CHAPTER 4

758 26 0
                                    

Malungkot na napatingin si Delaine sa katabing upuan niya.










Ilang araw nang hindi pumapasok si Talia na siyang kinakabahala niya.











Paano kung may nangyari sa kanya? Hindi niya maiwasang hindi maisip.










“Ms. Delaine…”










Mabilis na humarap siya sa teacher nila na mukhang kanina pa tinatawag ang pangalan niya.










“Alam namin na nag-aalala ka kay Talia pero oras ito ng klase, Ms. Delaine” ani kanilang guro.











Tumayo siya at mabilis siyang yumuko rito. “Pasensiya na po.”











Napabuntong hininga ito at pinaupo na siya.










Lumipas ang oras hanggang sa break time na. Nakayuko lang siya habang naglalakad sa hallway na madalas nilang daanan ng kaibigan.










Napahigpit ang kapit niya sa strap ng bag niya habang inaalala ang panahong kasa-kasama niya ang kaibigan niya.










Pansin niya rin ang tingin sa kanya ng mga kapwa niya kaeskwela hanggang sa makarating siya sa cafeteria.











Pagpasok niya palang ay napatingin na sa gawi niya ang mga kaeskwela niya.










Don’t mind them, Dria. Just keep on walking. She said through her head.











Bumuga siya ng malalim na hininga bago naglakad. Sa kabila ng tingin at bulungan ng mga ito ay nagawa niyang makapila.










“’Wag kang magpadala sa ginagawa at sinasabi nila, ineng” ani ng babae na nag-abot sa kanya ng pagkain niya.










Sa kabila ng pagkagulat ay ngumiti siya rito. Nagtungo siya sa lagi nilang pwesto ni Talia.










Iinumin na sana niya ang juice nang bigla siyang mapatigil.











Tigilan mo ang kakainom ng juice nang wala pang laman ang t’yan mo. ‘Wag matigas ang ulo. Ang laging paalala sa kanya ni Talia.











Napatingin siya sa katapat na upuan at nakita roon ang kaibigan na nakangiti sa kanya. Ngingiti na sana siya nang mawala ito sa harapan niya.










Napabuntong hininga siya at napayuko. Kumain siya ng mag-isa. Kumain siya na malungkot. Kumain siya na walang Talia na maingay.










Natapos ang break hanggang sa oras na ng uwian. Napapayuko nalang siya sa tuwing may makakasalubong dahil ayaw niyang makita na may panghuhusga at takot sa mata ng mga ito.










Huh?










Napaangat siya ng tingin nang may isang babae na humarang sa harapan niya. Kita niya ang galit sa mga mata nito maging ang pagkakakuyom ng mga palad nito.










“Ikaw ang may kasalan kung bakit namatay si Hailey. Ikaw ang may kasalanan kung bakit wala na ang kaibigan ko” ani nito na puno ng galit.









He's The Serial Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon