Bakit Ikaw Pa?

24 4 1
                                    

Bakit ikaw pa ang nagustuhan? 

Bakit ikaw pa ang kinahumalingan? 

Bakit ikaw ang nagpapasaya sa araw ko? 

Bakit ang puso ko'y litong-lito? 


 'Di ko malaman ang nararamdaman 

Sadyang hindi ko maintindihan 

Kung bakit sa araw ika'y nais makasama 

At sa gabi ika'y naaalala 


 Minsan ko nang tinanong ang aking sarili, 

Posible pa ba akong magmahal muli? 

At sa 'di inaasahang pagkakataon, dumating ka 

Simula noon, mundo ko'y naging masaya 


 Subalit, tila takot ang sa puso ko'y namamayani 

Takot na baka ako'y muling maging sawi 

Takot na baka ako'y tuluyang iwasan 

 Takot na baka ako'y iyong iwan 


 Ngunit aking napagtanto, 

na ang wagas na pagmamahal ay dapat totoo 

Hindi maramot, hindi mapagkunwari 

At kailanma'y hindi uunahin ang sarili 


 Sa puntong ito, nais kong malaman mo 

Mahal na mahal kita, at iyon ay totoo 

Bigyan mo lang ako ng pagkakataon 

Ipaparamdam ko ito sa iyo sa habang panahon

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Poems CollectionWhere stories live. Discover now