"Sinong gusto mong mabuhay....pili!" Parang naglalarong saad ni Gale.
Napatakip ako ng bibig gamit ang mga palad ko ng mag angat ng mukha yung dalawang taong nakaluhod sa harap ko.

Naliligo sa dugo ang mukha ni Cyrll samantalang hindi makamulat ang isang mata naman ni Yuan at sobrang dami nyang pasa.
Yung luha ko bumalong na sa mga mata ko.....

"Gale please wag...." pagmamakaawa ko habang umiiyak.

"Wag mo kong pag antayin...pumili ka...." naiinip nyang saad kaya.

"Yuan...save Yuan.." bigkas ni Cyrll na nahihirapan.

"Good answer!"  At walang anu ano ay umalingawngaw ang putok ng baril sa buong paligid kasabay ng pagbagsak ni Cyrll.

"Nooooooo!"

Napabalikwas ako...tagaktak ako ng pawis. Wala si Cyrll sa tabi ko...Nagulat ako ng may parang bumato duon sa may veranda ko. Naglakad ako papunta doon. Tumambad sa akin ang isang bato na nakabalot sa isang papel.

Pinulot ko iyon.

My heart stop soon na mabasa ko yung nakasulat.

'Yuan is safe. Find your enemy.'
Pinunit ko ang papel na iyon sa maliliit na piraso at itinapon ko sa basurahan. Pinipilit kong kumalma. Hindi ako makapag isip ng maayos. May kaaway ako? Paulit ulit yan ang umaalingawngaw sa isip ko.

"Babe?" Nagulat ako ng kalabitin ako ni Cyrll.

"Okay ka lang?" Tanong nya sakin at tumango ako. Hindi ko mawari kung bakit may pumipigil sa akin na sabihin sa kanya yung tungkol duon sa papel. Hinawakan nya ko sa kamay at hinila palabas ng kwarto at tumungo kami sa kusina. Pinagluto nya ko ng pagkain.

Habang pinaghahanda nya ko ng pagkain hindi mawala wala sa isip ko yung nabasa ko.
Yuan is safe.....He is safe....
At may kaaway ako! 'Parang inside job po ang nangyare...'

M-malapit sa akin ang gumawa nito sa anak ko....

Bumalik lang yung anak ko lalayas na kami at babalik na kami sa ibang bansa kung saan maayos yung buhay namin.

"Roian...." hindi ko namalayan na nakatapat na pala sa bibig ko yung kitsara sa bibig ko. Wala sa sariling isinubo ko ang pagkain na inalok ni Cy sa akin.

"Kapag may nangyaring masama sa anak ko...ako....ako ang papatay sa taong gumawa ng lahat ng ito.....sana lumitaw yung anak ko hangga't hindi ako umaabot sa sukdulan..." at muling tumulo yung luha ko.

"That's the best way to serve their karma." And her eyes turned the way it react kapag galit sya.

"Wag kang magpatawad soon na malaman mo kung sino ang may gawa nito kay Yuan." Bigkas nya na diretsong nakatitig sa mga mata ko.
Titig na hindi ko maintindihan.

Shann's POV

Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko at nilalagnat na ko.

"Ninang...." umiiyak na sabi nya habang nakatayo sya sa gilid ko.

"Need lang magpahinga ni Ninang....bukas magtatravel ulit tayo para makauwi..." pinipilit kong maging matatag sa harap nya at malungkot na napatango sya.

Napapikit na ako ng may naramdaman akong bagay na pumatong sa noo ko.
Pinilit kong dumilat. Napangiti ako. Yuan is taking care of me. Nilagyan nya ko ng basang bimpo sa noo ko.
I'm about to sleep again ng may kumatok sa main door..hindi ko na napigilan si Yuan ng tumakbi na sya papunta doon sa pintuan.

"Yuan....No!" Hiyaw ko pero late na nabuksan na nya.

Parang nawalan na ko ng lakas ng makita kung sino yung pinapasok ni Yuan. Pinilit kong bumangon parang niyayanig ang paningin ko dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko.

"Ninang Gale? You are lost also?" Takang tanong ni Yuan.

Hilong hilo ako dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko.

"Luv...come here..." nanghihinang pakiusap ko. Bakit ngayon pa? Tumakbo sya papalapit sakin kaya yinakap ko sya at sumubsob ang mukha nya sa bandang tyan ko.

"Why are you here?" Walang emosyong tanong ko.

"Ang kalat mo magtrabaho....linisin mo!" Nakakaloko yung ngiting pinupukol nya at mayamaya ay naglabas sya ng baril.

"Gale! Tang ina!" Talagang! Hayop sobrang napufrustrate talaga ko sa kanya.

"What?" Parang na aamaze nyang sabi.

"You wanna end up here? Be it!" Kung sasaktan nya si Yuan mag unahan na lang kami! Hinugot ko yung baril sa likod ko na nakasuksok.

"Yuan....come here." Pang anyaya ni Gale kay Yuan.

Pinipilit kong wag syang palingunin. Wala na kong nagawang tama since that day! Yung araw na may nangyareng hindi maganda sa amin. Yung araw na sumira ng tiwala namin sa isa't isa.

"Let's go home Yuan..." nakakalokong pang aalok ni Gale sa kanya. No!

Parang kinapos ako ng hininga ng makawala sa akin si Yuan at muling tumakbo papunta kay Gale. Pero bago pa ko makaangat ng tingin sa kanila umalingawngaw na yung tunog ng baril ni Gale.

Hindi ko na kinaya at bumagsak din ako ng hindi na matanggap ng isip ko yung nangyayare.

"Yuan...."

And then everything went back.

Yvie's POV

Yuri is crying on my shoulder. Masasakal ko talaga yang si Shann kapag napakawalang kwenta ng excuses nya sa pang iiwan nya dito kay Yuri.

"Akala ko....Kapag ibinigay kong lahat sa kanya ay okay na....sabi nya mahal nya ko pero bakit?" Hikbi nya. This is the first time I saw Yuri cry. Sobrang ang bigat sa pakiramdam.

Hunter walk toward us. Wala ni kahit na anong emosyon ang mababakas sa mga mata nya at tahimik lang syang naupo sa tabi namin.

"Ibalik na natin si Cyrll sa Garden.....she's not in herself again."

Saad ni Hunter. Napahiwalay ng yakap sa akin si Yuri. Ow ghad! Sobrang maga ng mga mata nya sa kakaiyak at yung ilong nya namumula na.

"Ano?" Argggh! Parang nangongo na sya sa pagsasalita dahil sa kakaiyak.

"Halos mapatay nya yung pinsan ni Gale...naawat ko lang. And someone is triggering her again." Kwento ni Hunter.

"Sino?" Tanong ko.

Pagkarinig ko ng pangalan nya parang nawalan ako ng lakas. Paano nyang napaikot si Cyrll sa mga kamay nyan.

Tang ina! Si Roian....Mapapahamak si Roian!
........................

Thank you for reading!

Vote and Comment kayo guys...anything!

~dark19

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now