"There are bad guys Ninang....I-I want my Mommy...." umiiyak na saad nya.

"I want you to be brave Luv....we will travel the world until we can find home....hahanapin natin yung daan para makauwi na tayo..." saad ko at hinahagod ko yung likod nya para huminahon sya.

Humarap sya sakin at lunod na ang mga mata nya sa luha at napapasibi na ang labi nya. Pinunasan ko yung luha at pawis nya gamit ang palad ko.

"Ninang Shann makakauwi pa ba tayo?" Humihikbing saad nya.

"Oo naman...basta wag mong iiwan si Ninang....ipagtatanggol kita sa mga bad guys....wag ng umiyak hahanap na tayo ng daan pauwi." Saad ko at tumango sya.

Hindi ko sya kayang saktan ni dulo ng buhok nya.....hindi ko kayang saktan ang inosenteng si Yuan. Bahala na silang magpatayan sa Pilipinas hindi ko lang maatim na may madamay na bata.

Roian's POV

Pakiramdam ko huminto ang mundo ko. Sobrang nababagalan ako sa oras. Nagagalit ako sa lahat! Bakit nangyayare ito! Okay naman kami dati....parang gusto ko ng pagsisihan na bumalik kami dito sa Pilipinas.

"Anong pinaggagawa ninyo? Bakit walang progress? Nagtatatrabaho ba kayo?" Hiyaw ko sa lahat ng taong napili nilang maghanap sa anak ko. Tang ina! Magagaling bang talaga lahat na ito.

"Ma'am parang....parang inside job ito....sobrang alam nila yung kilos ng pamilya ninyo." Saad ng isang officer.

"A-ano?" Kinakabahan ako. Wala naman akong nakaaway na tao.
Biglang may sumagi sa isip ko.

"Hanapin nyo si Gale...." walang emosyong saad ko. Inawat ako ni Ate at talagang magbebreakdown na ko. Si Mama na ang nagsabi sa detail ni Gale.

"Ate...ate yung anak ko.." umiiyak na saad ko kay Ate Belle habang yakap yakap nya ko.

"Tumutulong na din sina Mark Jayson sa paghahanap kay Yuan....." sabi ni Ate.

Sobrang naninikip yung dibdib ko kase alam kong hindi okay yung anak ko! Ilang araw na hindi ako dinadapuan ng antok o kahit ng gutom dahil sa nangyayare. Mayamaya ay dumating si Cyrll. Sinugod ko sya ng yakap...sa mga oras na ito sya na lang yung pinagkukunan ko ng lakas.

"Nakahold na ang pangalan ni Yuan sa lahat ng paliparan ng bansa.....wag kang mag alala makikita natin sya." Alo sa akin ni Cyrll. Tulad ko wala din syang tulog pinipilit ko na asikasuhin din sya dahil ayoko din na magtrigger ulit yung breakdown nya.

Inakay ako ni Cyrll hanggang makarating kami sa dati kong kwarto dito sa mansyon ng mga magulang ko. Humiga kami sa kama at pinaunan nya ko sa kaliwang braso nya.

"You need to sleep....kailangan mo din ng lakas para mahanap si Yuan.." saad nya habang nakadantay naman sa bewang ko yung isang braso nya.

Tumulo yung luha ko. Si Yuan kase yung lahat sa akin.....yung anak ko na sobra kong iniingatan...

"It's killing me..." mahinang daing ko pero umalpas parin sa bibig ko ang mga hikbi ko. Hinigpitan nya yung yakap nya sakin kaya napasiksik ako sa leeg nya. Sobra yung sakit na nasa puso ko ang isipin na may kumuha sa anak ko! Hindi ko talaga kakayanin kung may masamang mangyari sa kanya.

"Roian....trust me....akong bahala kay Yuan....I will do everything for you." she said and she kissed me in my forehead.
...
Magkatabing nakaluhod sina Cyrll at Yuan. Yung anak ko dumadaing sa sakit habang nakayuko.

"Y-Yuan anak?" Lalapit sana ako ng sumulpot si Gale sa likod nila at may hawak na baril at walang emosyon na tumitig sakin. Kinilabutan ako ng dahan dahan syang ngumiti sa akin na nakakaloko.

"Pumili ka..." malamig na saad nya.

"G-Gale..." naiiyak kong sabi at umiiling sa kanya indikasyon na wag nyang gawin ang anuman na masama sa dalawa.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now