CHAPTER 7

905 21 3
                                    

Lahat ng tao ay abala sa paghahanap ng mga pamilya nilang nakasama sa bumagsak na eroplano. Maski si Delaine ay nananalangin na sana hindi kasama ang ama niya sa eroplanong iyon.










"’Wag kang mag-alala, sweetheart, buhay ang Papa mo" pangungumbinsi sa kanya ng ina niya kahit na may kutob na siyang nararamdaman sa kanyang dibdib.










Hindi niya alam kung bakit pero masama ang kutob niya. Masama ang kutob niya dahil nararamdaman niya na kasama ang ama niya sa bumagsak na eroplano at hindi nga siya nagkamali.










Nagsimulang tumulo ang mga luha niya habang pinagmamasdan ang mga nagrerescue na buhat ang wala nang buhay na katawan ng ama at puno ng dugo ang katawan nito.










She’s just 7 years old. Pero naging mulat na ang mata niya sa katotohanang maaga siyang mawawalan ng ama. Nakikita niya na na mabubuhay siyang wala nang ama.










Walang ama na magsasabit sa kanya ng mga medalya sa graduation niya sa grade 6, sa high school at maging sa kolehiyo.











"Honey, hindi. Hindi ito totoo" hinagpis ng kanya ina pero siya ay nakatayo lang habang pinagmamasdan ang mga butil ng luhang lumalabas sa magagandang mata ng kanyang ina.










Hindi niya akalaing aabot sa ganoon ang buhay niya. Aabot sa puntong kinakailangan niyang patahanin ang ina niya sa pagdadalamhati nito at isantabi ang sakit na nararamdaman niya.










Hindi niya nagawang kumilos nang sinimulan nang buhatin ng mga nagrerescue ang wala nang buhay na ama niya. Ni wala din siyang magawa kung ‘di sundan ang ina niya habang hinahabol ang katawan ng ama niya.










"Mama..." Tanging nasambit niya habang niyayakap nito ang ama niya na alam niyang kahit mag-iiyak pa siya at magmakaawa ay hindi na ito mabubuhay pa.










Ayokong umiyak, dahil ayokong parehas kaming maging mahina ni Mama. Ayoko nang madagdagan pa ang pagiging emosyonal niya. Anang isang bahagi ng isip niya.











"Bakit mo kami iniwan kaagad? Ang sabi mo magkasama tayo hanggang pagtanda pero bakit? Bakit iniwanan mo na kami ng maaga?" mga hinanakit ng ina niya.










Napayuko nalang siya habang naririnig ang bawat hikbi ng ina niya na tumatak na sa isipan niya.











"Paano na ‘ko ngayon? Paano na ang anak natin? Honey, please gumising ka na. Ayaw mo bang makitang lumaki ang anak mo? Ayaw mo bang sabitan ng mga medal ang anak mo sa graduation nito?" muling turan ng ina niya.











Muli na naman itong napahagulgo nang wala ito ni isang sagot na nakuha mula sa ama niya. Hindi na siya nakatiis pa kaya nilapitan niya ito at niyakap ng mahigpit mula sa likuran.










Gusto niyang iparamdam rito na hindi ito nag-iisa, na nandito pa siya kasama nito.










"Mama, ‘wag na po kayong umiyak.. Hindi naman po tayo pababayaan ni Papa tulad ng pangako niya. Mama, nandito pa ‘ko at handa akong ibigay ang lahat para hindi mo rin ako iwan. Mahal na mahal kita Mama" litanya niya rito.










HINDI NAPIGILANG HINDI MAPALUHA ni Delaine habang inaalala ang panahong nagbigay sa kanya ng dahilan para mas lalo niyang tibayan ang sarili niya.










Napahinto siya at gulat na napatingin sa serial killer nang punasan nito ang pisngi niya.










Mamamatay na rin ba ‘ko kaagad dahil hindi ko naman nagawang patulugin ang serial killer na kasama ko? Anang isang bahagi ng isip niya.










Kinuha nito ang papel at nagsulat.











Don't cry. You look more beautiful when you smile, so smile now. Basa niya sa sinulat nito gamit ang isip.










Napangiti siya sa nabasa niya dahil napagtanto niya na may itinatago din pala itong bait sa kabila ng pagiging killer nito.










Bigla ding naglaho ang ngiti niya ng may maalala.










"Paano ‘yan hindi kita nagawang patulugin? Kukuhaan mo na ba ‘ko ng dugo ngayon o papatayin mo na ‘ko?" nakangusong  tanong niya rito pero muli itong nagsulat.










Nakakatuwa dahil kahit papa’no ay nawawala na ang matatalim nitong mga mata. Mas gumagwapo ito kapag normal na seryoso lang ang tingin nito.










Silly. Tell a story again. Basa niya gamit ang isip.










Hindi niya napigilang hindi matawa sa nabasa niya.










"Pwede ba ‘kong kumain muna? Sa totoo lang, hindi pa ‘ko nakakakain nu’ng kinuha mo ‘ko" turan niya rito.










Balik sa pagiging matalim ang mata nito pero kalaunan ay tumayo at nagtungo sa isang lamesa.










Pinapanood niya lang itong magluto ng bigla niyang marinig ang ringtone ng cellphone niya.










Dumagundong ang kaba niya nang tumigil sa pagluluto ang serial killer at may dinukot sa bulsa nito.











Pagtingin niya ay cellphone niya na ang hawak nito. Napalunok siya ng tumingin ito sa kanya pero gulat ang makikita sa mga mata niya ng ihagis nito ang cellphone sa kanya.










Tinitigan niya muna ito na nakatingin din sa kanya bago niya sinagot ang tawag.










"T-tita Fiona" utal na sagot niya sa tawag.










"Nasa’n ka na bang bata ka, huh? Nag-aalala na kami rito, pati ang Mama mo hindi mapakali sa kakaisip sa ‘yo. Nasa’n ka na ba?" Halata sa boses nito ang pag-aalala.










Muli siyang napatingin sa serial killer at nakasandal ito sa hamba ng lamesa habang nakakrus ang mga braso.










"Uhm. Hindi ako makakauwi sa ngayon, Tita. May project kasi kaming tinatapos at ipapasa na bukas. Sorry po hindi po ako nakapagtext kaagad" sagot niya habang nakatingin pa rin sa killer.










Napansin niya ang pagngisi nito at muling bumalik sa pagluluto.











"Uhm. Tita ibababa ko na po, busy po kasi kami, eh. Matulog na po kayo ng maaga" anang niya rito.










Hanggang sa maibaba niya ang tawag ay nakatingin lang siya sa killer na nakakabit pa rin ang ngisi sa mga labi nito.











Why I found it so handsome? Maybe I need to check my eyes. She thought while her cheeks is burning.









| | To be Continued... | |

He's The Serial Killer (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant