Kumuha ng swiss knife si Hunter at iniabot nya sakin.

"Binawi ko kay Cyrll yan at ibinibigay ko sayo....that's my loyalty." Saad nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Nawala sayo yung bata....hindi mo deserved na kalabanin habang nakatalikod ka at walang kamalay malay....Hindi alam ni Cy ito..." saad nya.

Nalilito na ko sa kanya.

"Hunter....bakit?" Naguguluhang tanong ko.

Ngumiti sya sakin.

"That day you saw me in your resturant... I pray someone will help me from this sanity....wala akong kaibigan maliban kina Yvie, Yuri at Cyrll...pero hindi nila alam lahat ng ito....hindi ko kayang sabihin sa kanila pero hindi ko alam bakit ang gaan ng loob ko sayo...at nakakaya kong umamin sayo" nakangiting kwento nya. Ibang Hunter ang nasa harap ko ngayon. Sa kilos nya at yung mga mata nya may emosyon na sinsero sya sa sinasabi nya.

"Ihaharap ko sayong lahat ng kaaway mo....give me this week. Lahat ng nagtulungan para durugin ang loob mo ihaharap ko sayo...." saad nya at doon napatulo ang luha ko.
Si Hunter ang sagot sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Isa lang ang participation na gagawin mo....umakto ka na wala kang alam at hindi tayo nag usap ni kahit na kanino kahit sa pamilya mo. Roian ako ang magiging shield mo." Saad ni Hunter na buo ang loob na tulungan ako.

Bibigyan kita ng hustisya anak....
Lumipas ang dalawang araw simula ng mangyare iyon ay sinimulan na namin ni Hunter ang lahat!

Shann's POV

Ang sakit ng ulo pero hindi na kagaya nung nakaraan na halos naduduwal na ko sa sobrang hilo. Napasapo ako sa noo ko at napagtanto ko na sinat na lang ang meron ako. Napabangon ako ng maalala ko yung nangyare.

"Yuan!"

Napalinga ako sa paligid. Hindi na ito ang silid na nirentahan namin. Yung kaba sa dibdib ko hindi ko na makontrol. Kasalanan ko! Kasalanan kong lahat ng ito! Naiiyak na ko....bakit nangyayare ito sakin. Pinilit ko naman magbago simula nung mangyare iyon 5 years ago.
Napalingon ako ng bumukas yung pintuan.

"Ano ba....." mahinang pagalit ni Gale habang may dalang tray ng pagkain at nakatungo sya sa ibaba nya habang salubong ang kilay nya.

Pagtingin ko sa may ibaba nya ay napatutup na ko ng bibig ko at kumawala na yung luha ko.

"Ninang Gale I'm scared..." naiiyak na sabi ni Yuan habang nakayakap sa binti ni Gale sanhi para hindi sya makalakad ng maayos.

"Bakla ka ba? Ginagago mo ba ko? sabi mo pagtatanggol mo yung Mommy mo..." nabubwisit na saad ni Gale ng tuluyan na silang makapasok.

"Eeeeeh! They have guns!" Maktol ni Yuan.

"Tsk!"

"Luv!" Naiiyak kong tawag kay Yuan at lumiwanag yung mukha nya ng napalingon sa akin. Sumugod sya ng yakap. Tang ina! Hindi ko talaga kakayanin kung dahil sakin ay namatay sya. Binaba ni Gale yung tray ng pagkain sa center table at kampanteng naupo sa single sofa.

"Everything will be fine....trust me." Saad ko at napatango sya habang yakap yakap ko.

"Bata kumain ka na...." walang emosyong saad ni Gale. Marahil sa takot ay napasunod sya dito at dumalo sa pagkain. Inabutan nya ng music player si Yuan at pinagsuot ng headset.

Tiningnan ko ng masama si Gale dahil sa trato nya doon sa bata. At nagkibit balita na sya.

"Sa mga oras na ito malamang balita na sa Pilipinas na patay na itong bata na ito..." saad ni Gale. Napatulos ako sa pagkakaupo ko sa kama.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now