34. Confusions. And more confusions.

Start from the beginning
                                    

Sa background ay maririnig naman ang tunog ng mga sirena ng ambulansya at mga pulis. Dumating na rin ang mga ito. Kasabay ng mga nakabibinging tunog ng mga iyon ay ang muling pagkadurog ng puso ni Aya. Pakiramdam niya ay ang mismong puso niya ang nasa kritikal na kalagayan at nangangailangan ng tulong. Nanginig ang mga labi niya at hindi na napigilang umiyak.

Ilang sandali pa ang lumipas ay nakalabas na din sila ng lugar na iyon at nagtungo naman sa presinto upang i-report ang pangyayari. Si Mike ay nasa kustodiya na ng mga pulis. Alexa made sure that the man would receive his deserved punishment. Kung maimpluwensya ang pamilya nito at ang mga Smith ay di-hamak na mas maimpluwensya ang pamilya niya. It was these times that she was grateful for having rich and powerful parents.

Labis-labis naman ang pasasalamat nina Reign at Jessica.

"Salamat talaga sa'yo, Alexa. Kung hindi dahil sa'yo ay baka hindi na natin naabutang buhay si Yuna. Makakabawi din kami sa'yo," si Jessica.

"Alam mo... hindi talaga kita bet dati. Pero ngayon, idol na idol na kita. I salute you!" ang wika naman ni Reign na sumaludo pa.

Bahagya namang natawa si Alexa. "Walang anuman. Ginawa ko lang ang tama."

Nasa labas sila ng ospital na kinalagakan kina Yuna at Felix. Matapos dumaan ng presinto ay dumeretso na sila doon. Ayaw na din kasing pumasok ni Aya kaya't nanatili sila sa labas. Nasa loob ng sasakyan ang designer at walang kibo. Sina Alexa at ang magpinsan ay nag-uusap sa labas. Sa di-kalayuan ay ang mga tauhan ni Felix.

Sa araw na 'yon ay babalik na din agad ng Maynila ang grupo, maliban sa tatlong magpipinsan. Under observation pa kasi si Yuna dahil sa mga natamo nitong bugbog. Kinailangan nitong manatili sa ospital ng ilang araw. Si Felix naman ay pinayagan nang ma-discharge ng mga doktor. Matapos itong malapatan ng paunang-lunas ni Kurt ay naging stable na rin naman ang kalagayan nito. Saka sanay na rin naman itong nasusugatan sa bakbakan.

Nilapitan din ni Jessica ang tahimik lang na si Aya, mula sa nakabukas na bintana ng kotse. "Hey, Aya..."

Bigla namang napaangat ng mukha dito ang designer.

"Salamat nga pala. Alam kong labag sa loob mo ang pagpunta rito. At naiintindihan ko naman. Pero alam kong gusto mo ding tulungan si Yuna, dahil kung hindi ay wala ka rito. Alam ko ring hindi biro ang ginawa sa'yo ng pinsan ko... pero sana ay magawa mo sa puso mo na patawarin siya.

"Sa mga panahong ito niya kailangang-kailangan ng suporta. We still don't know yet kung anong magiging reaction ng mga magulang niya. Knowing them... hindi ko alam kung papanig pa sila kay Mike o ano. Pero isa lang ang alam ko... Yuna was not safe yet. Maaaring kailanganin pa rin namin ang tulong ninyo ni Alexa.

"At sana'y... maging open ka doon. And... she needs you, Aya. She badly needed you. Hindi ko sinasabing balikan mo siya. Just please... give a little compassion towards her. She has no one. Kami ni Reign, nakatali pa rin kami sa mga magulang namin, pero gagawin naman namin lahat para tumulong."

Matamang nakikinig lamang si Aya habang nagsasalita si Jessica.

"I can't promise anything. But I'll try," aniya nang matapos ito.

Jessica smiled at her gratefully. "Salamat, Aya. It was more than enough." Matapos pisilin ang balikat ni Aya ay tumalikod na ang babae at nagpunta sa naghihintay na si Reign.

Sinulyapan naman ng huli ang designer at tumango. Pagkatapos magpaalam sa mga tauhan ni Felix ay pumasok na muli ng ospital ang magpinsan.

Pumasok na rin ng kotse si Alexa. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita na nilang palabas si Felix na inaalalayan ni Dennis.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now