Kapag need mong may makinig sa open up mo nandito lang ako o kaya lilipad ako papunta sayo." Saad ko.

Narinig ko yung mahinang pagtawa nya.

"Salamat Yuri...I have plans to cope up this feeling....you are right I need time." Saad nya.

Ayoko na may isa sa kanila yung magagaya kay Cyrll na nagbreak down. Para ko na kase silang mga kapatid. Tinawagan ko ang mga magulang ni Roian dahil nagpapasundo na sya para makauwi.

Nagpunta ako sa ER kung saan ginagamot si Shann pero hindi ako pumasok nag-antay lang ako sa labas nito. Napakagat ako ng ilalim na labi ko. Ang dami ko ng naoperahan pero bakit naduwag ako sa oras na ito.

"Jacq...I trusted you..." bulong ko sa hangin. Mga kalahating oras,
Lumabas si Jacq ng ER at lumakad papalapit sakin. She smiled at me.

"Okay na sya...pwede ka ng huminga." Natatawang saad ni Jacq kasabay ng panlalambot ng tuhod ko.

"Thank you, Jacq talagang maihahanap na kita ng Love life..." natatawang saad ko.

"No...ayoko! Ayaw kong magbaliw baliwan na kagaya mo." Nakasimangot na saad nya at tinapik nya ko sa balikat bago umalis. Alergy talaga sya sa salitang relasyon.

...

Nakaupo ako sa sofa across to the bed where she was lying. May kulay na yung mukha nya hindi kagaya ng maisugod sya dito. Pagtingin ko sa orasan, 6:30 am na..hindi ako natulog habang binabantayan sya habang natutulog....I'm affraid baka takasan nya ko ulit kapag nalingat ako.

"I really hate you for making me crazy in love with you....you'll pay for this." Bulong ko habang nakatitig ako sa mukha nya habang natutulog.

Nang dahan dahan nyang idinilat yung mga mata nya ng magising sya napahinga ako ng maluwag ngayon lang ako naniwala na okay na sya. Sobrang namiss ko sya. Pinigilan ko ang sarili ko na lapitan sya. Bigla akong nalungkot ng maalala ko yung pang iiwan nya sakin. Para akong dinagukan sa dibdib.

"Tang ina ka Hunter! Magtago ka na soon makalabas ako ng hospital na ito...." bulong nya habang hinihilot ang sentido nya.

Biglang bumukas yung pintuan at nakakunot na noo ni Jacq yung sumalubong sakin.

"The hell Yuri! Papatayin mo ba yung sarili mo? 34hours ka ng gising!" Singhal ni Jacq.

"Great!" At salubong na kilay kong sagot kay Jacq. Kailangan i-broad cast?

Shann's POV

Nagulat ako ng mapalingon ako sa dalawang duktor sa gilid ng silid na ito.

Binantayan ako ni Yuri buong magdamag? Lalo akong na guilty.....

"Uuwi na ko..." sabi nya kay Jacq at tuluyang umalis na hindi man lang nya ko tinapunan ng tingin. Awww!

Ang sakit! Mas masakit pa sa sugat ko dahil sa tama ng baril! Kasalanan mo ito Shann gago ka kase!

Lumapit sa akin si Jacq, naground lang daw sya para i-check ako bago sya umuwi at may ibang duktor daw ang magtetake over mamaya para magcheck sa kalagayan ko.

"She's mad....first time kong makitang nagkaganun si Yuri simula nung iniwan mo sya ng walang paalam.....mahirap suyuin yun....nung nag away kami dati 3 years nya kong di kinibo....kaya di ko alam kung paano kita mapapayuhan para mapaamo si Yuri..Napakasakit pang manampal nung babaeng yun." saad ni Jacq at parang nanikip naman yung dibdib ko dahil doon..magpinsan na sila pero grabe na sya magtampo eh ano pa sakin....sa lahat ng ginawa ko sa kanya.

"Galingan mo na lang...." natatawang sabi nya kaya napakunot ang noo ko sa kanya.

"Galingan saan?" Takang tanong ko.
"Sa sex.." at tumawa sya ng nakakagago!

"Tang ina ka Jacq isa ka pa!" Bulyaw ko. Nakakagalit!

"Sungit! Halata naman mahina ka..." natatawang sabi ni Jacq at nagtatakbong lumabas ng silid ko.

Bakit ba mas lamang yung mga demonyong bumubulong sa akin kaysa sa anghel na nagpapayo sakin ng may katiwasayan?

Nang bandang tanghali umaasa ako na papasok si Yuri pero hindi eh....sobrang nakakafrustrate gusto ko na syang makausap. Ngayon ko nararamdaman lahat ng pagod sa dami ng lugar na napuntahan ko para lang mailigtas si Yuan. Malamang tulog na tulog yung batang yun ngayon sa dami ng nangyare sa amin.
Sobra ang lungkot ko ng mag gabi na at walang Yuri na pumasok sa duty.

Ayaw na yata nya sakin. Hindi! Hindi pwede yun!

Narinig kong bumukas yung pintuan at hindi na akong nag abala na tingnan kung sino iyon dahil sigurado yung hinayupak na pinsan lang ni Yuri ito.

"Get lost Jacq! Baog ka naman!" Inunahan ko na sya dahil magaling syang mang asar.

"Huh?"

Paglingon ko si Yuri. Hindi ako nakagalaw agad at yung kabog ng dibdib ko lang yung naririnig ko. Lahat ng inipon ko na lakas na loob na wala. Nganga! Sobrang natameme ako.

Tahimik nya kong kinuhanan ng BP ko at tiningnan nya yung swero ko. Gusto kong maiyak sa ganitong treatment nya sakin. Hindi ako sanay..kasalanan ko naman kase pero no choice naman ako....buhay ng bata yung nakasalalay.

"How's your feeling?" Tanong nya habang ina analyze yung papel na hawak nya.

"I'm not okay." Sagot ko kase hindi ko na maidentify kung ang sugat ko ba o yung puso ko ang masakit eh.

"Kumikirot ba yung sugat mo?" Nagpapanic sya. Ayaw kong magmaldita kase hindi pa kami okay eh pero hindi ko mapigilan...Nagpapanic talaga sya bakit pa sya nagduktor kung ganito sya sa harap ng pasyente nya.

"It's nothing..." walang ganang saad ko at nag iba yung emosyon sa mukha nya.

"Hindi mo man lang talaga ako na-miss?" She said under her breath.

Hindi ko alam kung saan ko sisimulan yung pag eexplain kaya ganit yung isang kamay ko hinila ko sya gamit ang kohelyo ng damit nya at sinalubong ko yung mga labi nya. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakamiss ng isang tao. I groaned ng gumanti sya ng halik sakin. Nagbitaw lang yung mga labi namin ng pareho na kaming naghahabol ng hininga.

"Be with me forever Shann...hindi ko kaya na wala ka..." saad nya ng buong pagsusumamo at pagmamahal habang dinadampian nya ng maliliit na halik yung lower lips ko.

Tumulo yung luha ko sa sobrang saya. Yuri is mine alone! Sa kabila ng katarantaduhan ko why I'm so lucky that I have Yuri in my life.

"I love you...promise hindi na kita iiwan..." at muli nya kong hinalikan.

"I love you too...." She said between our kisses.
........................

Vote and comment kayo guys.

Thank you for reading

~dark19

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now