Bawat salita, may katumbas na sakit
Bawat pagpapasya, may kaakibat na pait
Sa likod ng iyong mga ngiti, naroon ang takot
Sa iyong pagtawa, nakatago ang lungkot
Kailan nga ba naramdaman,
ang kakaibang damdaming ito?
Saan nga ba nagsimulang,
maging tuliro ang puso?
Damdaming ikinubli
Sa iyo'y 'di mawari
'Pagkat ilang beses ka nang nasaktan
Pagmamahal ko nga ba ang siyang kasagutan?
Hangad kong mapalapit sa 'yo
Kung hahayaan mo lamang ako
Nawa'y hindi mo isara ang pintuan ng iyong puso
Dahil tanggap kita nang buong-buo
![](https://img.wattpad.com/cover/149043628-288-k830561.jpg)