PROLOGO

76.5K 1.2K 141
                                    

May mas sasakit pa ba sa mga dasal na walang tumatalima, at pagsisising wala nang kabuluhan?

May mas nakaririmarim pa ba, sa paninimdim sa dilim, sa sigaw at palahaw na wala nang makaririnig?

May mas nakapanghihilakbot pa ba, sa larawan ng paghihirap. Sa mga iyak at daing na hindi na mapaparam kailanman?

Tumawag ang Diyos. Nayanig ang langit. Humiyaw ang mga mensaherong, tila mga batingaw na umaalingawngaw sa dapit-hapon.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Humarang ang mga biyaya. Lumandas ang mga pagkakataon. Bukas man ang mga mata'y 'tila mga bulag namang nangangapa sa dilim.

Ito ang bagong karimlan...

Mga ilaw na walang liwanag.

Mga salitang walang kahulugan.

Mga boses na walang tinig.

Mga kagandahang walang buti.

Mga buhay na walang lalim.

Diyata't ang mundo nga'y pinaghaharian na ng mga aninong siya nating nababanaag sa bawat pagtalikod sa liwanag.

O di kaya naman ay, ng mga kaaya-ayang bagay, na pinag-aalayan ng buhay, ngunit unti-unti namang pumapatay...

Ng isipan.

Ng katawan.

Ng kaluluwa.

[Itutuloy]

LagimWhere stories live. Discover now