CHAPTER 3

831 26 1
                                    

Tahimik lamang si Delaine habang nagtuturo ang teacher nila sa harap.









Mahinang tinutuktok niya ang dulo ng ballpen na hawak niya sa nakabukas na notebook niya na wala namang nakasulat.









“Laine. Huy, Laine!”









Tila natauhan na napatingin siya sa kaibigang si Talia na katabi niya lang sa upuan.









“What?” she asked her friend.









Nagtaka siya nang itinuro nito ang harapan kaya napalingon siya duon upang makita lamang ang kanilang guro maging ang mga kaklase niya na nakatingin sa gawi niya.









Napalunok siya dahil hindi niya malaman ang gagawin. Kinakabahan din siya dahil wala siyang ideya kung ano ang nangyayari.









“Are you with us, Ms. Delaine?” their teacher asked her.









Kahit kinakabahan ay tumayo siya at magalang na yumuko rito.









“Sorry po” tanging nasabi niya.









Narinig niya ang pagbuntong hininga nito at pinaupo na siya.









Muling nagsimula itong magturo na siyang kinabuntong hininga niya.










Kapag nalaman ito ni Mama tiyak na lagot ako. Anang isang bahagi ng isip niya.










“Pst! Laine…”









Muli siyang napatingin sa kaibigan. Pasimple itong tumingin sa teacher nila bago muling tumingin sa kanya.









“May problema ba?” may pag-aalalang tanong nito.









Hindi niya naiwasang hindi mapangiti nang dahil rito. Nakangiting umiling siya rito pero ngumuso lang ito, hudyat na hindi ito naniniwala.









Natapos ang klase hanggang sa magbell, hudyat na break na nila. Katulad ng nakasanayan ay sabay silang naglalakad ni Talia sa hallway.










“Hindi ako naniniwalang wala kang problema, Laine. Kanina ka pa tulala” ani kaibigan niya.










Napatingin siya dito dahil seryoso ang boses nito. Bago sa kanya ang emosyon na pinapakita nito kaya nagtataka siya sa ikinikilos nito.










Hanggang sa makarating sila sa cafeteria na hindi nakakasagot sa sinabi nito.









“Did you know what happened to Hailey?” her friend suddenly asked.










Napahinto siya sa pagsubo at gulat na napatingin dito.









“W-why?” She asked while stuttering.










So she knew what happened to her. She said through her mind.










Bumuntong hininga ito at tinignan siya. “Lately, kumakalat ang balita ng isang serial killer.”









He's The Serial Killer (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat