"Sino pa ang gustong kumanta? Come on! It's your turn to confess your feelings and dedicate that song for your loved one! Meron ba diyan? Tara at umakyat ka na dito sa stage!" Nakangiting panghihikayat ng sa tingin ko ay leader ng banda.

"Siya po!" Narinig kong sigaw ni Allexa at nanlaki ang mga mata ko nang makitang tinuturo ako nito.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" Bulalas ko.

Allexa just smirked at me.

"Iparinig mo sa kanila ang napakagandang boses mo. Sige na. Ang tagal ko na ring hindi narinig boses mo." Anito at kapagkuwan ay itinulak ako patungong mini-stage.

Wala akong nagawa nang inalalayan ako ng leader ng banda paakyat ng stage. Pinaupo ako nito sa mataas na stool at nasa harap ko ang microphone na nasa stand.

"Pakinggan natin kung ano ang kakantahin ng magandang dilag na ito." Panimula ng leader at narinig ko ang palakpakan ng mga tao na naroroon.

Masama kong tinignan si Allexa. Ngumisi lang ito sa akin. Humanda ito mamaya sa'kin, makakatikim talaga siya.

"Miss, anong kanta ang kakantahin mo? Para makapag-set na kami for your back-up." Tanong ng leader sa akin.

Kaagad kong sinabi ang title ng kanta.

Ilang sandali lang ay narinig ko na ang pagtugtog ng gitara at ang iba pang instrumento na naging hudyat para kumanta ako.

At sa pagbuka ng bibig ko ay hindi sinasadyang nadako ang tingin ko sa lalaking nakatingin hindi kalayuan mula sa akin.

Jastin.

"Bakit hindi mo maramdaman. Ikaw sa akin ay mahalaga. Ako sayo'y kaibigan lamang.
Pano nga ba't di ko matanggap. At ako pa ba'y iibigin pa. Ang dinadasal makikiusap na lang. Akin ka na lang. Akin ka na lang. Ang dinadasal sa araw-araw. Akin ka na lang. Akin ka na lang. At maghihintay hanggang akin ka na, giliw." Walang kumukurap sa aming dalawa habang nagsasalubong ang mga tingin.

Hindi ko man sinasadya but it looks like that this song I chose was meant for him. Kumakanta ako ng galing sa puso ko na tila ba iyon ang tunay kong nararamdaman. Which is true, dahil nakapaloob sa kantang ito ang lahat ng saloobin ko.

"At sa panaginip lamang, nahahagka't nayayakap ka. At ako pa ba'y iibigin pa, ang dinadasal makikiusap na lang. Akin ka na lang. Akin ka na lang. Ang dinadasal sa araw-araw. Akin ka na lang. Akin ka na lang. At maghihintay hanggang akin ka na,

giliw."

"At ako pa ba'y iibigin pa. Ang dinadasal makikiusap na lang. Akin ka na lang, giliw. Akin ka na lang. Ang dinadasal sa araw-araw. At maghihintay hanggang akin ka na, giliw." At sa pagtatapos ko ng kanta ay doon ko namalayan ang pagbasa ng magkabilang pisngi ko.

Did I cry?

Napatingin ako sa mga tao na napaawang ang mga labi habang nakatingin sa akin. Hindi ko mawari kung dahil ba sa pagkanta ko o dahil ba sa nakita ng mga ito ang pagluha ko.

"I'm sorry. Nadala yata ako sa kanta." Nahihiyang paliwanag ko sa harap ng microphone.

The people in front of me just smiled and clapped their hands.

Muling bumalik ang tingin ko kay Jastin. Kitang-kita ko ang paghigpit ng paghawak nito sa hawak nitong kopita.

Dire-diretso nitong nilagok ang laman niyon at kapagkuwan ay pinatong nito ang kopita sa tray na dala ng kakadaan na waiter. Muli pa itong kumuha ng isa pang kopita na may laman at muli nito iyong nilagok.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now