CHAPTER 8

138 6 4
                                    

Hindi na muli pang tinignan ni Delaine ang killer nang may mapansin siya sa sarili niya.










Ni hindi niya rin alam kung bakit bigla nalang tumibok ng mabilis ang puso niya.










Napaangat siya ng tingin nang makita ang plato sa may harapan niya. Tumingin siya pababa sa platong hawak nito na may laman na palang kanin at ginisang sardinas na may petsay.










“Salamat” nakangiting turan niya rito.











Hinawakan niya ang platong hawak nito at masuyong nilagay sa lapag. Muli na naman siyang napatingin dito nang kutsara naman ang iabot nito, kaya kinuha niya na iyon kaagad dahil baka magalit pa ito at mapaaga ang buhay niya.










Sinubukan niyang sumubo ng isang kutsara at nanlaki ang mata niya sa lasa. Hindi niya inaasahan na masarap ito magluto kahit simpleng ulam lang.











"Masarap" sambit niya habang nakangiti.










Muli niya na namang nasilayan ang pagngisi nito kaya agad siyang umiwas ng tingin.










Nakakailang subo na siya pero nakaupo lang sa harap niya ang killer. Kumuha siya ng isang kutsara at itinapat ito sa bibig nito.











"Kumain ka rin. Kailangan mo rin naman kumain at alam kong mabait ka kahit... kahit... kahit marami ka nang napatay" humina ang boses niya sa huli niyang sinabi.










Nanatili lang itong nakatingin sa kanya hanggang sa mapasigaw siya dahil sa biglang ginawa nitong pagsakal sa kanya.










Pilit niyang inaalis ang kamay nitong nakahawak sa leeg niya at panay na rin ang ubo niya dahil sa unti-unti pagkaubos ng hininga niya.










"S-sorry..." Nahihirapang saad niya rito.










Isang malalim na hininga ang nahugot niya para makakuha ng ilang hangin nang tuluyan siya nitong pakawalan.










Sapu-sapo niya ang leeg niya habang kumukuha ng hangin. Panay rin ang ubo niya dahil sa higpit nitong pagkakasal sa kanya.










Napalingon siya nang may isang papel ang wumawagayway sa gilid niya.











Sorry. You can hurt me. Basa niya sa sinulat nito.











Napalingon siya rito pero ni isang emosyon ay wala siyang mabasa. Tanging ang blangkong mata lang nito ang nakikita niya.










"I'm fine, but no thanks. I won't hurt you just because you hurt me" she said and tried to smile.










Kinuha niya ang baso ng tubig na katabi ng plato niya at inisang lagok iyon para mapawi ang pagkauhaw niya.










Pagkababa niya ng kamay niya ay hindi niya sinasadyang madikit sa kamay nito. Agad niyang naialis ang kamay niya nang maramdaman ang bultahe ng kuryente na dumaloy sa katawan niya.










Iba na talaga ang nararamdaman ko. At once na makatakas ako, magpapacheck kaagad ako sa doctor para malaman ko ang nangyayari sa akin. Anang isang bahagi ng isip niya.










"Can you at least tell me what's your name?" she suddenly asked him.










Nanatili lang itong nakatingin sa kanya na para bang inaalisa ang mukha niya.










Napabuntong hininga siya at nag-isip ng ibang tanong, pero wala talaga siyang maisip na tanong.










"Please, just tell me your name so I know kung ano ang itatawag ko sa ‘yo. I promise wala akong pagsasabihan na iba once na makaalis ako..." napahinto siya sa sinasabi niya pero kalaunan ay muling nagsalita sa mababang boses, "kung makakaalis pa ‘ko, dahil alam ko namang kahit magmakaawa ako sa ‘yo hindi mo ‘ko patatakasin."











"Lyon..."










Hindi siya makapaniwalang napatingin rito nang marinig ang boses nito.










"That's my name" he added.










Bahagyang bumuka ang bibig niya nang marinig ang maganda nitong boses. Buong-buo ang boses nito at lalaking-lalaki pa.











"I-I thought you can't speak" she said while stuttering.










He smirked that made her heart beat. "I'm sorry to disappoint you, lady, but yes I can speak clearly.”










"Oh My God!" she said.










Hindi niya naiwasang takpan ang bibig niya sa pagkabigla.










He can really speak. I'm so doomed. If I know, kanina ko pa sana tinanong ang pangalan nito. Anang isang bahagi ng isip niya.










Muli siyang napatingin sa mukha nito at suot-suot pa rin nito ang ngisi sa mga labi nito.










Bakit nga ba mas pinili nitong pumatay ng mga katulad kong istudyante? Tanong na nabuo sa isip niya.










"Stop overreacting. I hate it, just tell me another story so I can decide if I will let you escape or not" he said.











Napakurap-kurap siya sa katarayang taglay ng lalaking ito.










Gwapo nga may atittude naman. Jusmiyo, sana naman wag ako mahulog sa lalaking 'to. Anang isang bahagi ng isip niya.










"Bilisan mo na. Ayoko ng pinaghihintay ako" seryoso nitong sabi kaya umayos siya ng upo.










"Fine ito na po. Hindi mo na kailangang ma-high blood sa akin" turan niya.










He just tsked.










"That's a summer day when a girl found out what his man doing behind her back...”









| | To be Continued... | |

He's The Serial Killer (COMPLETED)Where stories live. Discover now