Mabilis akong pumasok saka ko sana kukunin sa kanya ang susi ngunit nangibabaw sa isipan ko ang ginawa niyang pagpapahiya sa akin kanina sa harapan ni Jako at ng iba pang tao sa ibaba.

"How dare you, Bastard!" galit na baling ko sa kanya saka ako nagpatuloy sa mga sinasabi ko. "Wala kang karapatan na ipahiya ako nang ganoon lalo na sa harapan ni Jako. Hindi mo alam ang lahat ng detalye Ralf kaya dapat ay itikom mo na lang yang makasalanan mong bibig."

Nakita ko ang galit at pagkainis sa mga mata niya. Marahil ay dahil sa pagtawag ko ng bastardo sa kanya.

"Oo bastardo ako pero hindi mo kailangan na ipaalala sa akin iyon ng paulit-ulit. Naturingan kang nakapag-aral sa napakagandang eskwelahan pero kung umasta ka ay daig mo pa ang hindi nakapag-aral."

Muli ay hindi ko na naman napigilan ang kamay ko at muli ko iyong napadapo sa gwapong mukha niya.

Galit na galit siya nang muli niya akong harapin saka niya ako marahas na pinitseran at ilang sandali pa ay narinig ko na ang malakas na pagbangga ng likod ko sa matigas na pader habang hawak pa rin ako ni Ralf sa kwelyo.

"Sumusobra ka nang gago ka. I've already warned you! Hindi ka na nadala." galit na sabi niya saka niya mabilis na sinakop ng malambot na mga labi niya ang nakaawang ko na mga labi.

Dahil sa pagkabigla ay hindi ako kaagad na nakanawi. Sinamantala naman iyon ni Ralf at mas lumalim pa ang mga halik niya hanggang sa maramdaman ko na ang sensual na paglikot ng dila niya sa loob ng bibig ko.

Nagsisimula na akong makadama ng kakaibang sarap mula sa marahas at mapangahas na paghalik niya. Ngunit isang eksena mula sa nakaraan ang mabilis na dumaan sa isip ko na nagpabalik sa akin sa tamang katinuan.

Mabilis ko siyang naitulak sa maskuladong dibdib niya kasabay ng pagkalas ng mga labi namin ay ang sunud-sunod na paghampas ko ng mga kamay ko sa matigas niyang dibdib habang sinasambit ang hindi mabilang na mga mura ko sa kanya.

"I hate you Rafael Certeza. Ikaw na ang pinakamapagsamantalang tao na nakilala ko. Lumabas ka sa silid na ito bago pa kita magawan ng mga bagay na hindi mo magugustuhan." galit na sigaw ko sa kanya saka ko siya marahas na ipinagtulakan palabas ng silid na iyon.

Malakas kong ibinagsak ang pintuan nang sa wakas ay maitulak ko na siya sa labas. Marahas ko ring pinindot ang doorlock saka ako napasipa doon dahil sa sobrang inis.

Napapahilot na lamang ako sa sentido ko habang naglalakad ako patungo sa kama at marahas kong ibinagsak ang katawan ko doon.

Napahiyaw pa ako nang mauntog ang ulo ko sa bakal na headrest saka ako naiinis na bumangon. Dinampot ko ang unan at ang headrest na kinauntugan ko ang pinagtuunan ko ng galit ko.

Hindi nagtagal ay napagod din ako sa ginagawa kong pagpalo ng unan sa kama at napahiga na lang ako doon habang iniisip pa rin ang ginawang kapangahasan ni Ralf sa akin.

Noon na nagbalik sa akin ang dahilan kung bakit ako uuwi ng hacienda ngayon.

Alas-kuwatro na ng hapon nang makabalik ako kahapon sa showroom namin sa Makati mula sa bahay ng isang kliyente sa Forbes Park.

Hindi pa ako halos nakakaupo sa swivel chair ko nang makatanggap ako ng tawag sa telepono na kaagad ko rin namang sinagot.

"Hello!"

"So you're in at last." sabi ng pamilyar na tinig sa kabilang linya ng telepono dahilan upang magsalubong ang mga kilay ko. Nasa tinig nito ang iritasyon at ang kawalan ng pasensya.

"I've been trying to reach you since this morning pero hindi kita mahagilap. Ang cellphone mo ay iisa lang ang sinasabi. The usual shit ng computerized voice na nagpapatindi lalo ng inis ko." litanya niya.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now