CHAPTER 9

146 7 0
                                    

Nakangiti si Delaine habang magkahawak-kamay silang naglalakad ni Shawn sa hallway ng school.










"Uhm, babe…”










Napatingin siya sa kasintahan na may pagtataka.










“Bakit?” tanong niya rito.










“Mauna ka nasa room natin, may nakalimutan kasi akong kunin sa locker" ani nito.











Nagtaka siya sa biglaang pag-excuse nito.










"Huh? Tara samahan na kita—" hindi pa man siya tapos magsalita ay bigla na itong sumingit na kinabigla niya naman.











"Hindi na. Ano kasi... ayoko lang na mapagod ka kakaakyat-panaog kaya ako nalang ang kukuha. Mauna ka na sa room" nakangiting sambit nito.










Hindi niya maiwasang hindi ma-weird-duhan sa inaakto niyo.











"Oh sige—" hindi pa man siya tapos magsalita ay sumingit na ito.










"Thank you, babe" nakangiti nitong saad at umalis na may ngiti sa mga labi.










Pinagkibit-balikat niya nalang ang nangyari at nauna na sa room.










Pagpasok ay napatingin sa kanya ang mga kaklase niy kaya hindi niya nalang pinansin ang mga tingin ng mga kaklase niya at dumiretso sa upuan niya kahit na curious na curious na siya sa ginagawang pagtingin ng mga ito sa kanya.











"Uy, Laine…"











Napalingon siya kay Talia nang bigla itong sumulpot sa tabi niya.










"Oh! Ikaw pala. Bakit?" Tanong niya rito habang nilalabas ang notebook niya na kakailanganin niya sa susunod na subject nila.










"Si Shawn kasi..."










Lumingon siya rito nang may pagtataka, mukha kasi itong kinakabahan na ewan.











"Oh! Anong meron kay Shawn?" Nakangiti niyang tanong rito at nakita niya sa mukha nito ang pag-aalala.










"Kasi, Laine..."










Ngumiti lang siya at inantay ang sasabihin nito hanggang sa mapabuntong hininga ito.











"Si Shawn, bali-balitang may kinakasamang babae at nahuli siya ng dalawang mata ko" ani nito.










Nawala ang ngiti niya sa sinabi nito. Nang makabawi ay napatawa siya sa sinabi nito at itinuon ang pansin sa notebook niya.










"Ano ka ba naman, Tals? Hindi magagawa sa ‘kin ni Shawn ‘yun" pagtanggol niya sa kasintahan.










"Hindi nga ba? Hindi mo ba napapansin ang tingin ng mga kaklase natin? Lahat sila alam ang nangyayari, ikaw lang ang hindi. Laine  ikaw lang naman ang iniisip ko, eh" mag pag-aalalang turan nito.










He's The Serial Killer (COMPLETED)Where stories live. Discover now