Sana noon pa ma'y nakilala na kita
Nakasama sana kita nang matagal
Sana'y lumibot tayo kung saan-saan
Sa mga 'di mo pa napupuntahan
Sana nakilala kita nang mas maaga
Tinanggap sana kita nang buong-buo
Sana'y nahawakan kita
at hindi na pinakawalan pa
Sana naging magkaibigan tayo dati
Nakausap sana kita nang madalas
Sana'y napangiti kita
Sa kabila ng lahat ng sakit at pangungulila
Sana naging magkasintahan tayo noon
Nayakap sana kita nang mahigpit
Sana'y nahalikan kita para mapawi ang takot
at nanatili sa tabi mo nang walang pag-iimbot
Marami mang sana ang hindi natupad
Mga salitang 'di nasabi, emosyong 'di naipakita
Ngunit isa lamang ang sigurado ako
Narito lang ako, iyon ay isang pangako
![](https://img.wattpad.com/cover/149043628-288-k830561.jpg)